chapter 1 (01/05/15)

1M 23.8K 8.2K
                                    

Chapter 1

 

[Timi's POV]

 

It's been five years, at ganito pa rin ang sitwasyon. Akala ko may magbabago na. Akala ko mas magiging okay na. Kaso wala. Wala pa ring improvement. Masakit mang isipin pero ganito pa rin ang sitwasyon...

            ...traffic pa rin sa EDSA hanggang ngayon.

            "Manong, wala ka po bang alam na shortcut?" sabi ko doon sa taxi driver na nasakyan ko.

            "Ma'am, kahit saan po tayo dumaan, traffic po talaga."

            Napa-buntong hininga na lang ako.

            Ang ganda-ganda naman talaga ng sumalubong sa akin pag-uwi ko sa Pinas.

            Kadarating ko lang galing Paris. At sakto rin na in an hour and a half, may i-m-meet akong customer para sa catering business ko. Kaso mukhang male-late ako sa tindi ng traffic dito. Nakakaloka.

            I heard my phone beeped at tinignan ko kung sino ang nag text.

            EndMira Ayen:

            "TIMI WELCOME HOME!!!!!! Let's meet later? :) "

 

            Napangiti ako at nireplyan ko siya.

            Me:

            "Sure! Isama mo rin ang ibang EndMira ha? Except you-know-who"

 

            EndMira Ayen:

            "Haha. I know. Katapusan na ng buhay ko kapag isinama ko si YOU-KNOW-WHO. See you later!"

 

            Napa-iling na lang ako kay Ayen. Miss na miss ko na ang End Mira. Sa loob kasi ng limang taon, hindi ako umuwi. Pinupuntahan lang kami ni Rika nina mommy at daddy sa Paris every holiday. Oo nga pala, kasama ko si Rika sa Paris. Nagkausap na rin sila ng daddy niya pero mas pinili ni Rika ang lumayo. Naintindihan naman ng daddy niya at ito pa ang nagpaaral kay Rika sa Paris. Nauna lang umuwi si Rika sa akin ng limang buwan.

            Pero balik sa End Mira. Kamusta na kaya sila? Alam ko sikat na sikat na sila ngayon. Nag champion kasi sila sa National Battle of the Bands four years ago. At ngayon, ang dami na nilang fans.

            Lalo na siya.

            Yung mga pinay na kaklase ko sa Paris, siya ang laman ng bibig. Yung dalawang teenagers na katabi ko sa eroplano, siya ang pinaguusapan. At ngayon, boses niya ang naririnig kong kumakanta mula sa radio ng taxi na 'to.

            "Kuya, pwedeng paki-lipat ang istasyon?" tanong ko sa kanya.

            "Ma'am, after ng kanta. Fan ako ng Endless Miracle eh."

            Sumimangot ako. Pati ba naman si manong driver fan din?!

            Kinuha ko na lang ang earphones ko at nagpatugtog na lang sa phone. At least hindi si Ice ang unang taong nakita ko pag-uwi ko sa Pinas.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon