Midnight Lover - 11

211K 2.3K 78
                                    

WARNING: This particular chapter contains some scenes that are not suitable for readers below 18 years old. Hindi naman bulgar pero the thought being implied is medyo malaswa. So read at your own risk. Haha.

RAVEN

“What’s wrong with you guys?”

“Wala! Bakit, bawal ba kaming tumitig sa 'yo nitong si Zeke?” ngingisi-ngising sagot ni Asher. Si Zeke naman ay nakatitig lang sa aming dalawa. Base sa pamumula ng pisngi niya, alam kong tinamaan na rin siya ng alak na nainom namin.

Tinabig ko si Asher at diretsong pumunta ng kusina para kumuha pa ng beer sa ref. Dahil wala nang may gustong maglaro sa kanilang dalawa—since briefs na nga lang naman ang suot nila—kaya pumwesto na lang kami sa sala.

Isang pahabang sofa lang ang mayroon sa sala ni Zeke kaya no choice kundi magtabi-tabi kaming tatlo. Siyempre, ako ang nakapagitan sa dalawang fafa.

Naisuot ko na ulit ang t-shirt ko pero sila, ayun at mukhang na-enjoy ang pagiging mga model ng underwear.

“Cheers, guys!” malakas na sabi ko sa kanilang dalawa bago ko itinaas sa ere ang bote ng alak na hawak ko.

“Cheers!” masiglang tugon ng dalawa na idinikit ang mga boteng hawak nila saka namin sabay-sabay na tinungga ang alak na alam kong mayamaya lang ay magpapatumba na sa aming tatlo.

“Zeke, paano nga pala kayo nagkakilala nitong si Raven?” tanong ni Asher kapagkuwan.

Tumingin muna sa 'kin si Zeke bago sumagot. “Well, magkaklase kami dati sa isang subject. Pareho kaming nasa pinakadulong seat noon dahil pareho naming ayaw sa professor namin kasi masungit tapos ang boring pang magturo. Doon nagsimula 'yong friendship namin. Then ayun na, nagkapalitan na ng number hanggang sa lumalabas na rin kami kapag pareho kaming may vacant period at walang masyadong ginagawa sa iba naming mga subjects.”

“Ah. So, close kayo?” Sa paraan ng pagtatanong ni Asher ay para bang wala ako sa pagitan nilang dalawa. Gusto ko sanang sumagot pero nauna nang bumuka ang bibig ni Zeke.

“I can’t say that we’re pretty that close,” ani Zeke na nakatingin sa mga mata ko. “But I’d love to think that we had a special connection way back then. Because you know, we both love arts. I was into painting while Raven loves poetry. At bukod sa pareho kaming mahilig sa art, may isa pa kaming common denominator…”

“And that is?”

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon