Chapter 13

3.7K 101 8
                                    

 

CHAPTER 13

It's almost 12 pm, ngunit hindi pa ako pumunta sa office ni Dad. Maya-maya na lang siguro pagkatapos ko pirmahan itong five pages ng contract.

I texted Vanessa after.

To: Vanessa

Dinner later?

Nag aayos na ako papunta sa kabilang office ng makatanggap ako ng reply.

From: Vanessa

Wow! Iba ang ihip ng hangin? Hahaha. Anyway I'm in. I miss you agad :(

I smiled after reading her reply. She's so sweet ever. Nagsend lang ako ng message about location namin para mamaya bago lumakad paalis ng opisina ko.

"Hi, Good noon!" I greeted them as I entered the room. Nakaayos na rin sa coffee table ang lunch food namin.

Bigla akong tinamaan ng hiya nang maalala ang nagawa namin ni Jared sa couch na 'to. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa.

Ilang minuto lang ay pumasok si Nanay, ang sekretarya, kasunod si Jared.

Ngumiti siya sa akin na hindi ko naman sinuklian bagkus ay nag iwas pa ng tingin. Napansin ko naman ang pagkunot noo ng aking ama dahil sa inasta ko.

"Let's eat lunch first..." pahayag ni Dad. Naupo sa harapan ko si Jared habang si Kuya Cloud ay nasa kanan ko.

Syempre si Daddy as usual ay nakaupo sa single couch.

After our almost hours and quiet lunch ay tumikhim ang aking ama kaya napatingin kami sa kanya.

"What is it, Dad?"

"You can start now, Tito." Kuya Cloud interferes.

Tumango naman siya at binanggit na ang plano niyang pagbibigay ng Five days vacation sa aming tatlo bago ako tuluyang mag-ensayo for the CEO position.

"Next week pa naman kaya may oras pa kayo para tapusin ang ilang trabaho na natitira sa inyo. No pressure dahil babalik naman kayo after my given vacation."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. God! I should tell this to Vanessa. I'm so sure na tuwang tuwa iyon, lalo na't may time kami magbonding ng wala akong iniisip na work.

Nagpaalam din naman agad ako na babalik na sa opisina.

"Rissy." Nilingon ko ang taong tumawag sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay na para bang nagtatanong. Seryoso naman siyang lumakad palapit sa akin.

"You didn't reply." he casually said.

"Sorry. I fell asleep." Dumiretso ako ng lakad papasok sa loob ng aking opisina.

Alam ko namang sumunod siya sa akin dahil rinig ko ang mga yapak niya.

"I understand." tumango siya saka sinarado ang pinto sa kanyang likod.

"Cloud and I decided to go to Palawan next week." he stated then sat down on my visitors couch.

"Oh. Good, enjoy then." Kunot ang noo niya sa tinuran ko.

"Kasama kayo."

"What? without telling me?" may sarili sana akong plano para sa aming dalawa ni Vanessa pero mukhang mabo-bolilyaso pa yata.

"That's why I'm informing you right now." kibit balikat siya nang tumingin sa akin at may ngisi sa labi.

Umiinit na naman ang ulo ko dahil sa pagka desisyonero niya. Ang bilis niyang magpaalam na babalik na raw sa opisina niya nang akmang babatuhin ko siya ng ballpen.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon