Kabanata IX: Found

4.4K 256 4
                                    

Athyeia's PoV

Nagising ako ng dahil sa marahang paghaplos na igonagawad saaking pisngi. The hand was very soft, kind, and loving. Isang pamilyar na pakiramdam. "Mama..." I uttered.

"Athyeia?" Agad akong napabukas ng mga mata.

"Mama?" Ganoon nalang ang hinagpis na naramdaman ko ng makitang hindi ang Mama ko ngunit ang Mama ni Athyeia ang babaeng ngayon ay nasa aking tabihan. "Achoo!"

"Bigyan mo siya ng panyo." Agad akong inabutan ng isang malinis na tela ni Laura.

"Binibini? Tubig po." Alok ni Laura at inabutan ako ng isang baso ng tubig.

"Hihingi lamang ako ng pagkain mo sa baba anak. Sandali ha, Laura, ikaw muna ang magbantay kay Athyeia." Paalam ni Mama bago siya lumabas ng aking kwarto.

Mabuti na lamang at hands-on si Mama sa mga ganitong bagay, hindi siya iyong utos ng utos.

"Binibini!!!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Laura at yumakap saakin. I felt her shaking.

I must've worried her.

"Anong nangyari??" Tanong ko pagkatapos kong uminom ng tubig at pagkahiwalay niya.

"Sinubukan ko po kayong hanapin pero hindi ko kayo makita. Mabuti nalang po at hinatid kayo ng prinsipe patungo dito." Natatakot niyang sabi.

Prinsipe? God! Hindi kaya hinatid pa ako ni V patungo sa kwartong ito?? Mabuti nalang at nakalabas siya doon sa hardinan!

Mukha naman talagang prinsipe si V kaya hindi na ako magtataka kung aakalain ni Laura na prinsipe ang lalaking iyon.

"Pasensya na din po Binibini kung sinabi ko tungkol sa kaniya ang ginawa nating pagpapalit ng katauhan. Dito ko po kayo pinadala sa inyong kwarto upang mabihisan ko kayo e." I smiled at her. Wala naman sa hitsura ni V ang madaldal kaya naman ayos lang.

"Naiintindihan ko. Pero bakit parang aligaga si Mama?"

"Po? Isa at kalahating araw na ho kayong tulog." My eyes widened. "Pati nga po ako ay natakot dahil sa hindi niyo paggising." Nanginginig padin ang kamay niyang sabi.

I might have overestimated the capacity of Athyeia's body.

She seems to be frail and weak. Marunong bumaril pero isang hipi lamang lilipadin na.

Hindi katulad ni Alaina na nakakaakyat pa ng dalawang bundok sa isang araw.

"I'm awake now, that's what is important isn't it??" Isang tango ang masayang isinagot saakin ni Laura.

I looked at the balcony window. Bukas ang kurtina noon at kitang-kita ko ang kulay asul na kalangitan.

Ahh... reminds me of V's eyes.

I should thank him when we meet.

Maya-maya ay dumating na muli si Mama. Dala na niya iyong pagkain ko at sinubuan pa niya ako.

Wala pang ilang oras ang nakakalipas and I'm good to go once again.

"Binibini no! Hindi na po kita ulit iiwan!" Saad saakin ni Laura at pinitik ang aking noo.

Ughhh, iba din ang babaeng ito. Parang nanay ko kung makapagsabi.

"Eh? Pero hindi ka ba nabobored pag laging nakasunod??" I was trying to be considerate. Pero parang hindi ko na talaga mababali ang kaniyang pasya.

"Nope! Bakit naman po ako mabobored??" Napahinga ako. I can't tell her to go away now, hindi niya na talaga ako iiwan kahit tumalon man ako ng San Francisco bridge. Ngayon ay pupunta na kami sa may clinic.

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon