Chapter 30

43.5K 1.4K 287
                                    

"Jealousy will show
you my worst side."

ANONG oras na pero wala pa rin si Arion. Maaga siyang umalis. Sabi niya sandali lang daw siya sa labas.

Hindi naman sa hinihintay ko talaga siya pero what if, nakipagkita siya doon sa lagi niyang ka-chat? Tapos pumunta silang hotel tapos... argh! Ayoko nang mag-isip. Bahala nga siya sa buhay niya!

Dapat kasi hindi ko nalang siya pinatawad. Pakiramdam ko talaga, nang dahil do'n, naging kampante siya na maayos na ang lahat.

Nasaan na 'yong sweet na Arion? Iyong pinagluluto niya ako at inaasikaso, nasaan na? Punyeta sa una lang magaling.

"Tanghaling tapat nakasimangot ka, Maleha."

Nag-angat ako ng tingin. Aries is here.

Oh, I think I forgot to lock the main door. Kung sabagay, ayoko rin ng sarado iyong bahay kasi parang kulong na kulong ako.

"Iyong kapatid mo, ang sakit sa matress." Reklamo ko.

Muli akong tumingin sa TV. Dahil wala pa rin akong phone, ang boring ng buhay ko.

"What the fuck? Don't tell me he's banging you while you're pregnant?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bastos! I mean, sa una lang siya magaling at maasikaso. Mula nang maging okay na ulit kami, ayun busy na palagi. Sa ka-chat niya, sa lahat! Binasag ko na nga ang phone niya e!"

"What the fuck?"

"Hello, nauna siyang basagin ang phone ko for your information."

"What the fuck is really happening with you two? Kaya paka hindi kita ma-conract kanina when I tried to call you."

I rolled my eyes. "Ewan ko d'yan sa kapatid mong daig pa ang babae kung um-attitude."

Tumawa siya. "Let's go to mall. I'l buy you a new phone. Ilan ba ang gusto mo?"

I arched my eyebrow. "May pambili ako."

He chuckles. "Fuck, fine. So nagbasagan kayo ng phone. Why? Are you fucking jealous with something?"

"Saan naman ako magseselos?!"

"Sabi mo may ka-chat ang kapatid ko." He said. "Baka naman 'yong malaki ang boobs."

Naalala ko tuloy iyong sinabi ni Ludwig na may naghanap kay Arion no'ng nakaraan.

"Malaki rin naman ang boobs mo, Maleha."

"Manyak!"

"Manyak, what? I just know how to appreciate things."

"I'm not jealous. Duh, bahala nga siya d'yan. Kaya kong mabuhay nang wala siya."

"We?"

"We, we ka pa d'yan." Pagsusubgit ko. "Bakit ka pala narito?"

He smiled. "Because I miss you?"

"Bakit mo naman ako mami-miss?"

"You know that I like you, Maleha. And always remember, hindi pa ako nagpaparaya. I am still here competing with my asshole brother. Naging busy lang ako nitong nakaraan because my father is monitoring my fucking work at our company."

Hindi ako nagsalita.

"Hinayaan ko lang siya dahil buntis ka at siya ang ama but damn, kahit isipin kong mali, lalo akong nagiging eager na makuha ka."

"Aries."

"What?"

"Ako lang 'to."

He showed me his poker face. "Putangina, I'm serious."

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon