Kabanata LVII

12.2K 668 182
                                    

- NAMIOR -

KAHINDIK-HINDIK ang hitsura ng silid na kinalalagyan ni Namior kasama ang halos hindi na makilalang binata na naliligo sa sariling dugo. Puno ang buong lugar ng talsik ng dugo mula sa iisang tao na nasa gitna at wala na halos malay.

Nakalambitin ang kaawa-awang si Daewon patiwarik wari'y isang kinakatay na baboy at pinatutulo ang dugo mula sa mga latay at sugat na natanggap nito. Halos sumisinghap na rin ang binata ng hangin dahil hirap na hirap na siyang huminga ngunit patuloy lamang si Namior sa paghagupit ng latigo dito hanggang sa maabot niya ang ikasingkuwentang latay ay saka lamang siya tumigil at pabatong inihagis ang latigo kung saan saka naupo sa lamesa sa tabi.

"Pagod na ako, Ginoong Won, pero ikaw, nananatili ka pa rin matigas. Hindi mo ba talaga kilala si Yvonne?" Malamig na tanong ni Namior sa naghihingalong binata na hindi na halos makadilat sa dami ng latay at panay singhap na lamang ng hangin.

"Tsk. Hindi ka ba talaga magsasalita? Ha?! Kung mananatili kang parang pipi ay tutuluyan ko na talaga iyong kapatid mong kamukhang-kamukha mo sa kulungan!" Banta pa ni Namior ngunit nanatili pa rin walang kibo si Daewon.

Gustuhin man niya magsalita ay hindi na niya ito magawa pa dahil maging ang mga labi niya ay puro latay na rin at hirap na hirap na siya humihinga. Ultimo pag-iyak ay hindi na nga rin niya magawa dahil pagod na pagod na ang katawan niya.

Nasa ganitong sitwasyon sila ng biglang pumasok si Orryn sa silid at ayon pa lamang sa gayak nito ay mukhang handa na siyang tumungo sa isang paglalakbay. Nilingon naman siya ni Namior habang abala pa rin ito sa pagpupunas ng kanyang espada.

"Hindi pa rin patay ito? Ano? Balak mo bang iwan iyan ng nakaganyan?"

"Kakatayin ko na rin iyan at isisilid sa sako ang ulo. Ipinaghihiganti ko lang ang mga latay ko." Tamad na pahayag ni Namior habang abala pa rin ito sa paghahasa. Saglit pang nilingon ni Orryn si Daewon na gumegewang-gewang na lamang saka muling nagsalita sa kapatid.

"Kung ganoon ay mauuna na kami. Ikaw na ang magdadala sa mga natitirang Ether at mga bilanggo tama ba?"

"Oo ako na. Susunod na lamang ako kapag tapos na ako dito. Bilisan mo na lamang dahil baka masalisihan ka pa ng mga kawal na nasa labas at hinihintay na tayo..." Makahulugan at nakangising pahayag ni Namior dahilan para mapatiim bagang na lamang ang kapatid.

Hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid ang ginagawang pagbabantay sa kanila ng mga kawal ng kaharian ngunit wala silang kaaalam-alam sa mga bombang nakapalibot sa kanilang bar na ngayon ay nagsisimula na ang pagbibilang.

"Siguraduhin mong susunod ka, Namior. Baka mamaya pairalin mo na naman ang kabobohan mo at maambush ka na naman ng kung sino." May himig ng pagbabantang pahayag ni Orryn sa kapatid ngunit nginisihan lamang siya ng kapatid at marahang tinapik ang braso nito.

"Ang dami mong sinasabi. Magkikita pa naman tayo. Sige na, alis na." Marahang pangtataboy pa niya sa kapatid kaya naman matapos siyang sipatin ni Orryn ng huling beses ay tumalikod na ito at naglakad paalis ngunit hindi nakaligtas ang huling sinabi nito kay Namior dahilan para mapangiti ang binata.

"Hihintayin kita, Kuya." Mahinahon at sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig muli ni Namior ang katagang iyan mula sa kanyang kapatid.

Hinintay lamang ni Namior na makaalis ang kapatid saka ito nagsindi ng tobacco at mabilis itong hinithit. Agad naman nanuot sa lalamunan niya ang usok nito na mas lalong nagpasabog sa kanyang isipan at nagpakalma sa kanyang kalooban.

"Tapusin na natin ito, Ginoong Won. Magsalita ka man o hindi, parehas naman kayong mamamatay ng kapatid mo. Pinatagal ko lang talaga para manuot sa'yo ang hapdi ng katrayduran na ginawa mo." Malamig at nakakakilabot na pahayag ni Namior saka ito dahan-dahang naglakad sa kinaroroonan ng nakapatiwarik na si Daewon habang hawak ang matalas na espada.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon