Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 1

33.2K 836 401
                                    

Bunganga ni Rose ang sumalubong sa akin nang pumasok siya sa aming classroom. Halos lahat kami ay sabay-sabay na nag-angat ng tingin sa kaniya. Si Joel, iyong isang kagrupo ko ay biniro pa siya na trespassing dahil basta na lamang itong tumilasok sa aming classroom pero dahil ma-attitude 'tong si Rose ay tanging pambabara lamang ang inabot ni Joel sa kaniya.

"Hay naku! Matagal pa ba kayo riyan Bluie? Inaantok na ako, oh! Tara na!"

Humila siya ng isang bakanteng armchair at itinabi sa akin. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa screen ng laptop ko at kunwari'y binabasa ang tina-type ko pero iba naman ang sinasabi niya.

"Ang ganda ganda mo, Rose. Sa sobrang ganda mo, natitibo na ako," malakas na wika n'ya at nakangising pinanliitan ako ng mga mata. Napa-igik ako nang sundutin niya ang tagiliran ko. "Ikaw, huh? Sinasabi ko na nga ba! Kaya ayaw mong mag-boyfriend kasi ako pala ang gusto mo!"

Umasim ang mukha ko at tinulak ang noo niya palayo sa akin gamit ang hintuturo. "Reyna ka ng fake news 'no? Puwede bang huwag kang magulo para matapos na ako sa ginagawa ko?"

Nginiwian niya ako ngunit sumunod rin naman. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy lamang ang pagta-type ng report sa aking laptop. Ang iba kong kagrupo ay tahimik lang din. Abala sa kani-kanilang ginagawa. Tanging si Rose lang 'tong nanggugulo at nangungulit sa amin. Nakakahiya! Bakit kaya hindi na lamang kaya siya maunang umuwi? May sariling susi naman siya ng dorm!

"Uwi na kasi tayo. Hayaan mo na 'yang mga kagrupo mo ang gumawa tutal ngayon lamang naman sila tumulong sa 'yo, eh."

Napasinghap ako at pasimpleng sinipa ang paa niya bilang pagpipigil sa mga sinasabi n'ya. Humingi ako ng pasensiya sa mga kagrupo kong mukhang na-offend sa sinabi ni Rose. Harap-harapan ba namang sabihin 'yon!

"Rosemarie, nakakahiya ka! Umayos ka—" Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong putulin sa pamamagitan ng isang sarkastikong tawa.

"Walang nakakahiya ro'n. Bluie. I'm just stating the fact. Bakit? Nahiya ba sila noong tinakasan ka nila dahil tinatamad silang tumulong?" Isa-isa n'yang sinulyapan niya ang mga kagrupo kong tahimik lang na nakikinig ngunit bakas ang pagkairita sa kanilang mukha. "Oh? Bakit kayo ganiyan tumingin? Nagagalit kayo kasi totoo? Aba real talk lang. Hinilot ko ang aking sentido at nagpasya nang iligpit ang mga gamit. Sinabihan ko rin si Rose na mauna nang lumabas at susunod na lamang ako. Bago tuluyang umalis sa classroom ay humingi muli ako ng despensa sa katabilan ng bunganga ni Rose.Nahihiya akong humawak sa aking batok. "Sorry ha? Kilala n'yo naman 'yon. Walang preno talaga ang bunganga."

"Ayos lang 'yon, Bluie. Sanay na ako riyan kay Ate Rose. Sige, you can go home na. Send mo na lang 'yong powerpoint presentation natin sa gmail ko," tugon ni Ria at binigyan pa ako ng sinserong ngiti.

"Kami nang bahala rito. Promise!" dagdag pa n'ya.

Tanging isang matipid na tango lamang isinagot ko sa kaniya bago tuluyang lumabas ng silid. Umirap ako sa kawalan nang makita si Rose na abala sa pagse-selife sa gitna ng corridor. Kung saan tumatama ang sinag ng araw sa kaniyang makinis na mukha.

"Tama na 'yan! Umuwi na tayo!" singhal ko sa babae.

Habang naglalakad kami palabas ng College of Business Management and Accountancy (CBMA) building ay panay ang talak n'ya tungkol sa mga pangyayari sa kaniyang buhay ngayong araw. I just listened intently without giving her any reaction. Pagod na pagod ako sa buong maghapon na ito at pakiramdam ko'y gusto ko na lamang humilata agad pagdating sa dorm. Balak ko pa naman sana maglaba ng mga damit ko.

"So ayon nga. Hindi ako pumasa dahil sa letseng hangover–nakikinig ka ba?!" asik n'ya at malakas na hinampas ako sa braso.

"Nakikinig ako! H'wag kang manakit!" I fired back and rolled my eyes at her.

Not Your Asset (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon