Chapter 3

4.9K 131 11
                                    

    

CHAPTER 3

"Bakit mo ako dinala dito?!" galit kong tanong nang makarating kami sa condo niya. Sapilitan pa kanina ang paghatak niya sakin papasok.

Punyeta talaga.

"Ito lang ang lugar na alam kong kakausapin mo ako." he calmly said.

"Kakausapin? Really? Alam kong hindi usap ang gusto mo!"

Kumunot ang noo niya.

"Stop shouting, Ris." pumasok siya sa kusina. Galit naman akong nakasunod sa kanya. Hindi ako umupo kahit na ipinaghila niya ako ng upuan.

"Stop this already, Jared. Wala ako sa mood na makipag usap sa'yo."

I saw how he closed his eyes. Alam kong nagtitimpi lang ito kanina pa sa kotse.

"Did you really think that I brought you here just because I just wanna get laid?" sumandal siya sa sink at seryosong tumingin sa direksyon ko. "I just want to talk, Rissy. Talk."

I crossed my arms on my chest. "Then talk now 'cause I don't have enough time to listen to your shits."

Dumilim lalo ang mukha niya at umigting ang kanyang panga. Pinasadahan niya ng kanyang dila ang ibabang bahagi ng labi niya.

Huminga siya ng malalim at diretsyong tumitig sa mga mata ko bago bumitaw ng mga salita na pinagsisisihan kong marinig.

"We need to stop seeing each other, Ris. I want you out of my way."

Kumunot ang aking noo. "A-ano?"

"You heard me." walang emosyong aniya.

I laughed sarcastically. "Isang linggo kang hindi nagparamdam tapos iyan ang sasabihin mo?"

He smirked. "You know our deal, Ris. Wala akong pinangako sa'yo kahit na ano. Baka nakakalimutan mo na pumayag ka. Ginusto mo rin. Nasarapan ka nga diba."

I slapped him and I slapped him hard again.

Gago talaga siya. Alam ko naman ang deal namin. Friends with benefits? No. Just benefits, we're not even friends. Napatawa ako ng pagak sa aking isipan.

Wala siyang naging reaksyon sa pagsampal ko. All I see is just his blank expression.

"Ang tanga ko, akala ko naman may meaning na sayo 'yung ginagawa natin. You're still the jerk I know. Nothings change." I said in gritted teeth.

Muli ay sumilay sa mukha niya ang nakakainis niyang ngisi.

Tangina ka! Hintayin mong matanggal ko iyang ngisi sa pagmumukha mo.

"You think you're special eh?" nakapamulsa siyang humakbang palapit sa'kin.

"Ibinigay ko lang kung anong gusto mo. Una pa lang uhaw ka na sa'kin. Hindi ko naman inexpect na magtatagal tayo ng ilang buwan."

I blink twice. Nanggi-gitgit sa galit ang kaloob-looban ko.

Huminga ako ng malalim.

"Ikaw ang napaka walang kwentang tao na nakilala ko." galit kong turan sa kanya at binigyan siya ng isang ngisi.

"I don't care." simpleng saad niya at nilampasan ako. "Wag ka nang mag-abala na sabihin sa parents natin. Nasabi ko na sa kanila kahapon pa."

"Ginamit mo lang talaga ako." huminga ako ng malalim at hinarap siya.

Napahinto siya sa may bukana papuntang sala ngunit hindi niya ako nilingon.

"What do you think?" aniya saka dumiretso sa kanyang kwarto.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon