25

2.4K 141 5
                                    

Mew's POV

"Baby good morning."

"Baby gising ka na ba? Baka ma-late ka ulit."

"School na ko. Saan ka na?"

"Dalhan kita breakfast sa room mo? Baka di ka na naman nakakain sa pagmamadali mo."

"Baby bat wala ka pa din sa room mo? Kakadaan ko lang."

"Answer my call please"

"Sabay tayo mag-lunch"

"Cafeteria na kami baby. Wait kita. I'll order na food for you"

"Pumasok ka ba?"

"Okay ka lang ba? I'm so d*mn worried. Even your mom is not replying."

"Gusto mo ba magalit ako?"

"Please"

"Baby please reply"

Sunod-sunod yung text at misscall ko sa kanya simula kanina, wala man lang reply.

Kasama ko ngayon nakatambay si Boun at Kao. Siguro kasama ni Ohm si Gulf. Pero bakit naman sila magkasama eh ako yung kanina pa text ng text sa kanya.
Napipikon na naman ako.

Maya-maya pa nakita kong tumatakbo palapit sa amin si Ohm.

"F*ck dude. Nagpaalam ba sayo si Gulf?"
Humahangos na tanong sa akin ni Ohm.
Bigla na lang parang nanikip dibdib ko.

"Na?" Yan lang lumabas sa bibig ko.

"Diba kasali ako sa debate team. I talked to Sir Tul. Five days ago pa daw nilakad ni Gulf ang transfer papers niya. He'll continue college in US"

Natawa naman ako. "Naniwala ka naman? Prank lang yun ng Tul na yun. Of course if he has big plans like that siyempre I'll be the first one to know." Tumatawa ako pero sa loob ko sobrang kinakabahan ako.

Nagpaalam ako sa kanila na mauuna ako kasi hindi na ko mapalagay. I tried calling again but his number cannot be reach anymore.

I drive to their house. They didn't open the gate automatically like as usual. Lumabas ako ng kotse at hinarang ako ng guard.
"Andiyan ba si Gulf?" Tanong ko sa kanya.

"Naku sir wala pa yung pamilya, US po ata pumunta. Binilin po nila na huwag magpapasok hanggang wala sila."
Pinasok ko sa utak ko na baka sandali lang sila dun.

"When are they coming back?"

"Yung mag-asawa po baka next week pero si Sir Gulf po mukang matatagalan kasi doon daw mag-aaral. Sa katunayan po binigyan niya kami kaninang umaga ng mga regalo kasi matagal daw siya mawawala."

This is not happening. I just want to wake up from this nightmare.
Please don't do this to me Gulf. Napaupo na lang ako sa harap ng gate nila. Nanghina tuhod ko at biglang nanikip dibdib ko.

I really don't know what happened. Is it the reason why for the first time he asked me to sleep in his room.

~~~~

I went to school early. I ate lunch as usual and I didn't skip any subjects. My baby will be mad if he knew I'm skipping class. I think wala lang siya time to text me kasi pati si Ohm hindi niya rin tinitext. I'll just wait for him because I trust him so much. He loves me. He is so in love with me. There's no one who can replace him in my heart.

Niyaya nila ako uminom after ng class. I agreed but I still texted him "Baby inom lang kami nila Ohm. Promise I'll be good. I love you." Alam ko wala akong marereceive na reply. Isang linggo ko na siya tinetext na wala akong natatanggap na reply. Ginagawa ko pa din baka kasi sa iba niya pa malaman sabihin niya pa nagloloko ako.

"Dude,move on na tama na yan" Sinamaan ko na lang ng tingin si Kao.

"Pinagsasabi mo? Bakit ako magmu-move on. Hindi naman kami nagbreak."

"Dude. This is his way of breaking up with you." Hindi talaga ako titigilan ni Kao.

"No. Okay lang ako. I'll wait for him. He'll come back. He can't live without me"
Pinapapaniwala ko pa din sarili ko na hindi niya kayang mabuhay na wala ako. Sabi niya mahal na mahal niya ko.

Parang nararamdaman ko naman ang awa sa tingin ni Boun.

"Mew, dude how about the hot girls there, diba ganun type mo?" Turo niya pa sa grupo ng babae sa dance floor.

Kinuwelyuhan ko sya. "Seryoso ka ba Ohm? Gusto mo ipagpalit ko si Gulf? Kaibigan ka ba talaga niya?" Sa lahat ng sinabi nila kay Ohm ako pinaka nagalit. Ano na lang magiging reaksyon ni Gulf pag nalaman niya. Paniguradong sobrang masasaktan siya.

"Baka kasi yun ang gusto niya. Yung bumalik ka sa dating ikaw." Sh*t ano ba pinagsasabi nito. Hindi ko siya naiintindihan. Maya maya pa tumayo siya para mag CR. Iniwan niya lang ang phone niya sa lamesa na nakakairita dahil vibrate ng vibrate. Pero nung nakita ko yung notification sa screen niya text message from GK bigla akong kinabahan. Malakas ang kutob ko this is Gulf. I know I'm invading his privacy pero hindi talaga ako matatahimik kung hindi ko bubuksan to.

"Gosh Ohm. It's freezing here."
"Why are you there? He needs to find a new one. Hindi na kami pwede."
"I'm fine here. Thanks for asking. Ganun talaga pag single.. lol.."

Yan ang mga last message sa kanya. Hindi ako nagkakamali this is Gulf.

I tried to reply using Ohm's phone.

"Baby.. how are you? I miss you so much. This is Mew" I sent it. This is awkward bakit kailangan ko magpakilala eh ako lang naman tumatawag ng baby sa kanya.

"Let's break up Mew. Find someone good for you. But if you find some one new, please babae para hindi ako masyado ma-hurt. Take care."

Oh my Gosh. Ngayon lang nag sink-in sa akin. He don't want me anymore. Break na kami. This is f*cking painful.

Umuwi ako ng bahay. Isang linggo ako nagkulong ng kwarto. Sobrang hindi ko kinaya. But I dreamt of him, sabi niya sa panaginip ko babalikan niya ko.
So I decided to return to school. Inayos ko studies ko. Nag-aral ako ng mabuti para wala siyang masumbat sa akin. Ganun lang naging routine ko. Hindi ako na-attract kahit kaninong babae or kahit na sa lalaki. Nag-iisa lang talaga siya.

~~~~~
One year later...

Nagla-lunch kaming magbabarkada sa cafeteria ng biglang lumapit si Sir Tul. Medyo good terms na kami.

"Ohm,are you busy? May papatulungan lang sana ako. Gusto niya bumalik sa team." Nakangiting saad ng professor kay Ohm.

"Chicks ba yan sir?" Natatawang tanong ni ohm.

"Let's say mas cute pa sa mga chicks mo. He's back Ohm. Gulf Kanawut is back"

My Sweet Gulf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon