Kabanata XXV: Woke Up

3.6K 192 0
                                    

Alaina's PoV

"Athyeia..?" Hindi makapaniwalang sambit ko ng makita si Athyeia na nakatayo saaking harapan.

Kulay berdeng mga mata, tsokolateng buhok, at puting-puting balat.

"Alaina." Banggit niya saaking pangalan.

Napatingin ako saaking paligid.

Nasa isang lagusan akong mistula portal.

Paikot ang paligid at napupuno ng mga bituin iyong labas.

Napatingin ako saaking sarili.

Tulad ni Athyeia ay wala akong kahit anong suot. "Nasaan ako?" Tanong ko sa kaniya.

Ang huli kong ala-ala ay iyong malamig na sensasyong dulot ng punyal na sumaksak saaking dibdib. At iyong mukha ni Lola Thea na may isang maliit na ngiti habang nagsasabing: "Hanggang sa muli."

Imbes na sumagot ay hinawakan ni Athyeia ang aking isang kamay. Napakalamig ng sensayong dulot noon.

Hinigit niya ako at agad naman akong nagpatianod.

Saan niya ako dadalhin?

Maya-maya ay tumigil kami sa harapan ng isang blackhole. Nilingon niya iyon at tinitigan kaya naman sinubukan ko din iyong tingnan.

"Alagaan mo sila para saakin Alaina." Malambot ang ekspresyon niyang sabi habang nakangiti. "Mahalin mo sila ng sobra at h'wag na h'wag mo silang pababayaan."

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" Nalilito kong tanong.

"Mahalin mo ang mga Abarca, mahalin mo ang katauhan mo bilang Athyeia." Ang huli niyang sabi bago ako itinulak sa baba.

Naramdaman ko ang sarili kong nahuhulog sa isang bangin.

"Athyeia?" Banggit ko sa pangalan niya habang patuloy na lumalaki ang espasyo sa pagitan namin.

"Athyeia..?"

Naramdaman ko ang pagbagsak ng aking sarili sa kama kong kinahihigaan at agad na napamulat.

"Binibining Athyeia!!" Malakas at halata ang saya na sigaw saakin ni Laura.

"Sandali lamang po! Tatawagin ko lang si Jeremiah!" Aligaga niyang sabi at agad-agad na lumabas ng kwarto.

Iginala ko ang aking mga mata.

Sa aking harapan ay agad kong nasilayan ang sinag ng araw sa hapon. May isa kasi doong bintana na bukas at nakahawan ang mga kurtina.

Inilikot kong muli ang aking mga mata at nasaksihan ang tahimik at natutulog na si Levi.

Ako lang ba o dahil sa liwanag ay nagmumukha siyang anghel na walang pakpak?

Tumagilid ako ng higa upang mas matingnan siya.

Grabe, nakakainggit talaga iyong mga pilikmata niyang napakahahaba.

Iyong matangos niyang ilong...

Pati nadin ang napakakinis niyang mukha.

Kung ako kaya si Alaina? Bibigyan niya padin ba ako ng pansin??

Ayon kasi sa isang nakausap namin noon ni Hyacinth sa omegle, unang tinitingnan daw ng mga lalaki ay ang itsura ng mga babae daw e.

Attraction talaga muna sa pisikal na wangis at hindi sa kung gaano ito kasayang kasama.

Pinakahuli na daw iyong compatibility.

But I don't know if that also works for him.

Teka nga.

Kakabalik ko pa lamang at iyon na agad ang aking iniisip? Waah!!

Isa pa, why did I look at him romantically? Di'ba at kaibigan ko lamang siya dapat??

Hindi padin ako ang tunay na Athyeia kaya imposibleng ako ang mamahalin niya!

At bakit ko ba iniisip-isip ang mahal-mahal na ito?? I should think of what to do from now di'ba?

Diba???!!!!

Napabalik ako sa tunay na mundo ng biglang marinig ang isang malalim na paghinga. "I know you're angry but please don't look at me like that." My face immediately flushed when I saw how close Levi's face was.

Marahan nitong hinihilot ang kunot saaking noo.

"Rest properly." Hindi naman ako makasagot sa sabi niya ng dahil sa hiya. Marahan niyang itinulak ang braso ko para paayusin ng higa. Inayos niya din ang aking kumot.

He touched my forehead at muli ay nanlaki ang mga mata ko ng biglang idinikit niya iyong noo niya sa kabaak ng kamay niya.

We were just an inch away at konting-konti nalang ay mahahalikan ko na siya! Or mahahalikan niya ako kasi siya 'yung nasa taas?

"Lumayo ka saakin!!"

"Kyaaahhh!!!!" I immediately pushed Levi away when I heard a disoriented lady-like boyish scream.

"Nero." Walang ekspresyon na sabi ni Levi ng makita iyong lalaki. He crossed his arms and spoke as if nothing happened. "Why are you shouting?"

Wahhh!! Tanga na nga, manhid pa! Paano ba pinalaki itong si Levi ng walang kaalam-alam tungkol sa mga ganitong bagay??!!!

"Bakit ba ako hindi sisigaw?! I found my brother doing something inappropriate!!" I feel you Mister Nero.

So siya pala iyong kapatid ni Levi na hari, na akala ko noong una ay si Levi Azturias.

If you look at them closely, magkahawig na magkahawig nga sila. Magkaiba lamang ng eye and hair color. Pati nadin ng hairstyle.

"Something inappropriate?" Taas ang kilay ni Levi na wala talagang kaalam-alam. "You mean this?" He questioned at tsaka ginawa din sa kuya niya iyong ginawa niya saakin.

"Ahhhh!!!!" Isang matinis na sigaw ang nanggaling sa labas ng pintuan. I don't know who it is from but it sounded familiar. "Ate! Bakit po sila nagkikiss?!" Shouted the little voice.

I paled when I realized who it was.

Li-Em.

Oh God...

Ang bata pa niya!!!

"Hindi Li-Em. Hindi sila nagkikiss!" Mabilis kong sabi. Pati tuloy ako ay napatayo na agad. "T-Tinitingnan lamang ni Kuya Levi ang temperatura ni Kuya Nero." Kabado kong sabi. Baka kasi mamisinterpret niya e sampung taong gulang lamang siya!

Biglang bumagal ang ikot ng aking mundo nang makaramdam ako ng hilo.

Mabuti nalang at mabilis akong nasambot ni Levi sa bewang. "Salamat." Nahihiya kong sabi nang nakalihis sa kaniya ang mukha.

Nakakahiya iyong ginawa niya talaga kanina! Ngunit mas nakakahiya na apektado ako sa maliit na bagay na iyon!!!

"Sit. kailangan mo pang magpahinga."

Sumunod nalang ako sa sinabi niya.

But I can't help but feel annoyed.

Bakit ako lang ang affected? Ugh.

Vote. Comment. Thanks for reading!

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon