Kabanata 2

59.8K 3.3K 1.8K
                                    

Kabanata 2

Hindi ko alam kung anong gagawin ko matapos kong makitang lumagapak siya sa ibaba.

Tutulong ba ako...o magpapanggap na wala akong nakita?

Lumapit ako, nakanganga lang siya sa akin doon, mukhang nakakita ng multo.

"A-ayos ka lang?" nag-aalangan kong tanong.

"Y-yeah? May nangyari ba?" parang walang alam niyang tanong, sumubok pang tumayo kaya halos takbuhin ko siya at tulungan.

I held his arm, he groaned and cursed.

"Tang inang hagdan 'yan," he muttered.

I lowered my body, dinungaw ko siya at kumalabog ang puso ko nang magtagpo ang mata naming dalawa.

"Ayos ka lang?" I asked again.

"Y-yeah," he licked his lip, ngumiwi nang sumubok tumayo pero biglang ngumisi sa akin.

"May nakita ka, Lia?" he asked and I blinked, still confuse.

"Huh?" I asked.

His lips protruded, mailalim niya akong tinitigan kaya suminghap ako at mabilis umiling.

"W-wala naman, mayroon ba?" I asked, kunwari ay walang alam.

I saw his lip twitched, "good girl, secret lang natin, huh?"

He muttered, his eyes are dark and wicked, may ngisi ang labi na para bang isang dark secret ito sa aming dalawa.

"O-okay," I said. "Wala nga akong nakita, eh."

Nagkatinginan kami ulit at tumaas ang sulok ng labi niya, he suddenly laughed and I found myself smiling too, bigla na rin natawa sa kanya.

Tawang-tawa ako sa kalakohan, bigla kong na-imagine ang pagtalbog ng pwet niya sa hagdan kaya mas natawa pa ako.

Huli na nang matanto kong tumigil na sa pagtawa si Atlas. I froze when I saw him staring intently at me, his black eyes are looking at me like he's amused.

"B-bakit?" tumikhim ako.

"Nothing," he tilted his head. "You're beautiful."

Natigil ako, napakurap at hindi na alam ang gagawin bigla. Natulala lang ako sa kanya, dinig na dinig ko ang kalabog ng puso ko, tila hinhalukay ang tiyan ko kaya napalunok ako.

"Oh, Atlas! Kanina ka pa--"

"Shit!" I almost screamed when Atlas cursed, bigla niyang hinatak ang baywang ko kaya nahulog ako sa kanya.

My eyes widen when my chest fell against his, napahiga siya habang nakadapa ako sa dibdib niya, ang hagdan ay nasa may likod lang.

Our eyes met again, ilang beses na kaming nagtitigan pero ang ganitong kalapit ay nakakapanibago.

Napalunok ako, nagdikit pa ang ilong naming dalawa at para na akong hihimatayin.

Natulala rin siya sa akin at bahagyang nanlaki ang mata.

"O-oh...anong mayroon?" may narinig akong halakhak at bago man ako atakihin ko ano ay humawak ako sa dibdib ni Atlas at iniangat ang sarili ko.

Mabilis kong inayos ang palda ko, nahihiya pang nag-angat ng tingin sa dalawang ka-basketball team ni Atlas.

"Ayos ka lang?" napasulyap ako sa isang lalaki na tinulungan itong tumayo sa pagkakasalampak.

"Yeah," tumikhim si Atlas at nagkatinginan kaming dalawa.

"Bakit ka nand'yan sa lapag?" Josh asked, isa sa ka-team niya.

"Ah, natumba kasi si Lia, tinulungan ko lang." Palusot niya at nagkatinginan kaming ulit.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon