28

2.6K 151 0
                                    

Gulf's POV

Pikon na pikon na ko sa tawa ni Boun. Gusto ko na siya sapakin sa sobrang inis ko.

Nilapitan ko na lang si Mew. "Wake up baby.I'm here."

Bagsak na talaga siya.

"Why did you let him be drunk like this Boun. Paano ako makikipag-usap ngayon?"

"Eh di dalhin mo siya sa kwarto mo tapos kausapin mo pag gising na"

"No. You guys come with me. We own the hotel behind this bar. You sleep there too. Hindi ko kaya buhatin to." Sabi ko sa kanila at mabuti naman pumayag sila.

Pagpasok namin sa GK Hotel,nakilala naman nila ako. I asked them to give us two rooms.

"Naks,magsosolo sila" Pang-aasar sa akin ni Ohm.

"Huwag mo pagsamantalahan ang kalasingan ng kaibigan namin Gulf" naiirita talaga ako kay Boun.

Nangingiti lang sakin si Kao. Parang sincere na masaya siya para sa amin. Siya lang talaga normal sa kanila.

Nang pinasok ko sa kwarto si Mew,pinunasan ko muna siya kasi amoy alak talaga siya. Hinubad ko na lang shirt niya and binaba ko pants niya para kumportable siya matulog.

Tumabi ako sa kanya sa kama. Pinatong ko ulo niya sa dibdib ko. Baka magising siya sa lakas ng kabog ng puso ko. Nakita ko naman minulat niya mata niya at ngumiti ng napakatamis. "Baby you're real." Mahina niyang usal. Siniksik niya lang lalo mukha niya sa leeg ko. Then we just fell asleep.

Maaga ako nagising para bumili ng hot soup and hangover medicines for him.

I bought breakfast din for the three at hinatid ko muna sa kwarto nila.

Pagbalik ko ng kwarto namin, nataranta ako kasi wala siya sa higaan. Pero nakahinga ako ng maayos ng marinig ko yung daloy ng tubig sa CR. Sinundan ko siya sa loob to find out na nagsha-shower pala siya kaya dali-dali kong tinakpan mata ko.

"Oh Shit" Godbless your perverted mind Gulf. He's all naked at hindi man lang siya natinag ng may nakakita sa kanya. Proud na proud.

"You really changed huh. This is the first time hearing you  swear."

"Sorry" sigaw ko sa kanya ng nakabalik ako sa kama.

Lumabas siya ng ng shower,nakatapis lang siya ng puting tuwalya sa baba. Pansin na pansin yung bakat niya. Oh my Gosh, bakit ba ganito pumapasok sa utak ko.

"Bakit ako andito? Saan sila Boun?" Tanong niya sa akin.

"Nasa kabilang room sila. I sent them their breakfast already"

"At bakit ako nakahiwalay? Why am I here?" Tinatanong niya ko pero hindi siya tumitingin sa akin.

I don't have any excuses. I can't think of anything.

"Because I want to sleep with you."
Oh my gosh ano ba tong nasabi ko bigla na lang lumabas yung nasa isip ko. Tatagan mo sarili mo. Kasalanan mo lahat kaya kailangan mo gumawa ng paraan para maayos ang gulong inumpisahan mo.

"Oh I see. How's sleeping with a drunk guy?"
Natulala siya at first. Why is he asking me these? Alam niya naman nahihiya ako sa mga ganitong tanong.

"Just eat." Sinubuan ko lang siya ng mainit na sabaw. Sinubo niya din naman. Nangangatog kamay ko. The way he stares at me, I am so melting. Hinawakan niya yung kamay ko na may hawak ng kutsara tapos sinubo niya.

"Chill Gulf, ako lang to." Then he winked.
Kalma self. Kaya mo yan. Halata niyang kinakabahan ako. Parang lalabas yung puso ko sa dibdib ko.

"Just eat and take this medicine. We'll leave after." umupo ako sa couch at naglaro na lang kunwari ng cellphone. Pero binabantayan ko talaga ginagawa niya sa peripheral vision ko.

"Don't worry. Hindi ako aalis dito. Focus ka lang diyan." Bakit ba nababasa niya lahat ng ginagawa ko. He is really confident everytime he talks, very opposite of me.

"Check ko muna sila sa kabila if kumain na sila." Akmang lalabas ako ng kwarto.

"Paano kapag pagbalik mo dito, wala na ko?"

"Then I'll find you Mew."

"Then just stay." Seryosong sabi niya sa akin. You can say no, when he is using this tone kaya umupo ulit ako.

"Kamusta na yung bago mo?"

"Bagong ano?" Tanong ko sa kanya pabalik

"He looks good though I still look way better." Si Ja ata sinasabi niya.

"He's my friend Mew." I sincerely answered him. I never felt any romantic feeling for him.  Basta kaibigan,hindi ko tinatalo.

"I see." Awkward ulit. Wala kaming mapag-usapan.

Nag-iisip pa rin ako ng pwede kong sabihin kay Mew, yung hindi naman biglaan. I really want him again. I missed him so much.

"I love you still" sabi ko hindi biglaan pero wala akong naisip.

Nabilaukan naman siya. Kaya pinainom ko siya ng tubig. "Why? What happened?"

"F*ck Gulf, binibigla mo ko sa mga sinasabi mo." Ubo siya ng ubo habang nakatingin sa akin.

He didn't say he loves me back.

"Prove it to me" hamon niya sa akin.

"How?"

"Your way Gulf. Prove it your way."

My Sweet Gulf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon