Chapter Thirty-Nine

475 20 8
                                    

Chapter Thirty-Nine
/Reunion/

REALM

Apat na kaming nakaupo sa silya ngayon. Kaming tatlo ay tahimik lang habang nakatitig sa taong bigla na lang dumating ng hindi namin inaasahan.

"Paano ka nakapasok dito? Paano mo nalaman kung nasaan kami?" tanong ni Lux.

"I don't know. Basta nakapunta na lang ako rito bigla" nakayukong sagot nito.

"How did you find us?" tanong uli ni Lux.

"Actually, I'm like Realm. I don't know that I do have a ability"

"And what ability is that?"

"I can tract someone. Pipikit lang ako at iisipin ko lang ang taong gusto kong hanapin tas bigla ko na lang makikita ang direksyon papunta sa tao na yon"

Muling tumahimik ang paligid. Nakatingin lang kaming tatlo sa kaniya. Napaubo bigla si Trick na siyang dahilan ng pagkabasag ng katahimikan. Napatingin lahat sa kaniya kaya gumawa siya ng paraan para hindi mapahiya.

"Ahh, ehh. Ikaw ba toh?" tanong ni Trick sabay turo sa litrato sa libro.

"Ako nga yan, though, wala akong matandaan na kahit ano." saad niya na ikananuot ng noo ko.

"Huh? Edi paano mong nasabing ikaw toh?" bigla siyang napatingin sa akin at medyo nagulat ako.

"Ngayon ko lang din nalaman. Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang bumalik ang mga ala ala ko. Kung paano ako napunta rito, at sino ba talaga ako." hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin at parang may kakaiba akong naramdaman.

"So you mean, mas matanda ka pa sa akin?" tanong ni Lux.

"Yes. Though, dalawang taon lang ang tanda ko sayo"

"Yun ang pinag-uusapan niyo kahapon?" tanong ko muli at muli siyang napaharap sa akin. Ramdam kong naluluha ang mata ko pero di ko maintindihan kung bakit. May naghihiwa ba ng sibuyas sa library?

"Oo. Pasensya na kung wala kaming sinabi sa inyo kahapon, lalo na sayo Realm. Nabigla lang talaga kami" panghingi niya ng tawad.

"So, kaya ka naman siguro pumunta rito para sabihin sa amin lahat ng nalalaman mo noh? We're not enemies you know. Wala nga tayong kalaban talaga ewan ko lang kung anong topak nung principal eh" ani Lux.

"Oo alam ko. Pero wag tayo dito mag-usap. Sa mas pribado sanang lugar"

Masyado sigurong mabigat ang ibubunyag niya sa amin. Grabe, di ako sanay na seryoso siya masyado. Ni hindi nga siya ngumingiti. Ibang iba sa nakilala ko. O sadyang malungkot lang talaga siya? Halata naman kasi sa mga mata niya.

"Gusto niyo sa candy world ko? Pribado talaga roon!" suhestiyon ni Trick. Napailing iling naman ko kasi para siyang bata.

"Yuck ayoko! Allergic ko sa candy saka sayo!" reklamo ni Lux. Kahit hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya, kitang kita naman na diring diri siya.

"Kapal mo Lux! Parang hindi ka nanghingi sa akin ng marshmallow dati!"

"Pwede ba mamaya na lang kayo mag-away?" pigil ko sa kanilang dalawa. "May mahalagang sasabihin sa atin yung tao tas sisingit niyo pag-aaway niyo? Ang mature"

Blackmage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon