Chapter 12

3.7K 91 13
                                    

CHAPTER 12

"Iuwi mo ako!"

"Iuuwi talaga kita. Doon tayo sa unit mo mag uusap."

"Kukunin ko pa 'yong ibang gamit ko!" his grip on the steering wheel tightened. Hindi ko talaga alam kung saan siya naiinis, sa sigaw ko ba o sa gusto kong pagtakas mula sa kanya.

"Sila Vanessa na ang bahala ro'n."

"Fine." I heard him tsked.

Huminto na kami sa tapat ng matayog na building. Andito na kami, umikot pa ang sasakyan namin papuntang parking lot bago tuluyang lumabas.

Hindi ko siya hinayaang pagbuksan ako bagkus ay lumabas na lang ako agad at nag martsa papasok ng elevator. Kunot noong nakasunod naman siya sa mga galaw ko.

"Hey..." he held my right hand and pulled it closer to him.

Halos nakasandal na ako sa dibdib niya habang nag ihintay na lumapag ang elevator sa floor ng unit ko.

"Let me go, Jared." kumawala ako sa kapit niya nang tumunog na, hudyat na nasa tamang floor na kami. Mabuti na lamang ay wala kaming kasabay kaya hindi eskandalo.

"What the fuck is your problem?!" pilit niya paring inaabot ang kamay ko nang makapasok na kami sa loob.

Galit ko siyang nilingon at dinuro. "Pabayaan mo ako pwede? Nakuha mo na ang gusto mo! Ano pa bang hinahabol mo sa'kin?"

His jaw clenched as his eyes darkened, filled with so much irritation. Huminga siya ng malalim bago marahang ibinaba ang daliri kong nakaduro sa kanya.

"Ang init ng ulo mo. Ang bilis mo naman maglihi." aniya na hindi pinansin kung anong sinabi ko.

Hinatak niya ako papunta sa kusina at ipinaghila ng upuan. "I want us to talk, Ris. Mahirap ba 'yon?"

Wala akong choice kundi umupo at humarap sa lamesa, ngayon ay nakatayo siya sa gilid ko habang nakatukod sa table ang isang kamay, nakapamewang naman sa kabila.

"Ano pa ba ang dapat nating pag usapan, sige nga."

Ramdam ko sa peripheral vision ko ang mga mabibigat niyang titig.

"What happened between u—"

"Will stay that way." putol ko sa gusto niyang sabihin.

Dahil alam ko na gano'n pa rin naman talaga ang lagay naming dalawa. Wala namang magbabago sa relasyon namin. Kung may relasyon nga kami.

Napapitlag ako ng bigla niyang hampasin ang glass table. "Bullshit!"

Napasabunot siya sa sariling buhok, ini-atras ang aking upuan upang mahila ako patayo at maiharap sa kanya. Halos mapaupo na ako sa lamesang nasa likod ko dahil sa lapit niya.

Bwiset! Bakit ba kanina pa siya hila nang hila sa'kin. Kaunti na lang ay mapipilayan na 'ata ako eh.

"Ang sakit na ha." singhal ko rito. Lumapit pa siya lalo at iniharang ang dalawang kamay sa magkabilaang gilid ko.

He mischievously smirked. "Will. Not. Stay. That. Way." dahan dahan niyang sambit saka pinatakan ng halik ang aking labi.

Nanlalaking mata akong nakatingin sa kanya. Umatras siya ng kaunti para magbigay espasyo sa aming dalawa.

"What th—"

"Do you think I will let you out of my grip? No, Ris. God knows how many times I took you since then. Kaya wala kang karapatan na umaktong parang wala lang sa iyo 'yong nangyayari sa atin."

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon