Chapter 67

242K 4.5K 1.4K
                                    

Xiara's POV

Ako'y inangkin mo, paroon at parito. Ibinigay ko na ang lahat sayo, ngunit hindi ka pa rin nakuntento.

Hanggang kailan mo ako lolokohin? At tila ba paaasahin? Sinusunod ko naman lahat ng iyong sabihin. At mistulan pa, na ako'y iyong inalipin.

Ang hirap pala talaga magmahal, mawawala ang iyong pagkabanal. Halos isuko mo na rin ang iyong dangal, pero siya'y umaatungal.

Tinungo ko ang aking silid, gulo-gulo ang paligid. Ako'y biglang naumid, at tila ba gusto ko ng kumuha ng lubid.

Matagpuan mo ba naman ang boyfriend mo, sa iyong silid na may kalaguyong ibang tao. Tiyak na magkukuyom ang iyong kamao, na para bang gusto mo na siyang iuntog sa semento.

Kapighatian ang aking naramdaman, nang mapansin ko ito sa kanya'y nakaunan. Nanuyo bigla ang aking lalamunan, habang sa isip ko sila'y naglalampungan.

Nagmahal lang naman ako. Pero bakit puro sakit ang tinatamasa ko? Hindi na siya nakuntento, lagi na lang niya akong niloloko.

Ang sakit lang sa puso. Tila ito'y nagdurugo. Sila'y napakagaso, kaya nakaramdam na naman ako ng pagsusumamo.

Kinuha ko ang unan sa tabi, nilamukos ko't tinanggal sa pagkakasulsi. Nagsaya kayo kagabi? Pwes, tikman niyo ang aking paghihiganti.

Sa nobyo'y ipinukol ang unan. Ang babae ay aking sinabunutan. Galit ang isinisigaw ng aking isipan, lalo pa't sila'y nagkuwan.

"Tumigil ka na Xiara! Sayo ako'y naaalibadbaran na! Tila ako'y sawa pa, sa hinaharap mong hindi masagana." Pagpigil sa akin ni Kian sabay bato sa mukha ko ng isang lalagyan.

"Hindi ka kasi magaling. Pagdating sa kama, sa akin siya nahumaling! Magtigil ka't ika'y dumaing, hanggang sa marinig namin ang iyong halinghing." Sambit ni Hannah na kay sarap tusukin ang mata.

Pilit nila sa aking ipinagduduldulan, sa kama ako'y talunan. Hindi ba nila nararamdaman? Na ako'y higit na nasasaktan?

"Porke't ba hindi ko binigay ang nais mo, ibabasura mo na lang ako? Sex lang ba ang habol mo? Pwes, magpakasaya kayo!" Pag-aalumpihit ko. Ang sakit lang sa puso. Unti-unti na akong nadudurog dito sa kinatatayuan ko.

Ang saklap lang! Laman ko lang pala ang nais niya! Bakit ba sila ganyan? Mga lalaki talaga! Argh! Ako tuloy ngayo'y nagdurusa.

"Magsama kayo! Magpakaligaya hanggang sa impiyerno! Sulitin niyo ang nalalabing araw niyo, baka magulat kayo, sa pagganti ko sa inyo." Sigaw ko na may bahid ng panggagalaiti.

Tanging kumot lang ang nakatakip sa kanilang katawan. Talagang masisilayan mo ang kanilang laman. Kaya bugbog sarado sila sa aking isipan, lalo pa't ako'y kanilang pinaglaruan.

Dali-dali kong sinampal si Hannah. Bakas ang pagkairita sa kaniyang itsura, kaya naman hindi niya ako masupla. Lalo pa't nag-aalinlangan siya.

Lumabas ako sa aking kwarto. Tinungo ang kusina ko. Kumuha ako ng isang baso, at nilagyan ng malagkit na likido.

Akala ba nila'y susuko kaagad ako? Sa kanila ako'y magpapatalo? Hindi pa ako hilo! Kaya ipapatikim ko sa kanila ang aking paghuhurumintado.

Pagkabalik ko, hinihilot ni Hannah ang kaniyang sentido. Para bang naalog ang utak sa pagkakasampal ko, aba! Hindi ako magpapatinag noh!

Nang muli nila akong makita, napamulagat bigla ang kaniyang mga mata. Katawan ni Kian ay niyapos niya, na akala niya, ako'y mapapaalunsina.

"Oo nga't masakit! Halos ako'y magmurit. Mabuti na lang, pasensya sa aki'y nakasakbit, kaya may tyansa pa kayong mag-painit." Pahayag ko habang tangan-tangan ang isang baso. Puso ko'y nagsusumamo, kaya luha'y dumadaloy sa mukha ko.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon