Chapter 24 -- Start Of Something New

203 3 1
                                    

CHAPTER 24 – Start of something new

HELAENA'S POV

Ano ba yan, Brylle? Araw-araw na lang lagi kang pumapasok sa isip ko. Pwede bang mag pahinga ka naman kahit konti? Baka nga talaga pangalan mo ang maisulat ko neto sa mga susunod na exams. Bakit kasi ikaw pa? Kung natuturuan lang talaga ang puso. Psshh!


Ang hirap na nga ng sitwasyon ko, pinahirapan pa lalo ng Ama mo. Pano kita iiwasan kung araw-araw kitang nakikita at nakakasama? Mag ka-klase pa tayo. Ano ba yan? Ano bang gagawin ko? Naguguluhan na talaga ako.


Teka nakaka ilang hakbang naba ako? Bakit parang hindi yata ako nakakarating sa terminal ng mga sasakyan? Baka ma late ako nito sa klase ko. Napatigil ako sa paglalakad ng may tumigil na sasakyan sa tabi ko. Itim na Ferrari ito. Dalawa lang naman ang pwedeng sakay nito. Una si Bryant at pangalawa si Brylle. Unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan.


"Sumakay kana." Sabi ni Brylle na siyang lulan ng sasakyan.


Inirapan ko siya. "Salamat na lang. Mag co-commute na lang ako." At nagpa tuloy ako sa paglalakad at nagpatuloy din ang sasakyan niya sa pagsunod sa'kin.

"Hay, Helaena, kahit kailan talaga ang tigas niyang ulo mo." Inis na sabi niya sa'kin. "Sabi ng sumakay kana."


"At kahit kailan din mas matigas yang ulo mo. Sabi ng ayoko. Kaya kong pumunta sa School ng mag-isa. Kuha mo? At isa pa, nakakulong na yung mga Gang na 'yon, kaya wala ng magtatangka sa buhay ko. Not unless may iba ka pang kaaway, which is not impossible. Knowing you, you're such a warfreak."


Nainis yata siya sa sinabi ko at bigla siyang bumaba ng sasakyan niya at nilapitan ako. "Wow, thanks for your kind words. After I saved your life this is what I get? Really, thank you." May pagka sarkastikong sabi nito.


Alam ko namang mali yung inasta at sinabi ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi kailangan kong gawin 'yon, para hindi masyadong mahirap pag iniwasan ko na siya tulad ng gusto ng Dad niya. "Here we go again. You know what? Kung lagi mo na lang akong susumbutan sa pagligtas mo sa'kin, mas mabuti pa ngang hindi mo na lang ako niligtas."


"Ikaw alam mo, napaka imposible mo talaga. Noong masama ako sa'yo ayaw mo sa'kin. Ngayong pinipilit ko namang maging mabait sa'yo. Ayaw mo pa rin. Sa'n ba'ko lulugar? Ang hirap mo namang intindihin."


Umiwas ako ng tingin sa kanya, hindi alam ang isasagot. Ayoko naman talaga na lagi kaming nag-aaway. Kung alam lang ng mokong na'to ang tunay kong nararamdaman. Eh teka, siya din naman hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang siya ngayon. Biglang nagbago ang ihip ng hangin.


Napabuntong hininga na lang ako. "Sige na, sasakay na'ko." I surrender. Para wala ng masayadong mahabang usapan.


"Sasakay din naman pala, ang dami pang sinabi." Hindi ko na lang siya pinansin sa sinabi niyang 'yon. Pinagbuksan niya'ko ng pintuan ng sasakyan. Wow, first time niyang ginawa 'to ah.


Hanggang sa makarating kami sa School ay pareho kaming walang imik. Wala sa amin ang gustong bumasag ng katahimikan. Ewan ko nga ba sa lalakeng 'to bakit bigla na lang naging tahimik. Nakikita ko sa peripheral vision ko na mukhang malalim ang iniisip niya.


Nakarating na ang sasakyan sa harapan ng building tila napako ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang mga tao sa labas na naghihintay malamang sa pagdating ng kanilang Prince Charming at isa na nga sa kanila si Brylle.


"Ano pa bang ginagawa mo diyan? Tara na sa labas." Yaya nito sa'kin. Tinignan ko siya pagkatapos ay tinignan ko ulit yung mga tao sa labas. "Don't tell me, ngayon kapa mahihiya sa mga estudyante dito? Sa dami na ng pinagdaanan mo, dapat sanay kana."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon