Chapter 4

4.8K 128 7
                                    

 

CHAPTER 4

Tatlong araw na mula nang manatili ako rito sa mansyon. 2 days akong hindi lumabas pero kahapon lang inaya ako ni Vanessa na mag mall kaya nakapag sine kami ng wala sa oras na dapat sana shopping ang gagawin.

At dahil tanghali na ngayon, wala namang tao dito kaya wala rin akong ibang magawa sa loob kundi ang humiga at kumain.

Umalis sila mommy kanina pa, ang paalam ay bibisitahin sila Cloud and Jared sa company. At hindi pa naman ako hibang para pumunta ulit doon, after what he did? Wala pa akong lakas ng loob harapin siya dahil umiinit pa rin ang ulo ko kapag naalala ko lang.

Pero ang malas 'ata ng araw ko nang magtext si Daddy sa'kin.

From: Daddy

Cleine, may naiwan na folder diyan sa table sa sala. Please, pakidala rito. Naiwan ng mommy mo 'yan. Kailangan ngayon sa board meeting.

Oh! Damn.

Nagreply lang ako ng 'Okay' at agad nang nagbihis. I wore a gold lace dress, a sleeveless one and 3 inches above the knee. I partnered it to a shiny transparent stiletto. Naka high ponytail din ang mahaba kong buhok.

Tinignan ko ang repleksyon sa salamin. Admit it, sexy ako at maganda. Tignan lang natin kung sino ang hindi maglalaway.

Dumiretso na ako sa baba at dinampot ang folder na naiwan sa table.

To: Daddy

Dad, I'm here.

I texted him as I parked my Red Lamborghini Huracan.

From: Daddy

Diretso na dito sa conference hall.

Lumabas na ako ng sasakyan at nagsuot ng glasses.

Ngumisi ako ng marinig ang tunog ng aking takong habang naglalakad. It really screams power. Nasa tapat na ako ng conference room at hindi ako mapakali dahil alam kong nasa loob din sila Jared.

Huminga ako ng malalim bago marahang kumatok. Ang secretary naman ni Daddy ang bumungad sa'kin.

"Good afternoon, Mam Cleine, pumasok na raw ho kayo." Tumango ako at pumasok na sa loob.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong narito. May iilang oldies at iba ay kaedad ko lang or nila Cloud. I think representative lang sila.

Yumuko ako bilang paggalang sa pag interrupt ko ng kanilang meeting.

"Dad, here's the folder. Nakakahiya bakit pinadiretso mo pa ako rito." gigil na bulong ko dito. Tinawanan niya lamang ako at sinabihan na umupo sa kaliwang bakante na upuan.

Tahimik akong naupo at kita ko sa peripheral vision ko ang pag angat ng tingin sa akin ni Jared. Hindi ako mapakali alam kong mariin ang mga tingin niya.

Nagsimula nang magsalita ang taong nasa harap kanina para sa presentasyon niya na may konektado sa folder na dala ko kanina.

Wala akong ginawa kundi tumunganga at sumimsim sa milk tea na nasa harap ko. Nakakatawa dahil ako lang ang may ibang iniinom.

"Hi I'm Dreik Motezo." kalabit sa'kin ng katabi ko. Napatingin naman ako sa kanya nang iangat niya ang kanyang kamay.

"Ow. Cleine Nueva." Pakilala ko din at inabot ang kanyang kamay. Napunta naman ang tingin ko kay Jared na madilim at kunot noong nakatingin sa kamay naming magkahawak.

Mabilis akong bumitaw at umangat sa aking mukha ang mga titig niya. Tinaasan ko siya ng kilay at umiwas ng tingin.

Sobrang daldal nang nasa tabi ko. Halatadong nagpapapansin pero okay lang at least hindi boring. He's witty, sobrang dami niyang jokes. Kaya nahihiya akong ngumiti sa iba ng napapatingin sila sa banda namin.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon