Chapter 2

347 35 0
                                    

Gabb's PoV

"Gusto ko na kumain.~" reklamo ko sa sarili ko.

Hindi ako nakabreakfast kasi I woke up really late. Nagtambay pa kasi si Cole sa bahay at may dala pa na alak kaya ayun diretso inuman. Pinag-usapan rin namin kung ano gagawin para sa reunion.

//Flashback//

"Hoy Gabrielle sabihan mo na mga tauhan mo sa resort na doon gaganapin ang reunion!" Sigaw ni Cole habang nasa kusina ako para kumuha ng pulutan at tubig.

"Oo na sinabihan ko na sila. Ang ingay mo, tulog na mga kasambahay ko dito sisigaw ka pa." Inis na sabi ko habang naglalakad pabalik sa sala.

Nagpeace sign lang siya at tumawa. Inirapan ko naman siya at umupo na sa sofa.

"Asan pala si Laney? Di ko pa siya nakikita ngayong araw." Tanong ko.

"May photoshoot sila na kailangan matapos kaya overnight sila sa agency."

Kaunting katahimikan...

"Kailan mo ba balak pakasalan siya? Ang tagal na niyo magjowa. Since highschool pa kayo diba?" Tanong ko ulit.

"Dadating tayo diyan Gabb. Kailangan ko lang paghandaan kasi di biro ang pagpapakasal and gusto ko ikasal kami na stable sa financials and everything else. Ikaw, kailan mo ba balak magmove on sa babaeng yun?"

Umiling lang ako at mahinang tumawa.

"Nagpromise ako sakanya na hihintayin ko siya bumalik. Papanindigan ko pangako ko."

"Eh paano kung di naman siya seryoso sa mga sinabi niya or worse nakalimutan ka na niya?"

"Wag kang mag-isip ng ganyan. I have faith in her. Kahit konti lang time namin na dalawa magsama noon, I know our feelings are mutual and genuine." Sabay lagok ng alak at tingin sa taas.

Paano nga ba kung nakalimutan na niya ako?

"Jusko Gabb wag mo nang hintayin siya. Sinasabi ko sayo baka masaktan ka lang. Payong kaibigan lang." Seryosong sabi Niya.

"Napakanega mo naman Cole! Inom nalang tayo! Tagay!" Saka inabutan ko siya ng alak at tumawa.

It hurts to be slapped by facts.

//End of Flashback//

Tawagan ko kaya si Cole. Sure ako hindi pa yun kumakain rin. Sabay nalang kami.

Cole's PoV

"Oh napatawag ka? Hindi pa nagdiretso ako dito sa kumpanya eh. Sige saan ba? Jollibee? Ang cheap mo naman pero sige tipid naman. Sige let's meet there. Bye."

Nagstretch muna ako dito sa upuan at naghikab. Ang dami ng paperworks ni Dad huhu. Nagmuni-muni muna ako para makapahinga ng saglit.

"I have faith in her. Babalik siya."

"If only you knew the truth Gabb baka bawiin mo mga sinabi mo kagabi. Ayokong umasa ka sa wala kaya napakanegative ko pagdating sa topic na iyan." Bulong ko sa sarili.

Naputol pagmumuni-muni ko ng biglang may nagtext. Chineck ko kung sino at nawala ang antok ko.

Fr: Ate Abby
Cole can we talk? Just the two of us. I think you already have an idea kung bakit.

To: Ate Abby

Me and Gabb will have brunch. Can we meet this evening nalang?


Fr: Ate Abby
Okay. 6 sharp. I'll go to your house nalang.

Hindi na ako nagreply at kinuha na ang key ng company car. Baka mag antay pa yung moko sa Jollibee.

I have a bad feeling about this.

Abby's PoV

"By, magpalit ka na. Dadating na sila any moment."

"Oo love, magpapalit na ako. Pasabi kay manang na ihanda na ang kainan."

"Kanina pa nakahanda sila manang. Bilisan mo na."

Nakapagpalit na ako kaya lumabas na ako sa kwarto at sinalubong ang asawa ko.

"Sela, andyan na ba sila?" Tanong ko.

"Oo nasa labas na sila. Ikaw na magsalubong. Ichecheck ko lang ang hinanda natin na pagkain." Sagot niya at pumunta sa kusina.

Tumango naman ako at pumunta sa pinto. Saktong nagdoorbell sila kaya huminga muna ako ng malalim at pinagbukasan sila.

"Ate Abby!" Bungad niya saakin at ngumiti.

"Coleen..." Tawag ko pabalik at ngumiti.

String Of FateWhere stories live. Discover now