Season 3: Episode 18

4.6K 401 110
                                    

Napuno ng nakakakilabot na iyakan ng sanggol ang buong paligid. Kasabay ng tagaktakang pawis ko ang humaplos na lamig ng kilabot sa aking mga balat. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang mapagtanto kung gaano karami ang mga sanggol na ngayon ay hinahabol kami para lapain.

"Sir! There is no way out!" Manuel yelled. The fear inside him is evident by the way how his voice shook.

Hindi ko kayang paniwalaan ang kanyang sinabi. Para sa akin, may paraan pa. Kahit anong mangyari, gagawan ko ng paraan ang kaligtasan namin.

Lumiko kami, ngunit kahit na anong gawin namin ay hindi kami nilubayan ng mga patay na sanggol. Kahit anong liko pa ang gawin namin ay hinding-hindi nila kami lulubayan.

"Dad! The fire exit!" Santhy shouted while directing his forefinger towards the red door. Fire extinguisher is resting beside it.

That specific door gave a ton of hope on my system. I found my subsiding motivation to fade. My eyes are now only eyeing for our survival. And that door . . . that door is our only way out to keep ourselves alive.

Mabilis kaming nakalapit sa pinto ng fire exit. Ang una kong ginawa ay ang hawakan ang door knob para pihitin. But it was lock. That was the moment where I realized that death is really something hard to avoid.

"Shuta, what the hell?" Briela flashed her fear through her face. Namumutla ang kanyang mukha.

"Paano na ngayon, Dad?" Tarantang tanong ng anak ko.

I was about to say something that will lighten up the heavy fear that we are experiencing, but I was taken aback by what happened next. Pare-pareho kaming natigilan nang bigla naming marinig muli ang mga patay na sanggol. Palapit nang palapit ang tunog ng kanilang pag-iyak. Ramdam namin ang mabibigat nilang pag-alagwa para patayin kami.

At alam ko, itong fire exit lang ang makakapagsalba sa amin. Kung hindi pa namin bibilisan ang pagbukas rito ay maaring ito na nga talaga ang kinapapanabikang dulo ng aming kamatayan.

"Move! Gawin niyo ang lahat para mabuksan 'yan!" I demand them with a loud authority on my voice. Matapos ay naisipan kong hablutin ang fire extinguisher.

"Let me handle this! Lumayo kayo sa pintuan!" Manuel told us. Briela, Santhy and I are so quick to follow his command.

The moment Manuel walk a bit for from the fire exit, I already knew what he is about to do. Kumuha lang siya ng buwelo. The next thing he did was to run towards that door. He bumped his forearms onto it. Pero ni anong galaw ay wala siyang nagawa sa pintuan.

"One more!" Manuel told us.

Hindi na ako nag-focus sa kanya. Tuluyan na kasing napukaw ang mga mata ko sa nakita sa aking harapan.

Right now, I can clearly witness the dead babies infront of us. Matatalas ang kanilang mga pangil habang tumutulo ang dugo pababa sa kanilang baba. Itim lang ang makikita sa kanilang mga mata. Samantalang ang kanilang balat ay kasing itim ng uling, animo sila mga inihaw na tao. Sa amoy na bumalot sa ilong ko matapos silang makita, masasabi kong hindi nga imposible na naihaw muna sila nang buhay bago maging infected.

"Manuel! Bilisan mo! Kailangan na nating makalabas!" Nanginginig ang boses ko.

Ngayon, hindi ko na alam. Sa hindi mabilang na mga may sademonyong nilalang na nasa harap ko, mukhang ang kaligtasan ay nilayuan ang utak ko. Kamatayan ang tanging namayani sa sistema ko.

"Shit . . ." Briela gasped. From my peripheral vision, I can clearly see her grabbing Santhy's arms. It seems like she is about to protect him as if she is his real mother.

Mabilis ang naging pangyayari. Kasing bilis ito nang kung papaano maging masigla sa pag-galaw ang mga patay na sanggol sa aming harapan.

At kasabay ng pag-hiyaw ni Manuel para sa kanyang bwelo ang ginawa kong pagbukas sa fire extinguisher. Una kong inatake ang patay na sanggol na dumamba sa akin.

"Dad!" Ang huli kong narinig matapos kaming mapuno ng nakakabinging pinaghalong pag-hiyaw at pag-iyak galing sa mga patay na sanggol.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon