Chapter 30

1.3K 20 0
                                    

Propose

1st birthday of my son today, gustuhin ko mang maging simpleng handaan ang gaganapin ay hindi pumayag ang mga magulang ni David ganon din ito

No!I will not allow my son's party to be simple seryosong sabi nito kaya nanahimik nalang ako dahil wala akong panalo pag si David na ang magdedesisyon para sa kanyang anak

Kaya heto kami naghahanda para sa party mamaya mga kaibigan at kamag anak lang ni David ang pupunta at syempre andoon si Rose at Kyle sabi ko nga naisama nito si Nanay Rosing pero hindi daw ito pwede

Habang kami ay nag aayos dito si Cid naman ay nasa kanyang lolo at lola nilalaro nila ito

Habang nagkakaedad si Cid ay mas lumalabas ang itsura ng kanyang ama dito kaya ang ibang makakakita dito ay sinasabing hihintayin nilang lumaki ang anak ko syempre natutuwa kami pag nagbibiro ang mga ito ng ganon

...

Dumating na ang hapon at isa isang nagdadatingan ang mga bisita na may mga dalang regalo para sa anak ko , karga karga ko ito habang nilalaro ng kanyang ama

Tawa naman ito ng tawa dahil sa ginagawa ng daddy nya, kaya napapatingin ang mga bisita at ngingiti

Andito na ang mga bisita, pero parang may kulang hinanap ng mga mata ko ang dalawa kong kapatid pero wala ang mga to tatawagan ko na sana ito ng maalala na hindi ko nga pala dala ang cellphone ko

Baby buling ni David sakin ng makita nyang palinga linga ako

who are you looking for? Tanong nito
Uhm si Rose at Kyle wala pa kasi e akala ko andyan na

Look at there baby sabay turo nito sa entrance ng reception

Nagulat ako ng makita ko si Kyle at Rose na kasama nito si Nanay Rosing ng makalapit ito sa amin ay iniabot ko si Cid sa kanyang daddy at yinakap ko si Nanay Rosing

Nanay akala ko ay hindi ka pupunta kaya nalungkot ako ng malaman yun sabi ko rito

Tumawa naman ito at sumagot ano kaba iha , sa tingin mo ba ay papalampasin ko ang unang kaarawan ng apo ko? Hindi no

Tapos namin magkwentuhan ni nanay ay iginaya ko na ito paupo , nag uumpisa na ang party ng anak ko at andoon silang mag ama sa harap kasama ang clown na nag eentertain sa mga tao

........

2 years after

David POV

Ang akala ni Aksana ay may gaganapin akong meeting sa london , gusto pa nitong sumama kasama si Cid pero hindi ako pumayag na sumama sila dahil nagdadalang tao si Aksana ngayon sa pangalawa kong anak at ayokong may mangyari sa kanila

Kaya masama ang loob nito sa akin bago ako umalis, sinabi pa nito na baka ay may iba akong babae kaya ayaw ko silang isama

I don't have a meeting here in london sinabi ko lang iyon sa kanya pero hindi talaga iyon ang sadya ko rito

I have a plan to propose to her at dito ako bibili ng singsing , gusto ko ay maganda ang maibibigay ko sa kanya para hindi nya kailaman ito makalimutan

Plinano ko talaga na mag dalawang taon muna si Cid bago ako magpropose sa mommy nya dahil gusto ko ay makita ng anak ko iyong gagawin ko

Nagpunta na ako kung saan ko binili ang singsing na nagustuhan ni Aksana noon ng nasa pilipinas palang ako ay tumawag na ako sa owner ng store para ipagawa ang design na gusto ko at ngayong araw na iyon ang araw na pwede ng kuhain ito

Hi Sir you're David Wallace right? Nakangiting tanong ng babae sakin paspasok ko sa store nila

Yes I am nakangiti ko ring sagot rito

Wait me here sir I'm going to box your rings 2 oras lang akong nag antay at binayaran na ang sising na pinasadya ko

Nakangiti akong lumabas ng shop na iyon at nagtungo sa sasakyan ko upang umuwi na sa hotel

Pero habang pauwi ako ay iba ang pakiramdam ko, dahil parang walang break ang aking sasakyan, may sasakyan na sasalpok sa aking sasakyan mabilis ang pagmamaneho ng sasakyan iyong pinipilit kong iliko ang aking sasakyan pero hindi ko magawa

Kinakabahan na ako , madilim na sa lugar na to at papalapit na ng papalapit ang sasakyang iyong

No no no no

Nasilaw na ako sa head light ng sasakyan na sasalpok sa akin , ayaw parin huminto sa pag andar ang aking sasakyan hanggang sa nagsalpukan ang aming sasakyan

Boogsh malakas na putok ng gulong ng sasakyan ko iyon tumalsik ako sa kabilang kalsada tumama ang ulo ko at ang lakas non kaya nawalan na ako ng malay

Aksana POV

Nandito na ako sa kwarto at pinapatulog ko na si Cid nagulat ako ng bumagsak aang picture naming pamilya sa sahig sa lakas ng bagsak non ay nabasag iyon

Nakaramdam ako bigla ng kaba habang papalapit sa basag na picture frame , panay tahip ng aking dibdib sa lakas ng pintig ng aking puso

Kaya naisipan kong tawagan si David, pero habang tumagal na hindi ito sinasagot ang kanyang tawag ay mas lalo akong kinakabahan

No ! No ! God please mali ang iniisip ko nanghihina akong napa upo sa sahig at doon umiyak ng umiyak

Sinubukan ko ulit tawagan si David pero hindi parin nito sinasagot ang tawag

Third person POV

Nung pauwi si David ay halatang nawalan ang break ng sasakyan nito, gusto nitong lumiko pero hindi nito magawa hanggang sa sumalpokang sasakyan nya sa isa pang sasakyan mabilis ang pagpapatakbo ng driver ng sasakyan na bumangga sa kanyang sasakyan

Malakas ang pagkakasalpok nito sa sasakyan nya kaya tumilapon ito papunta sa kabilang kalsada

Unang tumama ang ulo nito at bigla nalang itong nawalan ng malay , naliligo na ito sa sariling dugo ng may dumating na ambulansya

Babae ang driver ng isang sasakyan na sumalpok dito pero yung babae ay may konting gasgas lang buti at hindi ito napuruhan

Aksana POV

Hindi na sinagot ni David ang mga tawag ko , kinausap ko narin ang mga magulang nito pero sabi ay baka may inaasikaso pa sa company

Gusto kong paniwalaan na busy lang ito pero hindi dahil may iba akong kabang nararamdaman

Dapat ay dalawang isang araw lang to roon pero pang tatlong araw na ay wala parin ito at paulit ulit ko syang tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang mga tawag ko

Secret Affair With My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon