Kabanata VI: Suspicion

5.1K 252 8
                                    

A/N: Dedicated po to Ate @Tinacchin !! Thanks alot po for your continuous support :D

Athyeia's PoV

"Hmm~ Hmm~~" I hummed as I walked with my sister towards the Azturias Manor's dining room.

Kasama din namin si Laura at si Graciel.

Sobrang saya ko ngayon! Bakit naman hindi? Ayon kasi kay Graciel, sa limang araw na pananatili namin dito sa Manor ay hahayaan nila kaming mga babaeng gawin ang kahit anong aming nais.

Bukod pa doon ay pumayag si Laura sa aking plano, nagmakaawa kasi ako sa kaniya na gusto kong maglibot sa manor ng walang masyadong papansin saakin dahil naiintriga ako kung papaano ba namumuhay ang mga tao dito.

Sabi ko sa kaniya ay may kinalaman iyon saaking pagsusulat. Kahit ang totoo ay may listahan na ako ng mga balak kong gawin.

Una, ang iwasan si Levi Azturias.

Doon nagmula ang sunod ko pang mga plano.

Pangalawa, ang libutin ang buong manor.

Tunay naman kasing naiintriga ako about dito, bago ako bumalik sa dati kong buhay gusto kong makita kung ano nga ba ang itsura ng mga lugar na ito.

Imposible naman kasing makaapak ako sa mga ganitong establishimyento sa kasalukuyan e.

Pangalawa, nais kong pumunta sa isang library na nakahiwalay pa ang building.

Free of access daw iyon sa mga bisita.

Napakaswerte ko nga pagkat itong si Azturias ay isang prinsipe. Narinig ko lang mula sa history na iyong may mga katungkulan or katayuan ay may kakayahang magtago at bumasa ng mga librong hindi basta-basta mahahawakan ng kung sino.

Malakas ang kutob kong may mga libro doon sa silid aklatan na maaari saaking tumulong upang makabalik ako sa aking mundo.

Ah, pangatlo. Nais ko ding pumunta doon sa maze sa may hardin, wala lang, gusto ko lang din maexperience.

At naisip kong kung makakasabay man namin siya sa hapagkainan, err... hindi ko nalang siya papansinin? At uupo ako sa pinakamalayong upuan from him!

Which is napakaimposible because from the book 'The Death of Athyeia' laging sa may opisina lamang siya kumakain. Masyado siyang busy para magentertain at makipagplastikan sa mga guest.

Maswerte nga ako kasi hindi naman ganoon kahalaga ang Familia Abarca sa mundo nila. Kaya naman alam kong hindi niya kami pagaaksayahan ng oras.

"Klaseng napakaganda po ng inyong gising Binibini." Puna ni Graciel na nilingon ako. She is leading the way towards the dining room.

Of course! Bakit naman hindi gaganda ang aking gising kung lahat ng bagay ay nakasunod saaking plano??

Hashtag 'NoLeviAsturias', Hashtag 'Free', Hashtag 'Alive'!

"Magandang umaga mga binibini." Bati saamin noong head butler. Me and my sister Li-Em curtsied in front of him.

"Magandang umaga din po Butler Vien." Sabay naming banggit ni Li-Em. Nakita ko ang pagngiti ni Mama at Papa sa may tabi. Somehow it warms my heart to know that they are happy they raised such great kids.

Ahh... Patawarin mo ako Athyeia kung ilalayo kita sa lalaking mamahalin mo.

Alam kong mas sasaya ka kung lagi mong makikita ang mga magulang mo at ang kapatid mong si Li-Em.

Umupo na kami sa hapag at doon ay kumain ng pagkain. Kung bongga ang pagkain saaming bahay, mas madami at mas bongga ang pagkain dito.

Imagine, dalawang pata ng hamon para lang saamin? Tapos ay may eggs, milk, juice, coffee. At hindi lang basta sinaing ang kanilang kanin!

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon