Book 2 - chapter 1

2.7K 120 11
                                    

Gulf's POV

"Hubby wake up. You'll be late again."
Biglang bangon siya sa kama at nagmamadaling pumasok ng shower.

" No more good morning kiss again." Mahina lang pagkakasabi ko pero sinigurado kong maririnig niya.

Dali-dali siyang lumabas ng CR pabalik sa akin para humalik. Mukang tulog pa diwa niya.

"Baby I can't be late today." Of course he can't. He'll  be dealing with a huge client today.

Natapos ko ang masteral ko pero pinili namin na huwag muna ko magtrabaho. Gusto ko din asikasuhin si Mew. Kahit hindi ako magtrabaho kumikita kami. Sobra. May mga sarili kaming negosyo. Marami kaming branch ng convenience store sa bansa. Minsan pinupuntahan ko onsite pero mas madalas dito lang ako sa bahay umaattend ng virtual meetings. Si Mew na bahala sa lahat. Busy lang ako ng pagpapalit palit ng mga posisyon ng gamit sa bahay.

I fixed his suit. Pinatong ko lang sa kama at inayos ko ang almusal namin.

Tinawag ko naman anak namin para pakainin. "come to mama baby" Dali dali naman siya tumakbo nang nakita niya ko. Nagpalambing na naman agad. "how's your sleep?"

"Arf.. arf.."  He just barked. "Good boy,chopper."

Tumalon naman siya nakita niya daddy niya.

"Hi baby." tawag niya sa aso.

"Minsan hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap mo or si chopper." He laughed.

"Don't tell me your jealous again." Tinatawanan niya lang ako. Binuksan niya lang cellphone niya para magbasa ng balita.

"Babe eat first, akala ko ba hindi ka pwede ma late."

"Feed your husband then." Dahil isa akong butihing asawa. I feed him while he's  browsing his phone.

"Umuwi ka ng maaga. Lagot ka sa akin." Paalala ko sa kanya. Sabi nila under daw sa akin si Mew, pero hindi nila alam Mew is scarier pag galit. Pero madalang lang siya magalit. Siguro nakasanayan niya na iniingatan niya ang pangalan nila, at hindi siya ma-issue kaya hanggang ngayon nadala niya.

Maya-maya pa may nag doorbell na sa bahay. Itong bahay na tinitirhan namin ay disenyo mismo ni Mew,na-inspired daw siya ng college na gawin to ng nagkakilala kami.
This place is perfect but huge for the both of us.

Pagbukas ko ng bahay, I saw my sister with her baby. She was married to Off, the guy I punched before.

"Mukang alam ko na naman gagawin mo." Ako ang dakilang babysitter ng bayan. Minsan anak ni Godt na five years old at ito naman kay Thanya mahirap alagaan kasi hindi pa nagdadalawang taon.

"Thanks my best brother. Sunduin ko bukas..sabihin mo kay Mew pahinga muna siya mamayang gabi." Hahahaha
Inabot niya sa akin ang bata at yung baby bag nito.

"Okay baby, tayo ulit magkasama ngayon." Sanay na ko mag-alaga ng bata, dahil sa akin lumaki anak ni Godt. Kung magkakasama kami parang ako yung tunay na magulang.

Nagselfie kami ng bata. He is so cute. I posted it on my IG. I mean sa IG pala ni Mew kasi isang account lang naman ginagamit namin.

Mew's POV

Just last month,we celebrated our 5th wedding anniversary. Everything is going well. Thanya &Off, Coo and Kao my cousin and the most unexpected couple Luke and Joss. Why unexpected? Because they share the same first love, my Gulf. They began hating each other so much pero ngayon hindi mo mapaghiwalay.

Kami ni Gulf, as always heaven ang feeling. Masarap magkaroon ng asawa na sobrang mahal mo at alam mo din na mahal na mahal ka.

Sabi ko sa kanya dati kapag may nasa isip siya, palagi niyang sasabihin wag magtatago. Kaya ngayon nasobrahan, lahat ng iniisip niya ata sinasabi sa akin.

I received a text from him.

wifey❤️: babe can you imagine I was about to change his diaper, but then umihi siya diretso sa mukha ko.

See? He updates me all the time. Everything.
"Wawa naman baby ko. I'll be there before seven.I'll bring dinner."
Nagreply ako agad sa kanya baka magalit na naman siya.He hates it when I replied late.

Wifey❤️: miss you :)

Hubby 😘: I love you.

He is still sweet as ever and sobrang seloso pa din.

I saw his picture posted in IG. He's really cute especially with kids. I hope we can have our own.

Nang dumating ako from my meeting,naabutan ko si Gulf and baby Gun sa Swivel chair ko, karga niya ang baby habang pinapakielaman niya laptop ko.

"Why are you here baby?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo ba? Diba sabi ko namiss kita." I kissed him.

"Of course I like you here. But you should be resting." Nakabusangot na naman mukha niya di ko alam kung ano na naman ginawa ko.

"Last time, the wallpaper is our picture here. Ngayon iba na. Nice." Tinuturo niya ang laptop ko. " May magagalit ba pag nakakakita or ganun na lang ka disturbing mukha ko?"

Palagi na lang may sumpong si Gulf. Sa loob ng five years, ganyan palagi problema namin yung mga insecurities niya. Noong una palagi niya sinasabi na hindi kami bagay because I'm too high for him but I always say that we are perfect for each other.

I kiss him. "Baby, I don't know maybe pag reboot ko ."

Normal ni Gulf yan. Don't get him wrong. Mamaya magsosorry na yan kasi kung anu-ano na naman naisip niya.

Nilapit ko yung mukha ko sa  mukha ng anak ni Thanya. "Hey baby,inihian mo daw asawa ko ah. Naughty kid." Biro ko sa baby at pinanlisikan ko siya ng mata.Umiyak naman to.

"Huwag mo pansinin yang panget na yan.." pagpapatahan niya sa bata. "Shopping kami"  binuksan niya palad niya sa harap ko. "Card..I left mine." saad niya pa.
Of course my credit card nga pala.

"Samahan na lang kita baby?" Tanong ko sa kanya kasi sila lang ng baby..

"Sumama ka kung gusto mo." Galit siya kunwari pero alam ko naman na gusto niya din ako kasama.

Inakbayan ko na lang siya palabas ng office. Maaga pa bago mag-uwian pero lumabas na ako agad. Batas kaya ang asawa ko.

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now