#15 Hindi, Kailanman

58 7 0
                                    

Maaari kong makalimutan ang pangalan mo,
maging mga bagay na ibinigay mo sa akin.
Maaari kong makalimutan ang musikang nilikha mo,
maging ang mga katagang ipinangako mo sa akin.

Ngunit mauwi man ang lahat sa kawalan,
may isang mananatili sa aking isip.
Dahil hinding-hindi ko malilimutan,
ang pamilyar na pagtibok sa aking dibdib.

#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon