Chapter 5

3 0 0
                                    

"Sly kailangan mo nang gumising sa katotohanan. Hindi ka isang normal na tao!" sigaw ng isang lalaki sa akin

"Hindi! Tao ako! Tao ako!" sigaw ko sa kaniya

Bigla nalang may humawak sa kamay ko. Napakahigpit ng paghawak niya dito. Nang tignan ko kung sino iyon nakita ko si dad.

"Dad, please ilayo mo na ako dito." pagmamakaawa ko sa kaniya

Bigla nalang niya akong itinulak sa may gilid ng building na siyang dahilan kung bakit ako nahulog.

Napabalikwas akong upo sa aking kama. At muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid.

"What's wrong with me? Palagi nalang akong nananaginip ng ganon." sabay gusot ko saking mga mata

6:30 na ng umaga kaya napagpasyahan ko ng magtoothbrush para makakain na ako ng agahan dahil medyo kumakalam na ang aking sikmura.

Agad akong tumungo sa banyo at pagharap ko sa salamin ay nagulat nalang ako sa aking nakita.

"Ang gwapo ko pala kahit bagong gising." sabay ngiti sa harap ng salamin

Kaagad na akong naghilamos at nagtoothbrush.

Pagkatapos ko ay dumiretso agad ako sa dining table.

"Oh Sly, ang aga mo ata gumising ngayon." wika ni lola Selia

"Medyo nagugutom na po kasi ako eh." sagot ko

"O siya, maupo ka na riyan at malapit na maluto itong agahan." wika niya

Agad naman akong naupo doon at tsaka ko inilabas ang cellphone saking bulsa.

Pagbukas ko nito ay bumungad sakin ang text ng isang unknown number.

"Pwede ba tayong mag meet?"

"Sino naman kaya tong nagtext na to?" tanong ko saking sarili

Bigla nalang kinuha ni lola Selia ang phone ko ng hindi ko nalalaman.

"Sly, hindi mo ba natatandaan na bawal gumamit ng gadget sa hapagkainan?" tanong niya sakin

"Hindi pa naman po kumakain eh." sagot ko sa kaniya

Bigla nalang niyang ibinaba ang cellphone ko sa may table malapit sa ref.

"Makukuha mo yang cellphone mo pagkatapos mong kumain." wika niya

Ibinaba niya sa harapan ko ang niluto niyang breakfast.

Kukuha sana ako ng bacon ng bigla niyang pinalo ang kamay ko.

"Naghugas ka na ba ng kamay mo?" tanong sakin ni lola Selia habang nakataas ang kilay

Bigla nalang akong napasimangot. Agad naman akong dumiretso sa may faucet para maghugas lang ng kamay.

Agad akong bumalik sa may dining table at nanguha ng kakainin ko.

Habang kumakain ako ay narinig ko nalang ang bati ni mom.

"Good morning anak." wika niya

Agad naman akong lumingon sa direksyon nila sabay ngumiti.

"Good morning mom. Good morning dad." bati ko

Dumiretso sila sa kanya-kaniya nilang upuan.

"Sly ang aga mo ata gumising ah." wika ni dad

"Oo nga Sly, ngayon lang ulit kita nakitang nagising ng maaga." wika ni mom

"Bigla po kasing kumalam yung sikmura ko kay bumangon na din ako." sagot ko sa kanila

"O siya, kain na tayo." wika ni mom

Habang kumakain kami ay walang nagsasalita kaya naisip ko na basagin ang katahimikan.

"Mom, pwede po ba na manghingi ng extra na pera? Mukhang kukulangin po kasi yung pera na binigay nyo sa mga gamit ko eh." tanong ko

"Hindi pa sapat yung 5 thousand na pambili ng gamit mo?" tanong niya sakin

"Opo eh marami kasi akong bibilin." sabay ngiti ko

Sobra-sobra naman talaga yung 5 thousand na binigay ni mom pero gusto ko kasing bumili ng mga bagong polo at pants. Pagnanghingi naman ako sa kanila at yon ang idinahilan ko sasabihin nanaman nila na masyado na akong maraming damit.

"O siya, manguha ka nalang doon sa wallet ko ng kailangan mo." wika niya

"Thank you mom. I love you." sagot ko

"Hahahaha, nagoyo ko nanaman si mom."

Binilisan ko ang pagkain para nakagayak na ako.

T-shirt at polo na galing sa penshoppe ang suot ko na tinernohan ng pants na nabili ko last week sa rrj. Simpleng pormahan lang naman ang kailangan ko, hindi ko naman na kasi kailangan na magsuot ng kung ano-ano para mapansin ng mga babae dahil makita lang nila ang mala Robert Pattinson kong mukha ay sapat na para maglaway sila.

Dumiretso ako sa garahe para kuhanin ang kotse ko. Mabuti nalang at may gas na to. Baka siguro pinafull tank na ni dad kahapon.

Pagpasok ko palang sa kotse ay biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong binuksan at una kong napansin ang text sa isang unknown number.

"Diba eto din yung nagtext sakin kanina?"

Agad kong binuksan ang text message nya.

"Aantayin kita dito sa dati nating tagpuan. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka dumadating."

Huh?

"Dating tagpuan? Sino nanaman kaya tong nagtetext sakin? Ni hindi manlang magpakilala sakin tapos gusto niyang makipagkita?"

"Baka nakuha lang niya yung number ko sa secret group daw ng mga fans ko."

Hindi ko pinansin ang text message na iyon at pinaandar ko na ang kotse para makabili na ako ng mga gagamitin ko.

Dumiretso ako sa national bookstore para mamili ng mga gamit. Pero tanging ballpen lang ang nabili ko dahil kumpleto naman na ang ibinibigay na gamit sa school ko.

Pag-alis ko sa NB, agad ko namang tinawagan si Shawn.

"Pre, busy ka? Tara inom." aya ko sa kaniya

"Ano? Inom? Pre mali ba ang tingin mo sa orasan mo? 10 am palang, katatapos ko nga lang kumain ng breakfast tapos inaaya mo na ako kaagad uminom?" sagot niya

"So, payag ka?" tanong ko

"Sige-sige, hindi naman ako tatanggi pag libre mo eh." sagot niya

"Dadaan ako jan sa inyo, gumayak ka na agad." wika ko sabay patay sa linya

Habang nagmamaneho ako, biglang dumaan sa isipan ko ang text message na natanggap ko kanina.

"Sisipot ba ako don? Eh hindi ko naman alam ang sinasabi niyang dating tagpuan, tsaka hindi ko naman siya kakilala."

Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho ko. Nang madaan ako sa parke ( isa sa pinakapaborito kong lugar), parang may nakita akong isang pamilyar na babae kaya agad akong huminto at pilit sinisipat kung sino ang babae na nakaupo sa mismong upuan na lagi kong pinupuntahan noon.

Mahaba ang buhok, naka suot ng shoulder bag na tinernohan ng kulay green na shirt, pants at sandals.

"Parang kilala ko ang sandals na iyon. Pati na ang suot niya na shoulder bag."

Bumaba ako sa kotse at agad akong lumapit sa kaniya at nang makalapit ako ay dahan-dahan akong naglakad habang pilit inaalam kung sino ang pamilyar na babae na ito.

Bigla nalang tumunog ang cellphone ko kaya agad niyang tinignan ang nasa likuran niya.

"Julia?"

-xShintaroFnts

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vampire's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon