TSM 14

1.1K 22 4
                                    

"Colleen's POV"

Nagmamadali akong magligpit ng mga gamit ko dahil nawindang ako sa text ni Aaron, my boss.

"Iha mag iingat kayo ha? Iho alagaan mo ang apo namin."

"Lolo thank you sa pagpapatuloy sa amin dito. If I have a time dadalaw po ako." Sabi ko at sumulyap kay lola na may binubulong kay Adamir.

Napataas ang kilay ko dahil humagikhik si lola habang nakangisi ang sir*ulong Adamir.

Matapos magpaalam ay sumakay na kami sa kotse niya. Binuksan ko ang bintana at nagwave kina lola at lolo. Nakaramdam ako ng lungkot habang papalayo na ang imahe nila. I sigh and close the window.

"What happen?"

Napahilot ako sa sintido ko nang maalala ang text ni Aaron.

"Good news, I have a big project. Bad news, May bob* na namang reporter ang kinakalat daw nud*s ko."

Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya.

"Natahimik ka?" Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang paghilot sa sintido ko.

"You're weird, inuna mo 'yong good news."

I tsk.

"Ofcourse I need to satisfy mysef first before facing the calamity."

"Oh."

"What 'Oh'?"

"That bad news is real?"

"Tsk. Hindi mo kasi ako naiintindihan..."

Matapos ko sabihin 'yon ay hindi na ako nagsalita at gano'n din siya.

Ilang oras siguro kaming walang imik, nang bigla siyang magsalita. Sinulyapan ko naman siya, naka earpiece pala. Sino kaya kausap niya? Naka poker face lang siya.

Umirap ako at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Umayos ako ng upo at bubuksan sana ang bintana nang may makita akong picture na nakasingit malapit sa buksanan ng bintana. Kinuha ko ito at napakunot noo ako.

Nilingon ko si Adamir na nakangiti. Tsk.

"Sino 'to? Kapatid mo? Pinsan?"

Tumaas ang kilay niya at bahagya akong sinulyapan.

"Wag mo pakialaman 'yan."

"Asawa mo?" Ngiwi ko.

"Oo na oo na ibalik mo na 'yan. Akin na nga!" He look frustrated kaya sandali akong natulala.

What was that? Kasalanan na pala magtanong. Parang t*nga lang.

"Hello ma? Bakit?"

Tinanggal niya ang earpiece niya at in-on ang speaker ng phone niya.

"Lew, sunduin mo si Kiza ngayon na."

"Okay."

"Okay okay be good to her ha? Take care!" Namatay na ang tawag.

Wala akong masabi.

Sinundo nga namin 'yong Kiza kuno at ang walang hiy*ng Adamir ginawa akong pasahero dahil sa backseat ako pina-upo.

Hindi ko sila tinignan at nagfocus sa cellphone ko. But h*ll as if I can.

"Lew, You look happy. That's great."

"Ofcourse I'm happy to see you."

Ofcourse I'm happy to see you nyenyenye tsk!

Ek ek mo plastik ka Adamir!

The Secret Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon