Book 2 Chapter 3

1.9K 107 4
                                    

Gulf's POV

"Night. Bahala ka sa buhay mo."

Napabangon ako sa pagkakahiga ko. Did I just heard him right? Bahala pala ako sa buhay ko ha.

Nakatulog ako katabi si Chopper. Ginising niya ko sa pamamagitan ng pagkagat ng damit ko,hinihila niya ko mula sa kama. I checked the time, it's almost 8 AM. Breakfast time na pala dapat namin. I always wake up before 7 to prepare for our food and Mew's clothes. Tinatamad ako kaya bahala siya sa buhay niya.

Bumaba ako at wala akong naabutan. Siguro umalis na siya. I just feed Chopper and kumain din ako ng favorite cereals ko. Nanood lang ako sa sala while kumakain. Pasado alas nuebe na ng may narinig ako sa kwarto ka kalabog. Oh, so andito pa pala siya. My bad..
Mga ilang minuto pa narinig ko ng humahangos siya pababa ng hagdan.

"Baby my breakfast." Sabi niya habang sinusuot ang polo.

"There's a cereal on the table." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Nevermind. You know I need heavy meal in the morning." Sumbat niya sa akin.

"Late ako nagising. Dapat inagahan mo ng gising kung gusto mo kumain. May yaya ka ba dito?"

"Baby. It's not like that. I thought okay ka na kausap pagkagising mo. I'll just eat in the office."
Tumahimik na lang ako. I just continue munching the cereals straight from the box. I also gave a piece to chopper.

"Don't feed him that." Saway sa akin ni Mew. Lahat na lang napapansin niya. Tumayo ako at inilagay ko sa kamay niya yung box na hawak ko.

"Enjoy your breakfast. Lock the door when you leave." Paalam ko at umakyat ng kwarto. How can he be this annoying.

Akala niya ata papatalo ako sa kaartehan niya.

Mew's POV

May topak na naman asawa ko at siyempre kasalanan ko na naman kasi sinabayan ko ng init ng ulo ko.

Hindi siya nagrereply sa mga text ko baka nakatulog ulit.

I met Luke's cousin in our floor's pantry. Nagpadeliver ako ng breakfast ko kasi kailangan ko talaga ng heavy meal tuwing umaga. I wonder why he's here. This is the top floor,except for the secretaries puro mga matataas lang posisyon ng andito. Nakaupo lang siya at nagkakape.

"First, right? This is not your floor,I believe."

"Yes Sir, new employee po. I met you in yesterday's dinner. My cousin Luke asked me to give this to your wife. Masyado po kasi siya busy kaya di niya maabot mismo sa asawa niyo. Dito daw kasi siya ngayon po tatambay. Hinihintay ko po kayo dito. Tsaka hindi po ako nagpapabaya ng trabaho,sa katunayan nga po may dinaanan ako na floor bago dito,sabi po kasi ng direct manager ko mag observe muna daw po kami ng process dito. So I hope okay lang po na nagkape lang ako sandali."

"Woah, pwedeng huminga." Tinanong ko lang naman kung siya si First,ang haba ng sinabi niya. " No problem with me, kain?"

"Sir,hindi pa po kayo kumakain? Dapat kumain na kayo bago pumasok."
Napakadaldal nito.

" My wife woke up late.." Yun na lang sagot ko.

"Ganun talaga ata mga babae minsan sir, minsan takaw tulog."
Naubo ako sa sinabi niya.

"Lalaki asawa ko." I just simply said.

"Oh just like my cousin and Joss." Sagot niya sa akin na parang hindi naman siya nagulat.

"Joss is my cousin by the way." Medyo nagulat naman siya.

"Cool, small world sir. Anyways maghahanap na po ako ulit ng gagawin. I need to be productive today." Smart kid. I like that attitude.

"Why don't you go to the new location. Ginagawa nila newest branch. Check if nasusunod ang plan. Kunin mo sa manager mo and tell him ako nagsabi. You'll learn there." Excited naman siyang tumango.

"Yes sir. Yes sir." Napailing na lang ako. Kapag fresh grad talaga excited pa magtrabaho.

Gulf's POV

Hindi ko naman kailangan magpaalam sa kanya diba. Kinuha ko susi ng motorbike ko at umalis ng bahay.

Malapit na pala to matapos. Mew designed the structure of this branches as well. Nasa 70 % of completion na to. Pinark ko lang sa tabi ying motor ko at naglakad papuntang loon.

Iniinom ko lang yung kapeng binili ko sa drive thru kanina ng may mabunggo akong lalaki.

"Shit." Napamura ako hindi dahil sa nasaktan ako or natapunan yung pantalon ko. Nagulat ako kasi namantsahan ko ang sapatos ng nabunggo ko.

"Holy shit! That was the newest release. I deserve to die.. Kill me.. I am really sorry."
Narinig ko naman tumawa siya.

Pagkaharap ko sa kanya nakangiti lang siya tapos parang biglang nagulat.

"Where did you get that? I'm really sorry."
Naawa ako sa sapatos. Hindi niya deserve to. Wala akong pakialam sa lalaki.

"Don't worry! The stain remover can do its job. But why do you know it's the newest though? You love shoes?" Tanong niya sa akin. Nakatingin lang ako sa sapatos niya.

"So much.. bakit mo kasi ginagamit yan
dito? " Bakit ba ako pa galit. Pakialam ko naman ba kung kelan niya gagamitin.

"Hahaha you're so affected. Concern masyado sa sapatos huh? Excited kasi ako gamitin kaya wala lang" Oo, sa sapatos lang talaga ako may pakialam.

"Where did you order that?I always try pero palagi out of stock." Hindi talaga ako makatsamba diyan.

"I have a friend,supplier siya so he always reserve for me. I'll get your number if you want to. I can message you kapag may bagong release." Naku baka magalit si Mew kapag binigay ko ang number ko pero binibigay ko din naman number ko sa ibang nagbebenta ng sapatos eh.

"Sure. But I didn't bring my phone." Nilagay ko lang number ko sa phone niya.

"Cool, let me pay for your coffee. Natapon din." Alok niya sa akin. Mas malaking damage ang nagawa ko sa kanya.

"No, I can just buy later. I'll pay for the shoes damage na lang"

"Pay me with a cup of coffee then. How about that?" He looks younger pero makaasta sa akin. Kotongan ko kaya to. Pasalamat siya may kasalanan ako sa kanya.

"Sure but do you have car? Motor lang dala ko." Tanong ko sa kanya.

"I do have  pero can we ride on yours? It looks cool." Halos dekada na ata edad nito. Regalo pa to sa akin ni Mew ng birthday ko. Pumayag na lang ako para matapos na.

"Sure." Iniisip ko pwede ko kaya ipagamit sa kanya helmet ni Mew.

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now