Chapter 19

4.7K 147 71
                                        

Chapter 19

Forever | Papa Roach

The song keeps playing as I rock my body to make Andy stop from crying.The song, Forever,is on repeat because it calms Andy.

It's Partly Cloudy playing on cassette.They covered the song and my baby boy is loving it.Reigh Emette is already asleep.Itong si Anton Dylan lang talaga ang makulit at ayaw pa matulog kanina.Boses lang naman pala ng ama at mga ninong n'ya ang gusto.

"You okay?"tanong ni Mama nang lumabas ako sa kwarto ng dalawang bata at pumunta sa kusina.

Tumango ako at dumeretso sa fridge.

"Ang sakit ng likod ko dahil kay Andy."ngumiwi ako at natawa si Mama matapos uminom sa kan'yang kopita.

"He's so hyper.Don't let him eat sweets once he aged a bit.Mahihirapan ka sa batang iyon."paalala ni Mama na kaagad kong tinanguhan.

Naupo ako sa harapan n'ya habang umiinom ako ng malamig na gatas.

"May check up ako bukas,Ma.Patignan naman ang dalawang bata."

"Sure,Dear.Don't you want to bring them?"sagot ni Mama at tumayo na matapos humikab.

"No,Mama.I'm not yet ready to let them see the world."bumuntong hininga ako at ganoon din s'ya saka lumapit sa akin at marahan akong hinaplos sa braso at hinalikan sa noo.

"Be ready.Time will come and they will look for their father."huling sabi ni Mama bago ito tuluyang lumabas ng kusina para bumalik na sa kan'yang kwarto.

Nang mawala si Mama sa aking paningin ay doon ko tinignan ang aking cellphone.Binuksan ko ang videos at doon ko pinanood ang video namin ni Reego.

I can't help but to long for him.It's been almost two years and I just can't get over him.

"What do you want to do after your school?"boses ko iyon.

Naglalakad kami ni Reego sa tabing dagat.Iyon 'yong audition ko sa Upra at binigyan kami ng oras para magliwaliw.

"Marry you?"sagot ni Reego na s'yang may hawak ng camera.

I smiled at the camera.That never leaves me.

"And if I don't agree?"mapaglaro kong sabi saka kinuha sakan'ya ang camera at inakbayan s'ya saka iyon itinutok sa aming dalawa.

"I'll do everything.I'll make things possible till you want to marry me."sagot n'ya at hinalikan ang pisnge ko."And if you marry me...I want us to have lots of children.I want to help you carry them at night,make you stop from crying when they frustrates you that much...make love with you...make so much memories with you...love you."

Itinigil ko na doon ang video dahil hindi ko nanaman mapigilan ang maiyak at mas mangulila.I can't stop missing him.He's the kindest and loving person I've known.Idagdag pa doon na hindi naman matagal na naging kami pero pakiramdam ko nang mawala s'ya sa akin ay kalahati ng buhay ko ang nawala.

He may not be my first love,but he is my great love.Nobody compares, nobody will dominate.

In his arms, it's where I found my shelter.

"Say Mama,Baby..."utos ko kay Ree habang nilalaro ko s'ya sa aming bakuran.

Naglatag si River ng tela dito at naglagay din ng ilang makakain at malalaro ng mga bata.

River is my shoulder from the past years.Hindi ko kakayanin lalo kung wala s'ya.Si Natasha naman ay hindi makapaglagi dito dahil nag aasikaso na ng kasal...At iyon ang isa sa iniisip ko nitong nakaraan.

The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now