20. Mark

160K 3.7K 838
                                    

"Ang ibig nyong sabihin kaibigan nyo si Angela noon pa?" Di makapaniwalang sabi ni Janice habang pinalipat lipat ang tingin sa kanya at kina Calix Gio at Renz.

Nasa sala na sila at pinapaliwanag ng tatlo kung ano sya sa buhay ng mga ito.

"Kung talagang kaibigan nyo na sya noon pa, bakit di sya kilala ni Dylan ?" Nagdududang tanong ni Brena .

Napatingin sya kay Dylan na nakatingin sa kanya at nakakunot noo.

Hindi pa ito umiimik mula kanina.

Nakaupo ito sa couch katabi si Brena habang nasa one seater sofa sya sina Calix at Gio sa armchair habang si Renz ay sa paanan nya.

Si Gelo Quincy at Janice ay nasa single sofa din.

"Ha... ah ... eh." Napatingin sa kanya si Calix sa pag-iisip ng isasagot.

"Because we never meet, kapag wala ako, andito sya, kapag ako naman ang nandito wala sya." Walang emosyon na sabi nya.

"Ganon, impossible naman iyon iisa lang kayo ng circle of friends tapos di kayo nagkakila o nagkita man lang." Si Berna.

Tumaas ang isang sulok ng labi nya.

"Imposible ba? Di ka makapaniwala, how about this. He's my boyfriend. Kung yun ba ang sasabihin ko maniniwala ka?"

"Of course not!"

Napahalakhak sya ng sabay na magsalita si Berna at Janice.

"O see mas lalo kayong di makapaniwala." Napailing-iling sya.

"Talaga di kami maniniwala na boyfriend mo si Dylan dati. I hate to burst your bubble stepsister pero di ikaw ang tipo nya."

Tinignan nya si Dylan sabay nakakalokong nagsalita ng...

"Yeah right."

Saka sya tumayo.

"Uno, dos tres follow me. Ikaw din Gelo." Pagkasabi noon ay naglakad sya papunta sa second floor kitang kita sa kilos nya ang familiarity sa lugar.

"Wait lang guys ha." Si Gio.

"Feel free." Si Renz.

Kinindatan naman ni Calix ang mga naiwan habang si Gelo ay alanganin naman na nagpaalam lalo na ng lalong nagsalubong ang mga kilay ni Dylan.

"Ah eh sundan ko muna guys mahirap ng di sundin yun." Sabi pa nito.

"Anong gagawin nyo?"

Napatigil si Gelo sa paghakbang.

Nilingon nya si Dylan.

"May pag-uusapan lang kami."

"Anong pag-uusapan nyo?"

Napakamot sa batok si Gelo.

"Ah eh,..."

"Bat di mo masabi, and pwede naman na dito kayo mag-usap bakit kailangan sa taas pa?" Taas kilay na tanong ni Brena, bagamat di pinapahalata kay Dylan.

"Baka illegal ang pag-uusapan nila, OMG Gelo kung ako sayo lalayuan ko na iyang babaeng iyan bago ka mapasama, sayang ka." Si Janice.

"Stop that!" Natigilan ang lahat ng bahagyang sumigaw si Gelo.

" Angela's maybe mean, bully and hard headed but she will never do the things you're thinking. Kung ano man ang pinapakita nya lahat iyon may dahilan. Dahilan na wala akong karapatan na sabihin." Kay Dylan sya nakatingin ilang segundo na naglaban ang tingin nila bago umalingawngaw ang boses ni Angela.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon