Veinticuatro

154K 3.4K 86
                                    

Veinticuatro

"They're just spoiled brats na walang ginawa sa buhay kundi manghusga. Stop crying. They aren't worth your tears. Plus, you look ugly already."

Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa harap ko. Naaninag ko ang isang bulto. Nakayuko kasi ako kaya hindi ko namalayan na may tao na pala. Unting unti ko inangat ang ulo ko. Kinusot ko ang dalawang mata ko para mas makita ng mabuti kung sino ito. Mabuti na lang at medyo maliwanag ang paligid kaya agad kong namukhaan kung sino ito.

"T-Theo.." Oo tama kayo ng narinig. Walang iba kundi si Theo ang nasa harapan ko. May lahi bang kabute tong lalaking ito at bigla bigla nalang sumusulpot? Sadya ba ito?

He just stared at me. Nakita kong gumalaw ang isang kamay niya para may dukutin sa bulsa ng pantalon.

"Wipe your tears properly." He offered me his handkerchief. Ayun pala yung kinuha niya.

I looked at it na para bang nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi.

I heard him groan in frustration. The next thing I knew ay nakaluhod na ito. Magkapantay na kami. He gently wiped off the tears na hindi ko napunasan ng kamay ko kanina. Ramdam na ramdam ko ang malabot na tela ng panyo niya sa pisngi ko. Hindi ko napigilang wag mapapikit. Bigla akong may naramdamang kakaiba sa katawan ko. Yung puso ko parang mas lalong bumilis ang tibok.

Bumalik lang ako sa katinuan ng magsalita siya.

"There. Wala na." Ani Theo.

I slowly opened my eyes. Saktong nakatingin din pala siya sakin kaya agad na nag tama ang mga mata namin. I felt a familiar feeling.

Ako unang nagiwas ng tingin dahil hindi ko na kaya sabayan ang ginagawa niyang pagtitig sa akin. Kahit anong pilit ko, I just can't.

Theo stood up.

"Uhm.. S-Salamat." Tanging nasabi ko nalang.

Hindi siya sumagot. Bigla kong naalala, paano niya nalaman na nandito ako? Stalker ba siya? O hindi naman kaya siya yung parang feeling kong laging nakatingin samin?!

Kahit naiilang, naglakas loob akong magtanong sa kanya.

"T-Theo, pwedeng magtanong?"


"What?" He said.

"P-Paano mo nalaman na nandito ako?" Mahinang wika ko.

Napa tsk siya sa tanong ko. Eh ano bang masama kung magtanong?

"I saw you ran out of the bar then I followed you." He just simply said pero parang ayaw ko maniwala? I'm not convinced. Bakit parang may kulang? Bakit parang may iba akong gustong marinig mula sa kanya? Hay, ano ba itong pinagiiisip ko.

"Ah.. Pasenya na. Salamat na rin sa panyo." Tinignan ko siya at pilit na ngumiti.

"I should drive you home. It's dangerous for a lady like you to go home alone lalo na at maghahating gabi na." He commanded.

Wala akong nagawa kundi tumango nalang. Wala na rin akong lakas para mag commute. At tsaka tama naman ang sinabi niya. Mahirap na at baka mapahamak pa ako. Paano nalang sila Nanay diba? Nakakaramdam na rin ako ng konting pagkahilo. Ayos lang siguro to tutal parang friends na naman kami nito ni Theo. Parang lang.

Nauna siyang naglakad. Nakasunod lang ako. Maya maya ay huminto kami sa isang napakagandang itim big bike. Mukhang mamahalin ito. May nakalagay na Harley Davidson sa gilid nito. Nakita ko ito dahil nakapark ito sa ilalim ng isang streetlight.


"D-Dito tayo sasakay?" Nanginginig na turo ko sa big bike na nasa harapan ko.

Tumaas ang isang kilay niya. "Yes. May iba ka pa bang nakikita?" He said in a sarcastic tone.

Ang sungit naman ni Theo! Bakit parang nagiba ang pakikitingo niya sakin since yung sa huling pagkikita namin? Nakakapagtaka lang.

Hindi ko nalang pinansin ang pagiging sarcastic niya. "Ah.. First time ko kasing sasakay sa ganyan eh." Pag amin ko. Well dati may mga kaibigan din akong merong motor pero never akong nakiangkas or what. Nakakatakot kaya!

Uniwas siya ng tingin at parang nakita ko siyang napangiti? Bakit naman siya mapapangiti? Eh nagsusungit nga siya sa akin mula pa kanina! Hallucination ko lang siguro yun! Baka tinamaan ako ng ininom ko na Bloody Mary kanina kahit papaano.

Kinuha niya ang helmet na nakasabit dito. "Ikaw nalang magsuot niyan." 

Kinuha ko ito at sinuot. Wow! Ang bango naman ng helmet niya! Kabaligtaran sa inaakala ko! Diba kasi usually ang baho ng loob ng helmet kasi laging pinagpapawisan? Mukhang malala ka na, Aurora!

Kinuha niya ang isang helmet na nakasabit din doon at iyon ang sinuot. Bakit hindi na lang 'yon ang sinuot ko? Bakit ito pang sa kanya? Anong trip kaya nito?

Nauna siyang sumakay at pinaandar to. Inalalayan naman niya akong makasakay sa likod niya.

"Humawak ka ng mabuti. Wag kang magalala hindi ko ito patatakbuhin ng mabilis." He assured me.

Humawak ako sa shoulders niya para hindi ako malaglag pero nagulat ako ng kunin niya ito at pinalibot sa bandang tiyan niya. Ramdam na ramdam ko ang matigas na tiyan niya. Isa ulit wow! Ang dami sigurong abs dito kaya ganun? Hoy, Aurora! Chansing 'yan 'no! Tatanggalin ko na sana yun pero pinigilan niya ang mga kamay ko.

"That's the right way to hold the driver. It's your choice kung gusto mo mahulog. Wag na kasing maarte." He hissed.

Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. Ewan ko ba at bakit naiilang ako at the same time ay kinikilig? Nako. Take note to thyself na wag na wag na ulit akong iinom ng Bloody Mary dahil kakaiba ang epekto nun sakin. Tsk!

Buong byahe ay nakayakap lang ako sa matigas niyang pangangatawan ay este nakatulala lang pala. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng building namin.

"We're here." He said. Agad kong inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Tumayo ako at bumaba. Tinanggal ko na rin ang suot kong helmet at ibinigay sa kanya.

"Salamat sa paghatid, Theo." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Bakit ko nga ba ginawa 'yon?

Nakatitig lang siya sa akin for a few seconds then bigla niyang inangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. Alam na alam ko sa sarili ko na sobrang namumula na siguro ang mga pisngi ko sa ginawa niya. Napatitig din ako sa kanya. Sari saring emosyon ang nakita ko sa mga mata niya pero pinaka nakaagaw pansin sa akin ng makita ko na parang merong bakas ng.. pagmamahal?

"I miss you.." Wala sa sariling biglang nasabi ni Theo na sobrang kinagulat ko naman. My lips definitely parted.

Nang marealize niya ang mga nasabi niya at napansin niyang para bang may hinuhukay ako sa mga mata ay agad siyang nagiwas ng tingin na para bang takot na takot siyang may makita ako. Binaba na rin niya ang kamay niya. Napakunot ang noo ko. Napaka misteryoso talaga ni Theo. Feeling ko ang dami dami niyang sikreto na tinatago. Tsaka I miss you? Saan galing 'yon? Bakit naman niya ako sasabihan ng ganun? Nagugulahan na ako ah.

"I gotta go." Nagmamadaling pinaadar niya ang big bike niya at iniwan akong nakatulalang nakatayo.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon