Chapter 3

17.1K 636 472
                                    

#MMIM03

"Hirap na hirap na siya, e," sabi ko kina Lance. "Kaya doon muna siya sa ospital."

"Uy." Hanzo pouted and hugged me. "We're here for you, bunso."

"Kaya nga." Franco gave me a sympathetic look. "Do you need anyone dito sa bahay niyo? Ang hirap naman niyan, e. Nasaan ba si Claude? Dati pinagluluto ka pa no'n ah."

"Nag-Sagada sila ni Raffy," sabi ni Margaux.

"Wow, daming time, ah?" Tawa naman ni Hanzo. "Ano nangyari sa Manila scholarship niya?"

"Hindi niya ata tatanggapin," sabi ni Lance. "Ewan ko doon. May nasabi ba siya sa'yo, Nat?"

Umiling ako. I haven't seen him for a while now. Kasasabi ko pa lang kina Hanzo yung kondisyon ni Ate ngayon. Akala ko nga darating si Claude, eh.

Akala ko lang pala.

"So Sagada?" I sighed. "Akala ko balak natin 'yon after ng short term?"

"Pag-ibig nga naman." Margaux chuckled. "Parang dati, ading lang tawag niya doon, ah?"

I forced a smile and leaned back on the couch. It's good to have people around. Most of the time, I'm with Ate Noelle in the hospital, pero ngayon dito muna ako.

"Tawagin ko nga ring ading yung crush ko," sabi ni Hanzo.

"Try mo nga oh. Pustahan, hanggang manong lang tawag sa'yo." Hagalpak ni Lance.

Binatukan naman kaagad siya ni Hanzo, habang kaming apat ay tumatawa lang.

I'm happy for Claude. I guess they're getting pretty serious now.

"Parang dati, crush niya lang 'yon, eh!" sabi ni Hanzo. "Ngayon may pa-Sagada na!"

"Huh?" tanong ko. "Kailan niya pa ba naging crush si Raffy?"

"Nung High School pa ata." Tumawa si Franco. "Kaya nga pinapagsabay ko sila pauwi lagi!"

Pinalo siya bigla ni Margaux sa braso. "Hala, binugaw yung kapatid ko!"

"Hala babe, hindi!" Mas natawa si Franco.

Wow. So Claude liked her even then?

Sana all, Raffy.

I guess he never really saw me that way. I never had a place to begin with.

"Whatever." Margaux laughed. "Si Claude at Vale lang ata mga lalaki doon 'no?"

"Ay talaga?" sabi ni Lance. "Sayang, iimbitahin ko sana mag-COD si Vale. Nag-aaya si Ezra, e. Sobrang saya nung laro nung dumaan si Vale noon."

Halos masamid ako sa iniinom kong tubig nang maging si Vale ang topic. Naalala ko nanaman yung walang hiyang 'yon sa David's Tea House!

"Sobrang close ba sila ni Raffy?" tanong ko kay Margaux.

Tumango siya habang kumakain ng popcorn. "Oo. Parang... halos kasing close niyo ni Claude. Minus the kababata part."

Kumuha ako ng popcorn sa lalagyan na hawak ni Margaux at tumango. Mabuti at natitiis 'yon ni Raffy.

He's so rude! And arrogant! Parang wala siyang pake sa ibang tao. Sarili niya lang iniisip niya!

"Oh, bakit naka-ganyan noo mo?" Tawa ni Lance.

"Wala. Pangit ng pangalan ni Vale." Humalukipkip ako at umismid.

"Hoy maganda kaya!" Margaux laughed. "Parang pang senador na hindi kurakot."

"Hindi mo alam totoong pangalan niya 'no?" Tawa ni Lance sabay higa sa sofa. "Vance pangalan no'n."

Meet Me In Mabini (City Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon