Chapter Five

12 0 0
                                    

Mabilis na natapos ni Jing ang plan para kay Laurel. Ilang beses nadin silang nagmeet nito para mamili ng furnitures.

Bagaman may attitude talaga ito, hindi naman ito ganon kasama.

Nasa gallery siya para magtingin ng mga art pieces ng tumunog ang cellphone niya. Si Noshka iyon. "Nasaan ka?" Bungad agad nito. Iniwan niya ito ng lunch na kumakain ng instant ramen.

'Malapit lang. Bakit?"

"Nandito si Mrs. Valerio."

"Ano daw?"

"Dalian mo bumalik. Nakaupo siya sa desk mo." Pabulong na sabi nito bago mawala sa linya.

Minadali niya nga ang pagbalik sa opisina dahil doon.

"Hija." Masayang bati sa kanya ng ginang pagpasok niya. Nanlalaki lang ang mata ni Noshka sa kanila. "Are you free? Lets have coffee."

"Sige po." Nagpaalam agad sila kay Noshka.

Sa coffeeshop sa building nalang din sila nagpunta. Siya na ang nagorder para dito.

"Nabanggit ni Fernando Jose na dito nga daw  ang opisina ninyo."

"Opo, magkasama po kami ng kaibigan ko."

"Your parents are both lawyers, maging ang kapatid mo." Tita Leti smiled sweetly. "Ikaw nga lang daw ang naligaw.."

"Suportado naman po nila Mommy ang ginagawa ko."

"Dont get me wrong hija, I like what you do. Youre a home maker." Ngumiti lang siya doon. Tita Leti asked her alot of random things. Na para bang iniinterview siya. She blush at the thought na ginagawa nito iyon para malaman kung compatible ba sila ng anak nito.

She have to admit na crush siya si Ferdie. But shes too burned recently with Alec to entertain it.

Tita Leti told stories about her family, hindi na namin napansin ang oras. Jing have another appointment at malamang na pararing nadin iyon.

She was maneuvering to tell Tita Leti about it when Laurel stepped in the shop. As usual ay may bitbit itong PA at bodyguard.

Nang makita siya ay lumapit ito. She saw Tita Leti and immediately smiled. "Tita.. wow, fancy seeing you here." Ani nito. Yinakap agad ito ni Tita Leti.

"Laurel, its good to see you."

"Kailan ka pa umuwi dito sa Pilipinas Tita? Ferdie didnt even told me. Nadalaw sana kita agad."

"Ive been here a month. Hayaan mo at pagsasabihan ko ang anak kong iyon."

"Oh.. Hi Jing. Kilala mo pala si Tita Leti."

"Shes a family friend and shes helping my Fernando Jose on his house." Si Tita ang sumagot

"Wow, ipinapaayos na pala niya sa wakas. Is he getting married?"

"Who knows.." pasimple siyang tinignan ni Tita Leti. Hindi naman nakawala sa kanya ang bahagyang pagsimangot ni Laurel.

"Tita, pasensya ka na. Ms. Laurel here is my client, we also have a meeting now."

"No worries darling," Inabot siya nito at niyakap. "Ill be going." Ani nito sa kanila ni Laurel. Magiliw naman na nagpaalam si Laurel, but as soon as Tita Leti left. Balik na naman ang simangot nito.

"Are you dating Ferdie too?" Tanong nito ng nakaupo na sila.

"No. As Tita said, kliyente ko si Ferdie."

Umismid ito pero hindi niya na pinansin iyon. She took out her notes and discuss her new acquisitions. Pinagusapan din nila ang sinend niyang furnitures dito.

It took three hours for Laurel to decide what bed she wants and another two for the side table. The rest ay hindi pa daw nito napagiisipan. She left the cafe at ten with too much caffeine on her veins.

Kinaumagahan ay nangangalum mata siya ng humarap sa agahan. "You look terrible." Bati ni Ate Abby sa kanya.

Pano ay hindi talaga siya nakatulog ng maayos. She was able to drift off around five am.

Its college all over again.

Wala sa sarili na kumain nalang siya. Mabuti at nagmamadali ang Mommy niya kaya wala itong oras na manita, ang Daddy niya naman ay pinaalalahanan lang siya sa curfew dahil napapadalas daw na wala pa siya sa bahay ng alas dose.

Dahil may mga nakaline up na schedule ay hindi magawa ni Jing na lumiban sa trabaho. She felt like shit on her meetings but she put on her best smile.

Tatlong kliyente niya ang may progress ng araw na iyon.

Dumaan ulit siya sa gallery at pinicturan ang mga pieces na babagay sa designs niya.

Pareho sila ni Noshka na punong puno ang schedule kaya hindi na nila napansin na magsusummer vacation na pala. Isang araw ng palabas sila ng opisina para kumain ng tanghalian ay nagulat pa sila sa sobrang taas ng araw.

"Ganto nalang ba tayo?" Natatawang tanong ni Noshka ng makaupo sila sa restaurant. Samgyupsal ang kakainin nila dahil gutom na gutom silang pareho.

Naisubmit niya na kay Ferdie ang quotation para sa bahay nito at nagaantay nalang siya ng go signal. Iniisip niya kung doon niya ba binuhos ang lahat ng plano niya para sa dream house niya.

Katatapos lang last week ng lanai na ipinatayo niya at patapos nadin ang breakfast nook sa makalawa.

Sabay silang nagluluto ni Noshka ng wagyu beef.

"Masyado ata tayong madaming project na tinanggap." Komento niya. Sa pagitan nilang dalawa ay may pito silang ongoing na kliyente. Noong nasa firm pa siya ay hanggang isa lang ang hinahawakan niya at nagaassist na siya sa dalawa pa. "Pagtapos natin sa iba, baka pwedeng magbakasyon tayo sandali."

"Saan naman?"

"Korea?" Umiling ito. "Amsterdam?" Umiling ulit ito at kumagat sa niluto nito.

"Local lang." Ani nito matapos ngumuya.

"Isabela?"

"Anong gagawin natin sa Isabela?"

"Infanta, naaalala mo yun binagyong town don na naging ghost town?"

"Sige, mag Isabela tayo." Sabay silang tumango doon at kumain. Punong puno ang tyan niya ng matapos sila, dighay siya ng dighay kaya tawa din sila ng tawa.

Isinet nila ang bakasyon nila ng second week ng May. Inayos niya nadin ang kalendaryo niya para mailatag ang deadlines sa bawat project niya. In two weeks ay inaasahan niyang matapos ang tatlo sa mga hawak niya,  saka siya magcoconcentrate sa dalawa pa.

Kapag natapos niya ang project ni Laurel ay makakahinga na siya. Ang kay Ferdie ay medyo matagal tagal pa dahil sa kailangan constructions.

Nakausap niya ito sa telepono kahapon, sa sobrang busy nito ay hindi na sila nagkikita. Minsan nga ay sekretarya na nito ang kausap niya.

So far ay wala naman itong tutol sa mga ginagawa niya. Hanga nga si Noshka dahil ibang iba daw ang pagkakadescribe ng Daddy nito kay Ferdie. Sinabi niya nalang na siguro ay dahil kilala niya ang Mama nito.

Leave Only KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon