Epilogue One: Welcome to the Grand Quest

3.6K 276 44
                                    

-epilogue one-
____________________

THE SIGHT in front of us is a view to behold. Standing on the edge of the cliff, I can see everything. The whole place seemed like something taken from a fantasy world - ang mga naghihilerang bukid, ang naggagandahang ulap at ang napaka-asul na tubig mula sa naglalayong karagatan. Ang tanging tunog na naririnig ko lamang ay-

"Pusta ako isang libo nag-iimagine na naman si Sol."

"Pusta ako dalawang libo nagmomoment siya."

"Pusta po ako-"

"Nope! Only age of eighteen and above can participate in this gamble! Bata, shoo, shoo!"

"Hmph!"

"Oi, ngumuso si rakista, hahaha! Paano nga ang pout, asul? Paano?"

"Huwag kayong mawala sa pinag-uusapan natin! I bet she's already thinking how amazing Arth is and how it such a world of fantasies."

Marahas akong nagbuntong-hinga sa ingay nilang abot Mars sa likod ko. I rolled my eyes and huffed, turning to look at them. Minerva is pouting while continuously hitting Voldmir's shoulder. Si Voldmir at Feyre ay parehong nagpipikot ng mga tainga. Nakatingin lang sa kanila si Hex habang pinapakain si Priamos. Vesta is trying to shove her newly-acquired guns inside her duffel bag. Avi is reciting something while reading a book. Malapit nang mahulog si Aisling sa pagupo sa branch ng puno kaya naman nakadikit na siya dito na parang koala. Cord is fussing how his cloak got wet.

Just another normal day.

"Alam niyo ang ingay niyo talaga 'no?" humalumbaba ako.

Napatingin sa'kin si Feyre. "Oi, Sol! Welcome back!"

Ngumisi si Voldmir. "Ano? Anong drama na naman ba ang inimagine mo, Sol?"

Umirap ako.

"Drama kung saan pinatay ko kayong lahat. Anyway," kinapa ko ang bulsa. "What the heck is this weighing scale that we got?"

Tiningnan ko ang kulay ginto na weighing scale na prize mula sa Workshop War. It has golden vines sticking around the stand. No one told us what it's about o kung ano man ang value niya. Talagang binigay lang nila itong prize sa'min. At hindi ko maintindihan kung bakit ito ang prize at hindi isang susi?

"Did you read the announcement, Solace? It was sent to all players. The grand quest is starting." sagot ni Cord.

Tumango ako. "Oo nga. Gets ko 'yon. Pero bakit ito at hindi susi?"

Nagkibit-balikat si Aisling. "Baka magt-transform siya into key when we get in Eternia, you know~?"

"Baka nascam tayo!" Feyre exclaimed.

"Kung may ma-s-scam man dito. Ikaw 'yon." ani Hex.

Ngumisi si Voldmir kay Hex. "Kung mayroon mang nascam dito, ikaw 'yon."

Hex nostrils flared and he glared at the cat who remained oblivious. Ang rogue talaga naming ito, ang galing magpawalang bahala.

Isang ingay mula sa gilid ang kumuha ng atensiyon ko. Minerva is looking over the cliffs, into the differently-structured rock formations and caves. Itinuro niya ang isa na mukhang may tatlong ulo ng aso.

Welcome, PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon