XXXVI - Epic

7.6K 392 154
                                    

Sheerina

Tinatahak ko ang daan pabalik sa paaralan.

Ang tanging alam ko lang ay dapat akong makarating doon.

Kailangan kong mailigtas si Veruca.

Mabilis kong iniharurot ang sasakyan.

Hindi na inalintana kung ano pang madadaanan.

Kailangan kong makabalik bago mahuli ang lahat.

"Aaaah!" Sigaw ko dahil sa galit na namumuo sa kalooban ko.

Hindi ko mapaliwanag pero pakiramdam ko nag-iinit ako.

Nag-iinit ako ngunit wala akong mapagbuntungan!

Galit na galit ako pero wala akong masigawan!

"Aaaah!" Sigaw ko ulit at pinaghahampas ang steering wheel.

Bakit ba kasi pag nagiging masaya ako lagi nalang may kapalit na hindi maganda?!

Hindi ba pwedeng maging maligaya nalang?!

Hindi ba pwedeng yun nalang? Hindi ba pwedeng gawin ang gusto ng walang kapalit?!

Bakit palaging may hinihingi pag nagawa mo na ang ninanais mo?!

Mas diniinan ko ang pagkakaapak sa pagpapatakbo ng sasakyan.

Pa-pakiramdam ko, lumilipad ako.

Lumilipad ako dala-dala ang galit ko.

"I'll fucking end this." Sabi ko at tumingin sa salamin.

Pumatak ang mga luha ko at ayaw nitong magpapigil.

Be ready. Be ready dahil tatapusin ko 'to once and for all!!!

"Aaaah!!"

Third Person's POV

Habang natataranta at mga nalilituhan sila Ashton at ang kanyang mga ka-grupo, agad naman na napansin ni Elliot na nawawala si Sheerina.

Ang hindi nila alam, tinatahak na nito ang daan patungo sa eskwelahan at handa ng ipaubaya ang sariling buhay para sa kapakanan ng lahat.

"Si... si..." Nauutal na sabi ni Elliot. Hindi malaman kung dapat ba nilang malaman na lumisan na si Sheerina.

Agad naman syang hinawakan ni Meridette na nagpapahiwatig na panatilihing lihim muna ito sa ngayon.

"Veruca. Wake up." Nanghihinang sabi ni Ashton at ang kanyang luha ay kanina pa umaagos.

Sa unang pagkakataon, nasilayan nila ang kanilang pinuno na umagos ang tubig sa sariling mata.

Nang dahil doon, hindi na rin napigilan ng iba ang umiyak.

"Wake up..." Gising ulit ni Ashton ngunit wala pa ring responde si Veruca.

Pakiramdam ng lahat ay wala ng pag-asa.

Pwera lang kay Meridette na naniniwala kay Sheerina.

"We need to go back." Madiin na sabi ni Ashton at ginamit nya ang kamay upang pahidan ang luha sa kanyang pisnge.

"Pero paano si Sheerina?" Tanong ni Raven na basag ang boses. Masakit sakanyang mawala si Veruca, pero wala ng mas sasakit kung mawawala ang kaibigan nya na si Sheerina.

"We have no choice. Let's go." Madiin ulit na sabi ni Ashton at tinalikuran na sila. Binuhat naman ni Sick sa likuran si Veruca.

Ngunit laking gulat nila ng wala na ang van na kanilang sinakyan papunta sa lugar kung nasaan sila ngayon.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon