AMUSEMENT PARK

244 8 49
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

[⚠️ MILD MATURE CONTENT STARTS HERE]
[kayo'y ba ay nabitin sa Khayla × Stell? wag na kayo malungkot eto na;))]

Sobrang bilis ng pangyayari, parang sa isang iglap natagpuan nalang ni Khayla ang sarili nya sa isang fitting room dito sa mall habang buhat-buhat sya ni Stell at naka sandal ang likod nya sa salamin ng naturang fitting room.

Bumaba ang halik ni Stell sa leeg nya-nilalagyan ng mga markang na mukang mag tatagal. Napa-ungol ng mahina si Khayla dahil sa ginagawa ni Stell sa katawan nya.

Bago ang lahat sakanya.

Napahawak sya ng mahigpit sa balikat ni Stell-yung tipong nagugusot na ang damit na suot nito.

Bumalik ang mga labi ni Stell sa labi nya sa pangatlong pagkakataon at binalik nya naman din ito. Bumitaw sa halik si Stell at nanatiling magkadikit ang noo nilang dalawa. Halos ramdam nila ang mga malalim na pag hinga ng isa't isa ngunit hindi na nila yon pinansin pa. Mas nakatuon kasi ang kanilang isip sa kagustuhan ng mga katawan nila.

"mali to.." bulong ni Stell at tumingin sa mga mata ni Khayla, napatingin naman din si Khayla sa mga mata ni Stell at napakagat sa sarili nyang labi.

Anong mali dito?

"Anong mali dito? Wala namang nag mamay-ari sa atin" mahinang sagot ng babae, napalunok naman si Stell at huminga ng malalim.

"mali to kasi walang tayo.." ani ni Stell, napatawa ng mapait si Khayla at unti-unting nawala ang matinding nyang kapat sa balikat ni Stell.

Ah, wala nga palang kami.

[⚠️MILD MATURE CONTENT ENDS HERE]

"sa tingin mo may pakealam ako don?" Pabalang nyang sagot, nag tama naman ang dalawang kilay ni Stell dahil sa inasal ng babae.

Hindi nya alam kung bakit napaka desperado nya. Ayaw lang naman makagawa ni Stell ng isang bagay na mukang pagsisihan nila pagkatapos.

Nakita naman ni Khayla ang ekspresyon ng muka ng lalake kaya napaiwas sya ng tingin.

Ano nga ba ang inaasahan nya? Na-kahit sa dala ng init ng katawan maramdam nya ang hawak ni Stell sakanya? Nakalimutan nya ata na hindi ganoong klaseng lalake si Stell.

"okey..I'm sorry" mahinang ani ni Khayla at bumitaw kay Stell sabay baba. Sa oras na tumama ang paa nya sa sahig agad nya namang hinawakan ang pinto ng fitting room.

Parang nahiya sya sa sarili nya at ano mang oras ay tutulo nanaman ang mga luha nya.

Nanatili si Stell sa lugar nya at naiwang nakatulala at nag iisip. Sa oras na narinig nyang bumukas ang pinto doon pa sya nabalik sa wisyo.

Napatingin sya doon at agad na hinawakan ang kamay ni Khayla na kinagulat nito. Napalingon pa si Khayla kay Stell pero bigla nalang sya hinala nito pabalik na dahilan ng pag tama ng muka nya sa dibdib nito. Agad syang niyakap nito ng mahigpit.

"wag, wag ka mag sorry...ako dapat...masyado na kitang nasaktan. Tama ka, dapat kalimutan ko na sya" bulong nito, naitigilan naman si Khayla.

Call Of The Undead 2 [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now