Chapter 3 -- A piece of cake

302 4 2
                                    




CHAPTER 3 -- A PIECE OF CAKE




HELAENA'S POV

Halos isang linggo na rin ako  dito sa Duncanville, medyo naninibago pa rin, nag a-adjust pa, pero pa sa-saan ba't masasanay din ako dito. Siyempre kailangan ko na ring tanggapin sa sarili ko na dapat masanay na din ako sa presensya ng sinasabi nilang Prinsipe nila dito na si Brylle, pero para sa'kin isa siyang demonyo, he's a devil. Okay, you may now call me a judgemental c*nt, I dont care. Eh sa gano'n talaga ang nakikita ko sa lalakeng 'yon. Ubod ng sama ng ugali.


Hindi pa man ako nakaka tungtong sa main building ay narinig ko na ang tilian at hiyawan ng mga estudyante. Ano pa nga ba? Tinitilian na naman nila ang mga Prinispe nila kuno.


"Oh my gosh! Ang gwapo talaga ni Papa Beebop." Narinig ko na sabi nung isang babae.


"Mas gwapo yata at mas malakas ang sex appeal ni Papable Hunk Brylle no?" Sabi naman nung isa. Araw-araw halos ganyan ang mga naririnig ko sa mga babaeng estudyante.


Napapa iling na lang ako sa mga naririnig ko. Mukha lang ba ang basehan nila para hangaan ang isang tao? Hindi ba nila alam na masama ang ugali ng hinahangaan at tinitilian nilang si Brylle Lauren Samaniego na 'yon? Seriously, I want to slap them with a chair, para naman matauhan sila sa katotohanan.


Imbes na makipagsiksikan sa mga estudyanteng nagkakandarapang tignan ang kanilang mga Prinisipe, dumaan na lang ako sa isa pang daanan sa side ng building. Napatigil na lang ako sa paglalakad ng matanaw ko si Bryant na nakaupo sa bench sa may fountain.


"My gulay! May ganito pa palang nilalang na nag e-exist sa mundo." Napangiti ako habang tinitignan siya. "Di hamak na mas gwapo at alam kong mabait si Bryant kumpara sa mala demonyong Brylle na 'yon."


Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya. Basta kapag tinititigan ko siya napapangiti ako. Nakikinig lang si Bryant sa kanyang Ipad at pa pikit-pikit pa. Tila dinadama ang bawat kantang naririnig niya. "Ano kaya ang nasa playlist niya?"


Maya-maya'y nakita ko nalang na may limang babaeng lumapit sa kanya at inabutan ng dalawang kahon ng... ng... hindi ko alam kung ano'ng laman. Nakita ko na lang na kumuha siya ng laman sa kahon at cupcake pala 'yon, kinain niya at inalok pa yung mga babae tsaka ngumiti.


"Bakit kaya siya ni regaluhan ng mga babaeng 'yon? Birthday ba niya?"


Nang umalis yung mga babae, may tatlong babae naman ang lumapit sa kanya. This time sulat naman ang inabot sa kanya. Napakunot noo tuloy ako. "Heartthrob din kaya siya dito sa Duncanville? Kung sa bagay hindi naman nakakapagtaka 'yon, ubod naman kasi siya ng gwapo at bait."


Paglingon ko wala na siya sa kanyang kinauupuan at nakita ko nalang na papasok na siya sa kabilang building. "Ano kayang course niya? Bakit kasi hindi pa siya ang naging kaklase ko imbes na ang bwisit na Brylle na yon?" Pumasok na lang ako sa loob ng building para mag tungo na sa classroom namin.

END OF HELAENA'S POV



"Nasa'n naba si Thunder?" Tanong ni Brylle.


"Nasa pad ng girlfriend niya. Don siya natulog kagabi." Sagot naman ni Beebop na naka tanaw sa quadrangle sa ilalim.


Nasa 3rd floor kasi sila sa harapan ng kanilang classroom. "Uy, si Vanilla Babe o." Sabay turo kay Venice na naglalakad sa quadrangle kasama ang mga kaibigan nito.


Tinignan din ni Brylle si Venice.


"Manood tayo mamaya ng practice nila." Suhestyon ni Beebop. Tila hindi naman narinig yon ni Brylle dahil na kay Venice ang focus niya. "Kumusta kaya ang date nila nung isang gabi ni Bryant?" Nakangisi niyang tinignan si Brylle.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon