Kabanata 13

2.5K 80 5
                                    

Uncertain

Things between me and Kuya Hex became more awkward after that. Sa tuwing naiisip ko ang pag lapat ng labi namin ay nag-iinit ang mukha ko. Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy papunta sa batok ko. I feel hot and embarassed at the same time. I couldn't look at him like how I used to before.

"Zaccary!"

Ngumiti ako ng kumaway si Gabriel. Pagkalapit niya ay inabot niya sa'kin agad ang tatlong pink roses.

"Baka maubos na ang mga roses ng Inay mo sa garden niyo niya'n ha?" natatawa kong sabi.

He sheepishly smile at me. "Hindi iyon magagalit."

Inamoy ko ang rosas habang humilig sa railing. Ilang linggo na ang lumipas simula ng manligaw si Gabriel pero bakit habang tumatagal, parang unti-unti ding nawawala ang kakaibang excitement na nararamdaman ko sa tuwing nagkikita kami?

Dati rati, kahit malayo palang siya, bumibilis na ang tibok ng puso ko. Hindi na ako mapakali at nanlalamig na ako sa kaba. Ngayon, kahit mag biro siya o humirit ng nakakakilig na line, parang walang epekto sa'kin? At sa tuwing magka-usap kami, laging dumadaan sa isip ko ang mukha ni Kuya Hex.

Natatawa na naiinis na nga ako minsan sa sarili ko dahil hindi ko na minsan maintindihan kung ano ba talaga ang gusto ko. Crush ko parin ba si Gabriel? Kung oo, bakit parang hindi na ako masaya ngayon? Mabait naman siya, kwela at sweet pero bakit ang strikto at snob na mukha parin ni Kuya Hex ang lagi kong naaalala?

"Zaccary, okay ka lang ba?"

"Ah, huh? May sinabi ka ba?" My thoughts wander again that I am spacing out in front of my long time crush.

"Kako, mamasyal tayo ngayong Sabado. Pumunta tayo sa lagoon sa may Sta. Cruz, malapit lang naman. Mag a-outing kasi ang barkada. Gusto sana kitang isama." sabi niya.

"Ah.. Iyon ba.. Ano kasi, subokan ko lang ha? Baka hindi ako payagan ng parents ko e." sagot ko.

"Sana maka punta ka." naka ngiti niyang sabi.

"Subokan ko, Gabriel."

Araw-araw sa tuwing nagkikita kami ni Gabriel ay tinatanong niya ako tungkol sa outing. Hindi ko masabi sa kanya na hindi pumayag sina Mommy. Pinagalitan pa nga ako e.

"Talaga bang hindi ka sasama, Zaccary? Sayang naman kung tatanggi ka kay Gabriel." sabi ni Katherine.

"Tsaka ayaw mo no'n? Nag level up na ang label niyo. He is going to introduce you to his friends!" nangingiting tugon ni Bridgette.

I sigh. Kung sinabi 'to sa'kin ni Bridgette dati ay sigurado nagtatalon na ako sa tuwa. But why can't I feel the enthusiasm when we're talking about Gabriel and our relationship right now? Kung hindi ba umuwi si Kuya Hex, kung hindi ko ba napapansin ang kanyang kakaibang mga titig at paghihigpit, kung hindi ba sadyang nag lapat ang mga labi namin ay walang magbabago sa nararamdaman ko para kay Gabriel?

Hindi ko na alam kung anong una kong iintindihin sa nalilito kong isip at damdamin. Wala akong makitang sagot para maintindihan kung ano itong nakakapagpapabagabag sa'kin. Hindi naman ito Math Algebra pero bakit hindi ko makuha-kuha?

And I don't like this uncomfortability and fear I have feel for Kuya Hex. We grow up together and treated each other as real brother and sister even if we are not related by blood. I don't want to ruin what we have founded just because of the accidental kiss.

Kaya siguro mas mabuti na pag-ukolan ko talaga ng pansin si Gabriel. Baka kapag binigyan ko siya ng oras e mawawala rin itong kalitohan sa sistema ko.

"Paano ako makakatakas?" tanong ko kina Katherine.

Ngumisi silang dalawa sa'kin saka ibinulong ang aming gagawin. After our plan, I told Gabriel that I am going. He was really happy that he couldn't wait 'til Saturday.

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon