CHAPTER 41: MEGAN [1]

415 5 6
                                    

"Susunod ka sa lahat ng gusto ko. At mangangako akong makukuha mo silang dalawa ng ligtas" nakangisi niyang saad. Mas lalo ko pang tinaliman ang aking tingin sa kanya.

"Ano bang gusto mo?" Masama ang tingin na tanong ko sa kanya. Muli siyang ngumiti at umikot-ikot sa akin, huminto siya sa aking likuran at inilapit ang bibig sa tenga ko tsaka siya bumulong

"Ang plano ko, ay kunin ang trono mo..." Bahagya siyang lumayo at muling umikot, huminto sa aking harapan "Ang trono mo bilang Gangster Queen, Ang kapangyarihan, Ang posisyon mo. Gusto ko ang lahat ng iyon. Ibibigay mo ba?" Nakangisi niyang tanong. Napabungisngis ako, sarkastikong tawa

"Masyado naman atang mataas ang pangarap mo?" Saad ko kung kaya't ang kaninang nakangisi nyang mukha ay napalitan ng galit

"Papatayin ko ang mga kapatid mo sa oras na tanggihan mo ang gusto ko!"

"Papatayin ko naman ang pamilya mo bilang ganti"

Saglit siyang natigilan. Ngunit agad ding tumawa ng malakas. Na para bang nababaliw "Nahihibang ka na ba? Matagal nang patay ang pamilya ko dahil sayo!"

"Bakit ako ba ang pumatay sa kanila?" Balik tanong ko sa kanya, natigilan siyang muli at umiwas ng tingin

Sa halip na sagutin ako "Gagawin mo ang gusto ko at makukuha mo ang kapatid mo ng ligtas, susunod ka sa utos ko at iyon ay sa oras na nasa underground na tayo hinding-hindi ka pedeng lumaban at gumanti sakin kung hindi ay mamamatay ang mga kapatid mo" na sagot nya, iniiwasan ang tanong ko sa kanya

Napangisi ako "Masyado ka naman atang takot na lumaban ako? Bakit? Dahil ba alam mo na hinding-hindi mo ako matatalo?" Saad ko sa nang-aasar na tono, saglit syang natigilan bumuka ang bibig ngunit walang salitang lumabas, ilang saglit nya pa itong paulit-ulit na ginawa bago siya inis na huminga ng malalim at tingnan ako ng masama

"H-hindi, Hindi ako natatakot sayo. Ayoko lang magsayang ng oras kaya sundin mo nalang ang gusto ko kung gusto mong makuha ang mga kapatid mo ng humihinga" muli niya akong inirapan bago tumalikod at maarteng naglakad papalayo sa akin, huminto siya sa may pinto at muli akong hinarap "Bukas pupunta tayo sa underground at ikaw mismo ang magsasabi sa kanila na ako ang papalit sa iyong trono" nakangisi niya akong tinalikuran na pa buntong-hininga nalang ako

JERICHO'S POV

"King, ano ba tama na yan! Nakakarami ka na" napakunot ang noo ko ng marahas na tinanggal ni King ang kamay ni Blake na nakahawak sa balikat nito tsaka niya ito sinamaan ng tingin, sa ikalimang pagkakataon tinalikuran nya muli kami at mabilisang nilagok ang alak na kanina pa niya iniinom

"King, tama na yan! Mapapagalitan kami ni tita mo nito eh!" Kamot batok na suway ni Dylan sa kanya ngunit wala paren siyang pinansin sa amin at nagpatuloy Lang siya sa paglagok ng alak. Tsk, ano ba kasing problema nito?

"King, ano bang problema? Bigla ka nalang nagyaya uminom tapos ayan! Kanina pa tayo nandito di ka naman nagsasabi ng problema mo at panay inom mo lang dyan" kunot-noong reklamo ni Christopher. Yan ren ang kanina ko pa pinagtataka nagulat nalang kami ng mag-aya si King lumabas at mag-inom na hindi naman niya gawain noon pa man

"Alam niyo? Kung atat lang naman kayo umuwi, edi umalis na kayo diko kayo kailangan dito tss" irita nitong sagot at paulit-ulit na siyang lumagok ng alak at hindi na kami muling pinansin

"King may problema ba kayo ni Hell?" Hindi na ako nakatiis sa pananahimik sa isang tabi. Natigilan ang tatlong ugok at nagkatinginan ng padabog na hinagis ni King ang bote ng alak na iniinom niya

Nagkatitigan kaming apat at palihim na nagtuturuan kung sino ang magsasalita.

"Hindi ko siya maintindihan.." natigilan kami sa palihim na pagtuturuan ng magsalita si King kaya napalingon kami sa kanya, nakapikit na siya at nakatingala, ilang ulit siyang bumuntong hininga bago muling lumagok ng alak. Pinunasan niya muna ang kanyang bibig bago nagpatuloy sa pagsasalita "okay naman kami, Wala naman kaming hindi pagkakaintindihan pero bigla nalang siya nakipaghiwalay sakin" Marahas niyang sinabunutan ang sarili at napayuko nalang, tila, pinipigilan niyang ilabas lahat ng galit at sakit na nararamdaman niya.

Natahimik ako at natigilan. Iyon pala ang dahilan kung bakit nagkaganto si King. Napabuntong hininga nalang ako

"Di nga? Break na kayo?" Pasigaw pang tanong ni Dylan, gulat na gulat. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit di siya nagpatinag "Bakit kayo nagbreak? Ano nangyare?" Patuloy pa nito sa pagtatanong

Inaakala kong susuwayin nila Blake si Dylan sa walang habas na pagtatanong nito sa leader naming broken hearted pero napahilamos nalang ako sa mukha ko ng maging sila ay nakisabay na

"Oo nga king! Kwento mo naman!"

"Handa kaming makinig pramis!"

"Okay lang daw ba si bebe labs?" Natigilan kaming lahat sa tanong ni Dylan, kumunot ang noo niya ng mapansing lahat kami ay nakatingin ng masama sa kanya "What?!" Painosente pa nitong tanong

"Bebe labs! Bebe labs kapa nalalaman, Alam mo namang broken ang leader natin! Halika nga dito at ng masapak kita isa lang pramis"

"Luh? Ano ako tanga? Wag mo kong itulad sayo duh" di ko pinansin ang tatlong gunggong na nagbubugbugan na sa gilid, tumayo ako at lumapit kay King na hanggang ngayon ay nakayuko paren at tulala

"Tara, umuwi na tayo lasing ka na King" Napabuntong hininga nalang ako ng marahas niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya

"Hindi pa ko lasing" mahina nitong Saad, halata na sa boses at kilos nito na lasing na talaga, muli akong bumuntong hininga bago kinuha ang isa niyang kamay at inihangkas sa leeg ko tsaka ko siya inalalayan papalabas ng bar, iniwan ko na yung tatlong itlog dahil malaki na sila at kaya na nila sarili nila tss, may kanya kanya naman silang kotseng dala.

Sa biyahe hanggang sa makarating ako sa kanilang bahay puro pangalan ni Hell ang naririnig ko. Maingat ko siyang ibinaba sa kanyang kama at tinanggalan ng sapatos

"Hell..." Muli na naman niyang sambit habang natutulog, napailing nalang ako. Hindi ko inaakala na makikita ko si King sa gantong sitwasyon. Kailanman ay hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Ang mabaliw sa isang babae si Danger, Sadyang kakaiba nga talaga si Hell. Dahil sa daming babaeng sumubok umakit sa yelong leader naming ito siya lang ang nagwagi. Umaasa ako na may dahilan siya kung bakit siya nakipaghiwalay kay King

DANGER'S POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahawak sa buhok ko, inaantok pa ko at hindi ko maimulat ang mga mata ko, ngunit dahil sa amoy na naaamoy ko galing sa kung sino man ang naghahawak ng buhok ko ay ginusto kong imulat ang mata ko.

"Hell?" Banggit ko sa kanyang pangalan, ngumiti siya at tumango. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko at bahagyang nakayuko sa akin habang hinahaplos haplos ang buhok ko "Hell, ikaw nga, bumalik ka" masaya kong saad at mabilis na umusog papalapit sa kanya tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

Yakap na mahigpit na mahigpit, yakap na ayaw kong matapos, yakap na para bang takot na takot na muli niya akong iwan. Yakap na hinding-hindi ko gugustuhing matapos pa. Kung panaginip man ito ayoko nang magising, mas gugustuhin kong makasama siya kahit sa panaginip kaysa magising ng wala na siya sa tabi ko

"Hell, wag mo na kong iiwan muli"

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon