Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 3

16.1K 635 162
                                    

Bumalik kami ni Marckus sa room. Ilang beses ko na yata siyang tinanong kung okay lang ba talaga siya dahil nag-aalala talaga ako lalo pa't namumula ang kanang pisngi niya dahil doon tumama nang malakas ang bola.

"Okay nga lang ako." He laughed. "At saka huwag ka na ngang mainis diyan. Nag-sorry naman na iyong tao."

I scoffed and shook my head in disagreement. Eh labas nga sa ilong iyong paghingi niya ng tawad, eh! Ang sabi pa ni Rose, sinadya raw ni iyon ni Miguel. Gusto ko sanang paniwalaan kaso napapaisip din ako. Bakit naman niya iyon gagawin, 'di ba? Ano 'yon, trip trip lang? Nang titigan ko si Markcus kanina ay hindi naman mukhang basketball ring ang mukha niya.

Markcus also said na kilala lang niya si Miguel dahil sikat nga ito sa campus namin pero hindi sila close at never pa silang nagkausap. Wala rin naman daw siyang naaalalang atraso roon kay Miguel.

"Baka may gusto sa 'yo? Nagseselos kay Markcus?"

Muntik ko nang mabuga ang iniinom kong tubig sa sinabi ni Ate Neza. Pinandilatan ko siya ng mga mata at hinampas sa braso.

"Ano bang pinagsasabi mo riyan Ate? Malabong mangyari 'yon!" singhal ko at sinabayan pa nang maraming iling.

Hindi ko sigurado kung sino ba ang kinukumbinsi ko roon. Si Ate Neza ba o ang sarili ko? But that's impossible, right? Imposibleng magustuhan ako noong lalaking 'yon. Iyong ganoong klaseng tao ay hindi marunong magseryoso at kahit kailan ay hindi magiging seryoso lalo na sa pag-ibig.

Maybe na-cha-challenge siya sa 'kin? Na-cu-curious? At once na makuha na ang gusto at maumay ay iiwan na lang bigla nang walang pasabi o paalam.

Mas gusto ko na lamang paniwalaan ang sinabi ni Ate Neza na baka nga hindi talaga sinasadya ni Miguel iyong nangyari. Maybe it was just an accident but...nakita rin ni Rose na sinadya nga iyon.

Pinilig ko ang aking ulo at mariing ipinikit ang mga mata.

Kaasar naman! Bakit ko pa ba pino-problema 'yon?

"Baka may gusto sayo..." Tila isang sirang plaka na nag-ple-play sa utak ko ang sinabi ni Ate Neza.

I laughed bitterly and bit my lip. Ang assuming ko naman masiyado kung maniniwala ako roon! Sobrang labo talagang mangyari 'non. Hindi naman ako kagandahan at hindi rin ako sexy. Men only like me for having a big boobs and butt. Kayumanggi lang din ang kutis ko at sa tingin ko'y wala namang espesyal na katangian ang maaaring magustuhan sa akin.

Hindi na nga ako maganda, hirapan pa ako pagdating sa pakikipag-socialize. So yeah, impossible for him to like me.

Kinabukasan ay nagpaalam si Markcus na sasabay ulit siyang mag-lunch sa akin at hindi na rin n'ya ako binigyang pagkakataon na tumanggi pa. Kaya naman nang matapos ang pang umagang klase ay magkasabay kaming lumabas ng classroom ngunit laking gulat ko nang makita na naman si Miguel na nakasandal sa stainless na railings ng classroom namin at tila may hinihintay.

Nang magtama ang mga mata namin ay tumuwid siya ng tayo at naglakad papalapit sa akin. Beads of sweat started to form on my forehead and my knees were trembling as fuck. Pinilit kong tumayo nang tuwid sa kabila ng hindi maipaliwang kong nararamdaman. I unconsciously looked around. Karamihan sa mga kaklase ko ay nakatingin sa amin habang may nakakalokong ngisi sa labi. Ang iba naman ay walang pakialam na nilalampasan lamang kami habang ang ilan ay pasimpleng nagbubulungan.

"Bluie," bigkas niya sa aking pangalan kaya naman tiningala ko siya. Halos masilaw pa nga ako sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. "A-Ah, gusto ko lang ulit mag-sorry sa nangyari kahapon. A-Ano...hindi ko talaga 'yon sinasadya. You see, kung alam ko lang sana na matatamaan si Margus—"

Not Your Asset (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon