Midnight Lover - 10

212K 2.3K 113
                                    

RAVEN

Dahil walang stock na kape si Zeke sa tinutuluyan niyang apartelle ay nauwi sa beer pong ang coffee session sana naming tatlo. Mabuti na lang ay nakabili ako ng beer pong set nang magpunta ako ng S&R bago ako tumulak papuntang Javier.

Magkatulong na sinet-up nina Asher at Zeke ang isang pahabang mesa sa sala ng apartelle na tinutuluyan ng huli habang ako naman ay kumuha ng beer sa reef at saka isa-isang sinalinan ang beer pong cups.

“Tulungan na kita,” alok ni Zeke nang makita niyang bahagya akong nahirapang buhatin ang tray na naglalaman ng mga cups.

Si Asher naman ay nakita kong prenteng nakaupo sa sofa habang matamang nakatitig sa aming dalawa ni Zeke. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa utak niya nang mga oras na 'yon.

“Dahil tatlo tayo, ang mabuti pa ay mag jack en poy kayong dalawa,” sabi ko sa dalawang gwapong lalaking nakaharap sa 'kin ngayon. “Kung sino ang mananalo, automatically ay magiging kakampi ko. Is that fair enough?”

“Fair enough,” sabay na sagot nina Asher at Zeke.

“At nga pala… hindi ito basta simpleng beer pong lang, ha? Na kapag na-shoot ang ball sa cup ay iinumin ng kalaban ang beer. No, we’ll add a new trick into that.”

“Ano naman 'yang new trick new trick na 'yan?” tanong ni Asher.

Ngumiti muna ako sa kanilang dalawa bago sumagot. “Well, kapag na shoot ang ball sa cup, aside sa pag-inom ng beer ay kailangan ring maghubad ng isang damit ang kalaban. Consider it as “beer pong à la striptease.”

“Pati ikaw maghuhubad?” Zeke asked coyly.

“Fine with me,” cool na cool na sagot ko. “So ano, deal?”

“Deal!” malakas na sigaw ng dalawa at saka humarap sa isa’t-isa para mag jack en poy. Unang bagsak ng mga kamay nila ay parehong nakakuyom ang mga kamao nila—meaning parehong bato. Then the next try, gunting ang kay Zeke at papel naman ang kay Asher. So, magkakampi kaming dalawa ni Zeke.

“Para fair, ako muna ang unang titira,” saad ko nang nasa kabilang dulo na kami ng mesa habang si Asher naman ay nasa kabila at nagpapatunog pa ng mga buto sa daliri na tila ba sinisindak kami ni Zeke.

Inasinta ko ang bola sa mga cups ni Asher pero hindi ko alam kung bakit ang layo ng pinuntahan ng bola. Shems.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon