Book 2 Chapter 4

1.9K 117 13
                                    

Gulf's POV

Inabot ko sa kanya ang helmet. "Use this, pagpagin mo muna, matagal nang walang gumagamit niyan eh." Siguro a year ago pa ng umangkas sa akin si Mew sa motor ko.

"So matagal nang walang umaangkas dito? I'm lucky then." Paano naman maging swerte ang pag-angkas?

Pagdating namin dun,umorder lang kami at umupo sa may bandang sulok. Inaya ko na siya na dito na magkape para hindi na matapon. Pinili ko ang pwesto na to malayo sa mga tao.

Halos dalawang oras din kami nag-usap tungkol sa mga sapatos at basketball. Gusto ko siya kausap kasi nagkakaintindihan kami pagdating sa ganitong bagay. Hindi siya nagpapahuli sa mga kwento.

"It was nice talking to you. Don't forget to text me on new releases hah? I'll wait for that." Paalam ko sa kanya. Mukhang nahihirapan siya sa pagtanggal ng helmet strap. Ganito din palagi si Mew dito. Natawa na lang ako sa isip ko.

"Come here. Let me help you. May style kasi yan para mabilis matanggal."
Tinulungan ko siya  tanggalin ang helmet niya. I really need to buy a new one.

"Thank you and don't worry I'll update you." Saad niya sa akin habang palapit sa kotse niya. That guy has a taste on shoes, clothes and even on car.

Mew's POV

Nakauwi ako ng office at naabutan kong walang tao ang bahay. Ganun ba siya kagalit sa akin? Tinext ko siya kung nasaan siya at umuwi na siya. Nang ilang minuto na hindi pa rin siya nagrereply, tinawagan ko na ang cellphone niya. Bigla na lang umilaw at tumunog ang cellphone sa ibabaw ng ref. Naiinis talaga ako sa ugali niya na nag-iiwan ng phone sa bahay.

Maya-maya pa dumating na siya at dire-diretsong umakyat sa kwarto. Sinundan ko siya sa taas.

"What's your problem? Bat mo na naman iniwan phone mo? Palagi ko naman sinasabi sayo na dalhin mo pag-aalis ka. Mahirap ba talaga?" Busy lang siya sa paghuhubad.

"Not now Mew. Don't start." Dumiretso lang siya ng shower kaya sinundan ko siya sa loob at sumabay maligo.

He's really ignoring me.

"Baby I'm sorry about last night, everything was my fault. Please huwag ka na magalit sa akin. I will never do it again. Sorry din for sleeping last night before fixing our problem. Baby please? Stop ignoring me please." I really love him. Yung akala mo sagad na pagmamahal mo pero marerealize mo mas lumalalim pa pala.

Tuloy-tuloy lang siya sa paliligo. "Okay na. Now stop talking." Bakit feeling ko hindi pa din okay.

Yinakap ko lang siya patalikod sa akin. I hugged him tightly. "I love you baby."

Nauna siyang matapos at lumabas ng kwarto. Napasabunot na lang ako ng buhok sa sobrang inis ko sa sarili ko.

Pagbaba ko, naabutan ko siya sa baba na tumatawa habang tumitingin sa cellphone niya. He seems to be in a good mood now.
"What's that baby?" Tanong ko sa kanya bakit siya tumatawa.

"Nothing. Hindi mo kilala." So may katext siyang iba akala ko may pinapanood lang.

"Let's eat baby." Aya ko sa kanya.

"No, I'm full. Go ahead." Natatawa pa din siya habang nagsasalita.

"Ano ba talaga problema?gumaganti ka ba?" Umiinit na naman ulo ko pero pinipigilan ko lang.

"Hindi ba pwedeng busog din ako. Ikaw lang ba pwede magdinner sa labas?" Kinakalma ko lang sarili ko. Huwag papatulan para hindi na lumaki. I keep on reminding myself.

I just eat while staring at him.

~~~~~
First POV

"You're not gonna believe me couz, but I now know you're feeling."

"What do you mean?" Tanong naman sa akin ng pinsan ko.

"Nakita ko na siya. Yung magpapatibok nito."  I hit my chest.

"Sino naman ang malas na babae na yan?" Tanong niya na halatang hindi interesado sa sinasabi ko.

"Lalaki Luke. He's a guy." Nabugahan niya naman ako ng juice na iniinom niya.

"You must be kidding. Since when did you like a guy?" Ngayon mukang naging interesado na siya kausapin ako.

"Since earlier. Grabe natulala ako kanina but of course I need to act confident. We have the same interests. I really wanna talk to him more." Napapikit na lang ako. Iniisip ko yung feeling ng naka angkas ako sa kaniya kanina. Sobrang bango. Napahampas ako sa  lamesa sa kilig..

"Baka naman taken na yan. Is he straight?"

"I don't care if he's taken. I always get what I want. And since I like him I'll do everything for him to like me back."

~~~
Gulf's POV

I felt guilty looking at him eating alone. Tinago ko muna yung phone ko at nilapitan siya.

"Babe sorry." Kumandong lang ako sa kanya like always. "Palagi na lang ako nagsosorry sayo. Hindi pa rin ako nagbabago. Sorry."
Naramdaman ko naman yumakap siya sa akin. Pinatong niya ulo niya sa balikat ko

"You know kahit anong mangyari, I will always love you diba? I don't need you to change. But I just want you to love me forever. Are we good on that baby?" Tumango naman ako.

Sinubuan niya lang din ako. "Where did you have dinner?" I just ate cake and coffee. Kinuwento ko sa kanya buong nangyari mula sa pagpunta ko sa location hanggang sa pagkatapon ko ng kape at paglibre ko sa kanya bilang kabayaran.

"Then if you really like those shoes, why don't you buy a pair?" My hubby asked me.

"Babe wala akong maorderan. Palagi out of stock. I gave him my number, he will text me if my new stock na and bagong release." Sabi ko pa sa kanya. I'm honest to Mew, ayaw ko ng may tinatago kami sa isa't isa.

"Magseselos na ba ko?" Biro niya sa akin.

"Babe. Of course not. That guy was a kiddo." He kissed my cheek.

"That's fine then."

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now