XXXVII - Death

7.6K 352 107
                                    

Third Person's POV

"Chelsea." Nagugulat na sabi ni Sheerina sapagkat hindi sya makapaniwala sa nakikita.

'A-anong gustong gawin ng headmaster at inilalabas nya ang mga nakakulong sa sinumpaang lugar?' Tanong ng karamihan na nakasaksi ngayon.

Maging ang mga estudyante ay naguguluhan. Hindi mawari kung anong nangyayari.

"Miss me?" Tumatawa nitong sabi habang kumakain ng lollipop! Mukhang nais na naman nitong makipaglaro!

"This is bad." Sabi ni Meridette at nangamba sila lalo dahil mukhang walang balak na isara ng headmaster ang portal!

"No. This is war." Seryoso namang sabi ni Chelsea atsaka malakas na kumidlat!

"Aaah!" Takot na sigawan ng mga estudyante! Ang iba din ay nawawalan pa ng malay!

Mabilis na pumunta ang dalawang lalaki at dalawang babae galing sa portal patungo sa harapan nila Sheerina!

"Strings, Chelsea, Do it now." Sabi ng lalaking mukhang leader nila Chelsea! At ang do it now na sinasabi nito ay halatang walang magandang idudulot!

"Okay!" Nakangiting sabi ni Chelsea at naghawak kamay sila ni String. Si String ay isang lalaking mahilig sa musika.

"Listen up everyone!" Sigaw ni Chelsea dahilan para makuha nya ang atensyon ng lahat. Sa sobrang lakas nito ay napatakip pa ng tenga ang iilan!

"All of you! Tell me your name! Now!" Sigaw na naman nito at napatakip ulit ang iilan. Si Sheerina at Ashton ay nagtataka dahil wala naman sa kakayahan ni Chelsea ang pagsigaw ng malakas.

Nagkatinginan si Sheerina at Ashton na parehas nagtataka!

Tinignan naman nila ang ka-hawak kamay ni Chelsea, ang lalaking may dala-dalang gitara!

"I'm sure it's his ability." Madiin na sabi ni Ashton at tinanguan sya ni Sheerina.

"Sigurado din ako. Sigurado akong sa lalaking yun nagmumula ang lakas ng boses ni Chelsea." Seryosong sabi ni Sheerina. Lumayo sila lalo dahil hindi na kinakaya ng kanilang tenga ang naririnig.

"We need to go." Sabi ni Ashton at tumalikod na papunta sa van. Sinundan naman sya ng kaniyang mga ka-grupo habang sila'y nagtatanungan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Meridette na nagpapanic na dahil sa nangyayari!

"Ano 'bang nangyayari?!" Tanong naman ni Elliot habang nakahawak sakanyang ulo. Litong lito na ang lalaking ito.

"Hindi tayo ligtas dito." Sabi ni Sick at patuloy pa rin sila sa pagtakbo!

"Iiwanan na natin ang lugar na to." Dagdag pa ni Sick at sumang-ayon sila Raven.

"Paano si Veruca?" Tanong ni Sheerina dahilan para mapatigil sila sakanilang pagtakbo!

"Kaya ko ibinigay ang kwintas para kay Veruca... tapos... tapos hindi naman pala sya babalik sa dati..." Emosyonal na sabi ni Sheerina. Sa loob-loob nya ay galit na galit sya sa headmaster! Umaapoy ang kanyang kalamnan!

"We have to go. Now." Madiin at seryoso na utos ni Ashton. Ang tangi nyang alam ay kailangan nilang makalayo sa lugar na ito.

"Hindi. Ililigtas natin si Veruca." Seryosong sabi ni Sick. Nagbago ang kanyang pag-iisip sa sinabi ni Sheerina. Dahil magiging balewala nga lang ang sakripisyo nito kung wala silang mapapala.

"Wa-what?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ashton. Sa tingin nya ay nasisiraan na ng ulo si Sick.

"Kung gusto nyong lumisan, sige. Pero ako, kung saan si Sheerina, doon ako." Sabi ni Sick. At kahit sa ganitong panahon, sa katagang binitawan ni Sick, parang hinaplos ang puso ni Sheerina.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon