Kabanata 02

801 46 13
                                    

Lumipas ang mga bakanteng araw ko na pag-aayos lamang ng kwarto ang inatupag. Nilinis ko rin iyong nasa unang palapag na napili kong gawing Pilates studio.

Minsan 'pag walang ginagawa sa hapon ay pinapanuod ko iyong mga hardinerong kinuha ni Mama para ayusin ang likod-bahay namin. Mabait naman si Mang Caloy at Kuya Tupe kaya minsa'y nakakakwentuhan ko sila.

Mabilis dumaan ang mga araw at hindi ko maitatangging unti-unti ko ring naramdaman ang nerbyos sa pagsisimula ko sa kolehiyo. Am I really nervous, or am I excited? I don't know which one but either way, I didn't get enough sleep because of it.

Buti at nagising pa rin ako nang maaga kinabukasan para gawin ang daily workout ko bago mag-ayos na para sa unang araw sa Durand.

We're only going to have an orientation today at mamaya pa lang rin ibibigay ang uniporme namin kaya naka-civilian pa kami. I only wore my usual wide-legged jeans with a white graphic tee tucked inside, and a pair of sneakers.

"I can't believe you're starting college already," biglang sambit ni Mama mula sa driver's seat.

I smiled at her before chuckling, "baka maiyak ka pa Ma, ha."

Natawa rin siya bago tuluyang huminto sa dati ring pinagbabaan niya sa'kin sa harap ng main gate, "you'll do great Nisha, you always do."

I unfastened my seatbelt and kissed her cheek bago magmano, "thank you, Ma. Tatawag ako 'pag pauwi na ako."

Tumango siya at bahagyang inayos ang mga takas na buhok sa mukha ko. "You should get a haircut soon," komento niya muna dahil sa hanggang bewang na nitong haba. "Mag-iingat ka."

"Okay, ikaw rin Ma," huli kong sabi bago bumaba ng sasakyan. Sinuot ko ang backpack sa aking mga balikat at kumaway sa nakabukas na windshield bago ipagpatuloy ni Mama ang pagmamaneho.

Marami akong nakasabay na ibang estudyante pagpasok, ang iba'y naka-uniporme na habang ang iba naman ay naka-civilian attire lang gaya ko.

Nang makalagpas ng tarangkahan ay sinabayan ko ang ibang naglalakad patungong Ponce Hall, may iilan din akong natanaw na sumakay naman sa mga coasters na naghihintay sa bukana ng escuelahan.

My nerves had completely taken up my entire well-being as I glanced around my surroundings. Ibang-iba talaga ang buhay kolehiyo kaysa high school. Idagdag pang hindi ako sanay sa lugar na 'to, para akong batang nangangapa pa sa kawalan.

Noong makarating ako sa harap ng gusali ng aming departamento, isang anunsyo na nakapaskil sa bulletin board doon ang sumalubong sa akin:

'To all Freshmen, Shiftees and Transferees, please proceed to the Campus Gymnasium for the Annual Orientation starting at 8:20AM. See you there!'

I checked my wrist watch and saw it's only a quarter left before eight o'clock. Tumabi muna ako at binuksan ang phone ko para i-check iyong campus map. Nalaman kong nasa tapat lang ang Gymnasium, katabi ng Field.

"Hi!"

Nalipat ang tingin ko sa babaeng biglang lumapit sa akin, bago siya ngitian.

She's also wearing casual clothes so I assumed she's a freshman too, but unlike me, she's more into girly style with her off-shoulder blue dress and ballet flats. She's really pretty with her fair complexion, chinita eyes and brown-ish hair, paired with her light makeup.

"Hello," bati ko pabalik.

"Nursing ka rin?"

I shook my head, "Psychology."

"Ah," she nodded, "that's fine, sabay-sabay naman yata orientation ng mga colleges under Ponce Hall. Alam mo ba kung saan yung Gymnasium? Sorry ha, kung feeling-close ako."

Break the CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon