Chapter 30

82.3K 2.5K 583
                                    

~~101+k 


Chapter 30: The Riddle



Klaio Satara's POV


Alam kong nagulat si Fuschia sa inakto ko pero di ko aakalain na ako ang mas magugulat sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay nakapako ang tingin ko sa pinto na pinaglabasan ni Fuschia. She's so unpredictable. She wants Jeena out of our life.



"Am I dreaming?" sa sobrang tahimik ay maski ang bulong ni Jeena na iyon ay narinig namin. Kung panaginip ang lahat, siguro wala kami dito.



"She meant it. And If I were you, susundin ko ang sinabi niya." singhal bigla ni Lexine at tumayo na sa pagkakaupo. Tiningnan niya lang kami ni Jeena ng maigi at saka nagpatuloy nang maglakad. So that's it? This is ridiculous.



"Klaio, let's go." yaya sa akin ni Blairre. Tiningnan ko muna si Jeena. Tahimik lang ito na nakatungo. She's hurt pero sa tingin ko ang gusto lang gawin ni Fuschia ngayon ay protektahan ang mga taong nalalapit sa kanya. Dahil base sa conclusion ko, unti unti nang babalik silang lahat.



Tumango na lang ako sa kanya at nauna na itong lumabas ng pinto. Muli, ay binalingan ko ng tingin si Jeena.



"You heard her. I know she have her own reasons. Just now, follow her." at pagkatapos kong sabihin iyon ay napatunghay siya. Kitang kita ko ang reaksyon niya. Puno ng sakit. Pero kulang pa iyon para tumbasan ang sakit na alam kong nararamdaman ngayon ni Fuschia lalo na at may bumalik at nagpaala-ala ng lahat tungkol sa kanya.




Fuschia's POV


Naiirita na ako sa mga naririnig ko. Para silang mga bubuyog na walang magawa kundi ang mameste ng bawat umaga ko. Habang naglalakad ako ay rinig na rinig ko ang puro kwentuhan. Kung hindi tungkol sa amin ay sina Armour at ang grupo niya ang topic. Nonsense shits.



Agad akong nagtungo sa locker room. Its been days since pumunta ulit ako dito. At ngayon, habang naglalakad ako ay naramdaman ko na naman ang isang misteryosong presensya malapit sa akin.



Habang naglalakad ako ay ramdam ko pa rin ang tila patago tago nitong presensya at tulad noon ay sa tuwing titingnan ko kung sino ang kasunod ko, ay siya pa rin ang nakikita ko. I'm doubting this scenario. Posibleng hindi aksidente na lagi siya ang nakikita ko at posibleng sadyang pagkakataon lang.



Napatigil naman ako nang matapat sa aking locker number. Hindi ko pa ito nabubuksan ay narinig ko na ang ingay ng isang pagbubukas ng locker. Tumingin ako sa gawi nito at tinitigan ang taong nagiisang nakatayo na ilang agwat lang ang layo sa akin.

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon