The Last Battle

12.1K 540 462
                                    

Sheerina's POV

"Aaaaah!" Malakas na sigaw ko habang tumutulo ang luha.

Hawak-hawak ko ngayon si Mia na naghihingalo.

"I-I'm sorry..." Sabi nya habang nagpuputol-putol ang paghinga.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Una si Chaos, sunod ay si Mia. Sino pa ba?! Sino pa?!

"Go... go save the humanities..." Huling katagang nya bago sya tuluyang magpahinga sa mga kamay ko.

Tumulo ng tumulo ang luha ko.

"I will." Nagliliyab ang mga matang sabi ko. Mabilis ako na tumayo mula sa pagkakaupo at mabilis din na hinarap ang headmaster na malapit lang kung nasaan ako.

"Ikaw.... Ikaw!" Sigaw ko habang tumatakbo patungo sa headmaster.

Pakiramdam ko, bumabagal ang paligid.

At tanging gusto ko lang gawin... ay ang patayin ang babaeng nasa harapan ko.

Malakas kong pina-landing ang kamao ko sakanya ngunit agad nya din itong nasangga.

"You.. do you really think you can beat me?" Nangiinis na tanong nito habang nakangisi.

Ang sarap pilasin ng labi nya.

"No... I'm not thinking I can beat you. 'Cause I will." Matalim ang mga mata kong sabi at muling sumugod.

"Aaaah!" Sinapak ko sya!

Sinapak ko sya sa mukha at hindi nya ito naiwasan!

"Itigil na natin ang paglalaro." Madiin nitong saad at sa isang hawian ng kamay, lumipad ang katawan ko!

"Tapusin na natin to." Saad ko at muling sumugod!

Matulin kong iniiwasan ang mga berdeng hangin na kanyang binabato!

'She's a curse giver. One wrong move and I will lose.'

"Aaaaah!!" Sigaw ko ng muling makalapit sakanya at handa ng suntukin ang nakangisi nyang labi ng muli nya akong hawiin!

"Look around you." Sabi ng headmaster. Nanlilisik ang mga mata akong tumingin sakanya bago sumulyap sa paligid.

At doon nawala ang pag-asa ko.

Unti-unti ng natatalo ang sang katauhan.

Unti-unti ng natatalo ang mga kaibigan ko.

Sa loob ng isang segundo, isang kasamahan ko na naman ang binawian ng buhay.

Tuluyan ng nanghina ang katawan ko.

Para akong babagsak.

"Raven!" Sigaw ni Levicarl sa walang buhay na kasamahan namin habang patungo kay Raven.

'Ayoko ng umiyak.'

'Tama na.'

"Aah!" Muling sigaw ni Levicarl ng saksakin sya ng isang bampira.

Wala akong magawa.

Hindi ko maitayo ang sarili kong katawan.

Gusto ko na ring mawala kagaya nila.

"You see... kahit na anong gawin nyo, hindi kayo mananalo samin." Seryosong saad ng headmaster.

Rinig na rinig ko ang hiyawan at kalansing ng mga armas.

Pag-sabog, pag-iyak, at pag-mamakaawa.

"Kung hindi na sana kayo nagpaka-bayani, edi sana buhay yang mga kasama mo." Muling saad ng Headmaster.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon