Special Chapter: Reyes Battle

14K 607 245
                                    


Aphrodite's POV

"Nandito ka lang pala." nilingon ko ang tumawag sakin. "Hindi pa rin kayo nagkakaayos ni Rigel?" tanong nito.

Bumuntong hininga ako. "Ni ayaw nga akong kausapin."

"Ikaw kasi, katrabaho nya lang naman 'yon kung makapagselos ka." umupo sya sa tabi ko.

"Talaga ba?" walang ganang sagot ko.

Tatlong araw na kaming hindi magkaayos ni Rigel dahil sa lalaking isang linggo syang hinahatid pauwi. Limang araw ko ng hindi nasusundo si Rigel mula sa trabaho nya dahil naging busy ako sa shop namin ni Lulu at kung hindi ko pa sya sinundo nung araw na nag-away kami, hindi ko pa malalaman na hinahatid sya ng lalaking 'yon.

Hindi ko naabutan si Rigel sa pinagtra-trabahuhan nya. Sinabi lang sakin ng ka-close kong guard ron na umalis na si Rigel na may kasamang lalaki na limang araw ng hinahatid. Mabilis akong pumunta sa bahay nila at saktong kakarating lang nila sa tapat ng bahay nila. Hindi ako gumagawa ng eksena pero nung makita kong hinalikan ng lalaki sa pisngi si Rigel ay hindi ako nagpapigil at sinugod sya. Doon nagsimulang mag-away kami ni Rigel. Mas pinagtatanggol nya kasi yung lalaki.

Sa sobrang inis ko, kinabukasan pa ako nakipag-ayos sa kanya. Hindi ako natulog non dahil iniisip ko kung bakit nya pinagtatanggol yung lalaki. Nakipag-ayos ako kinabukasan pero hindi ko maiwasan hindi mainis sa tuwing pinagtatanggol nya yung lalaki kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami ayos. Ayaw nya ng makipag-usap sakin.

Ito ang pinakamalaking away na nangyari samin sa relasyon namin. Kaya kong magpakumbaba para maayos ang away namin pero kapag sinasabi ni Rigel na wala naman dapat ipagselos sa lalaking 'yon ay naiinis ako. Hindi ako tanga para hindi makitang may gusto ang lalaking 'yon kay Rigel. Kaya hindi kami makapag-ayos dahil sa tingin nya walang gusto yung lalaki sa kanya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Zandy nung tumayo ako.

"Sa shop. Wala rin naman akong susunduin." sagot ko habang naglalakad papasok sa loob ng bahay.

"Kaya hindi kayo nagkakaayos eh." nakasunod nyang sabi.

"Pa-deliver ako sa shop ng frappe." hindi ko pinansin ang sinabi nya.

"Ewan ko sayo." rinig kong sabi nya.

Kinuha ko ang helmet ko at isinuot. Nakatayo sa gilid ng motor ko si Zandy.

"Sarado na yung shop namin. Nagliligpit na lang sila ron kaya bumili ka na lang sa madadaanan mo." sabi nya.

"Bakit ang aga ninyong magsarado?" tanong ko at ini-start ang motor.

"May family dinner si Lee tapos si Tyrant sumakit ang tiyan." bigla akong napatingin sa kanya. "Tumawag sya sakin kanina na okay na sya pero nanghihina pa rin sya." tumango ako.

"Eh ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Tinatamad ako." nakangiting sabi nya. Napailing ako.

"Aalis na ako." paalam ko.

"Take care." tumango ako at pinaandar ang sasakyan patungo sa bahay ni Tyrant.

Dumaan muna ako saglit sa nagtitinda ng mami para may makain na mainit si Tyrant. Pagkarating ko sa kanila, si Tita Torey lang ang wala. Agad akong nagtungo sa kwarto ni Tyrant dala ang bowl na binili kong mami at tubig. Walang katok akong pumasok sa kwarto nya. Napataas ang kilay ko dahil nanonood sya sa laptop nya.

"Dite!" masayang sabi nito. Mukha lang syang nanghihina. "Ano yan?"

"Mami." lumapit ako sa kanya at inilapag sa drawer nya ang tray. "Get your ass up." ngumuso syang umupo.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now