Kabanata XXII: Ang Mga Libro

3.6K 209 17
                                    

Alaina's PoV

Isang linggo na ang lumilipas noong makalabas kami ni Mama ng ospital.

Hindi muna nila ako ni Papa pinapasok dahil daw baka mabigla ang aking katawan.

Marahan akong umupo sa duyan sa bakuran ng mismong bahay namin at marahang itinayon ang aking sarili kasabay ng malamig na simoy ng hangin.

I breathed.

Bakit ba parang may kulang?

"Alaina! Tara maghanap tayo ng pogi!"

Napamulat ako ng mga mata ng may isang boses at mukhang remehistro saaking isipan.

Si Hyacinth..

Come to think of it, nasaan na nga ba siya?? Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at hinanap ang pangalan niya doon.

Napakunot ako ng noo ng hindi ko makita ang pangalan niya o ni Jeremiah.

Baka may alam si mama??

Pumasok muli ako sa bahay namin at tumungo sa may kusina. Doon ay pakanta-kantang nagluluto si Mama.

"Mama, nakausap niyo po ba si Hyacinth at Jeremiah habang natutulog ako?" Panigurado akong kilalang-kilala sila ni Mama dahil madalas ko silang dinadala dito sa bahay.

Saglit si Mamang napatigil sa pagluluto.

"Hyacinth at Jeremiah anak?" Tanong niya. Muli akong tumango. Marahil ay hindi niya ako narinig noong una. "Ayos ka lang ba?"

"Opo. Hindi ko lang po kasi sila nararamdaman." Sambit ko. Tila naman mahimahimatay si Mama na umupo sa tabihan ko.

"May kaibigan kang multo anak?!" Gulat niyang sabi.

"Hindi po sila multo mama! Diba po at dinala ko sila dito noong pista?" Sabi ko sa kaniya. Napakrus naman ito.

Ano bang nangyayari kay Mama??

"Jusko po. Wala kang mga kaibigang ang pangalan ay Hyacinth o Jeremiah! Wala akong kilalang dinala mo ditong ganoon ang pangalan." My eyes widened when she said that.

Imposible.

Mula palang grade seven kaming tatlo na ang magkakasama. Sabay-sabay nga din kaming nagkolehiyo.

Si Jeremiah ay mag me-medtech, si Hyacinth ay magna-nursing, habang ako naman ay magiging pharmacist.

"Sandali po mama, papakitaan ko po kayo ng litrato." Sabi ko kay Mama bago umakyat ng aking kwarto.

Mahilig kami noong mag purikura, iyong picture machine sa may arcade. Hindi ko kasi tanda ang mismong tawag doon.

Pagkapasok ko saaking kwarto ay agad akong sumilip sa ilalim ng aking kama.

Doon ay inabot ko ang isang kahon. Isang kahon kung saan doon ko nilalagay ang lahat ng aking mahahalagang gamit.

Mga picture namin ng aking mga kaibigan, mga diary ko, o di kaya ay mga librong aking nabasa.

Magabok na iyon kaya naman dinala ko kanina ang feather duster mula sa baba. Pinagpagan ko iyon at tsaka binuksan.

Madaming mga papel ang nakatago noon. Ang iba ay Recollection or retreat letters na binigay saakin ng mga naging kaklase ko.

Sinubukan kong hanapin iyong mga sulat na binigay saakin ni Hyacinth at Jeremiah.

Wala.

Hindi kaya sa ibang lugar ko iyon inilagay??

Kinalkal ko pa ang loob ng kahon at hinanap naman iyong mga litrato namin.

Wala.

Bumilis ang tibok ng aking puso.

Bakit wala? Bakit wala ang mga bagay na iyon??

Ang mahahalaga naming ala-ala?

Matamlay akong napasapo saaking ulo.

Ano ba kasi talaga ang nangyayari?

Nanghihina akong muling dumukwang sa kahon. Mas bumilis ang pintig ng aking puso ng makita ang dalawang libro sa pinakailalim noon.

"The Death of Athyeia"

Ang dalawang titulo noong libro. Isang kirot ang naramdaman ko saaking sentido.

"Nakita mo na ba anak?" Sabi ng nanay ko na tila nagaaalala saakin. "Ah, ang mga librong iyan."

"Ano po ang meron dito?" Ang tanda ko lamang ay iyong isa. Ito iyong isang libro na hindi ko tinapos at pinahiram ko kay Hyacinth.

"Tinago mo pa pala iyan." Sabi ni Mama at lumapit saakin. Umupo siya sa kama habang ako naman ay nakalupagi sa may sahig. "Iyan ay pagmamayari ng iyong Lola Li-Em."

Li-Em?

"Lola Li-Em Abarca." Lola? Hinaplos ni Mama ang buhok ko at kinuha iyong libro. Binuksan niya iyon sa pinakahuling pahina at pinakita saakin ang nakasulat doon. "Ang kwento na ito ay pinasa pa ng ating mga kamaganak at kadugo mula pa noon."

"Ano po ang nangyari?"

"Ang storyang ito ay isinulat ni Athyeia Abarca at binigay sa kaniyang kapatid upang lagi siya nitong maala-ala." Itinuro niya iyong pirma. "Ang pirma ni Lola Li-Em ang patunay na kaniya nga itong libro."

"Ang pangalawang libro naman ay kwento ng dalagang si Alaina." Alaina?

"Ako po?" Ngumiti saakin si Mama.

"Oo anak. Hindi natapos ang kwentong iyan, ngunit kahit ganoon ay paborito ko padin ito." Huminga siya. "Tulad noong isang libro, ipinasa lang din ito kay Lola Li-Em. Maagang namatay si Alaina, at dahil alam kong magiging kasing lakas mo siya at kasing saya ay napili ko din iyong ipangalan sa iyo."

"Hindi man natapos ang kwento, masaya na akong sa isiping ikaw ang magtutuloy ng masayang buhay na dapat ay matatamo niya." Hinalikan ni mama ang aking noo. "Tulad niya, gusto kong lumaki kang matapang at walang pagaalinlangang namumuhay ayon sa iyong gusto."

"Halika na sa baba anak," Sabi niya noong marinig namin ang mahinang kalansing ng susi na ipinapasok sa pinto. "Malamang ay papa mo na iyon."

"Opo Mama. Aayusin ko lang po ito." Sabi ko sa kaniya.

Una nang umalis si Mama, itinago ko lahat ng mga litrato at sulat na aking ikinalat.

Pati nadin ang tapos na kwento ni Athyeia Abarca.

Ngunit iniwan ko sa labas ang libro ni Alaina.

Akala ko dati ay iisa lamang ito ng kwento ni Athyeia Abarca ngunit hindi pala.

At mamaya ay aalamin ko kung ano nga ba ang kanilang pinagkaiba.

Vote. Comment. Thanks for reading!!

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon