Kabanata 25

842K 27.9K 34.5K
                                    

Kabanata 25

Leave


Royce agreed. He has to finish some things so he waited in a cafe near the spa. Pagkatapos ko roon, at kapag tapos na siya sa ginagawa niya, sabay na kaming pupunta sa restaurant sa malapit para makausap si Mama at Papa.

I stepped into a hot bath. My appointment is this three-hour relaxing spa, body scrub, and manicure and pedicure. Then an hour or so for my hair.

May tao na sa loob ng sauna. Sanay na naman ako dahil ganito naman dito madalas. I didn't really mind until I realized who was it. Tumayo si Lavender at umambang aalis na. I sighed and felt relieved. Pero nang nakita niya ako, bigla siyang naupo muli at bumalik.

Nagkatinginan kami. Wala ako sa mood para makipagplastikan sa kanya. I'm here to relax because later, I will be in a roller coaster emotions and yet she's here.

She smirked. It annoyed me. Hindi naman talaga ako mabait pero hindi ko siya uunahan sa kung ano mang nasa isip niya.

"I'm surprised you have time to relax right now."

I gritted my teeth. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero may pakiramdam akong alam niya ang tungkol sa mangyayari mamaya.

"Ako, I have all the time. I'm even elated these past few days kaya I like relaxing and all that-"

"Talaga? Nagre-relax ka sa lagay na 'to? I didn't know that relaxing meant shit talking?" iritado kong sinabi.

Hindi ko nga lang pinahalata ang iritasyon ko. I smirked when I saw her smile fading. She was taller than me. Tanging tuwalya lang ang saplot naming dalawa at kami lang ang tao roon. Hindi ko iniisip na bayolente siyang tao, lalo na dahil may iniingatan siyang pangalan. Pero kung lalala man 'tong lagay naming dalawa, the best I can do to protect myself is to push her away and fucking run. She's tall but she doesn't look sporty so...

"Don't be so cocky. I know what's up with you..." she smirked.

Kahit madilim, kita ko ang mga butil ng pawis sa kanyang dibdib. She should be done with her sauna now but she doesn't wanna go. Talagang sinasadya na magtagal para lang mabwisit ako ng ganito.

"Sige, what's up with me?" hamon ko.

She smirked more. "I know you've fallen in love with Royce."

Tinitigan ko siya. My grin is still on my lips. Nang nakita niyang walang nagbago sa ekspresyon ko, ngumisi siya lalo.

"I don't blame you. He's damn attractive, right?"

"Ako ba talaga o baka naman ang sarili mo ang tinutukoy mo?"

She snorted. "We're lovers, Sky. So it's a given for both of us."

What the hell?

Nakita niya siguro ang pagbabago sa mukha ko kaya lalo siyang ngumisi.

"Kaya kung ako sa'yo, huwag mo nang ipilit ang sarili mo. His drive to put everything in place when it comes to his career always outweighs his feelings. Kaya nga pinagbigyan ko na siya na magpakasal muna sa'yo."

What?

She's lying, right?

Sila ni Royce? Kaya ba alam niya ang mga plano nito? Somehow it makes sense that she knew about his plans, and that they're together. But isn't it fucked up that they both agreed to this. At na mag-asawa kami ni Royce ngayon tapos may nangyayari pa sa amin?

Nanlamig ako habang naiisip iyon. This isn't right. She knew that she affected me so she smiled more.

"Pinahiram ko lang siya kaya huwag mo nang ipilit ang sarili mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Rebellious Night (GLS/Del Fierro #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon