One

3.9K 30 2
                                    

Via

"Thank you talaga Via! Ang laki ng tulong mo." Napangiti naman siya ng purihin siya ng isa sa mga ka-block mate niya. Tinulungan niya kasi ito sa lesson na hindi nito naintindihan. Yung prof kasi nila kanina matanda na kaya naman pwede ka ng matulog pag nag-lelecture ito. Siya lang ata ang studyante na hindi nakakatulog sa klase nito. Well, minsan may time na hindi niya talaga kinakaya kaya nirerecord nalang niya.

"Wala iyon." Ngiting balik niya rito. Nagpasalamat ito muli saka umalis. Tumingin siya sa relo niya, Lunch break na pala. Mamayang Vacant ay meeting na nila pero wala parin siyang nakikitang kagrupo niya.

Okay lang may oras pa naman. Banggit niya sa sarili niya at lumabas sa Literature building.

###

Kanina pa siyang naghihintay sa conference room ng mga fifteen minutes na pero ni isa wala pa rin. Kanina pa niya inaadjust ang oras ng paghihintay niya. Matatapos na ata ang vacant niya wala paring dumarating.

Gusto niyang matapos ng malinis  ang meeting nila ngayong araw pero mukhang mabubulilyaso pa ata ito.

huling tingin niya sa relo. Five minutes na ang nakalipas muli. Wala na! kailangan na niyang tawagan ang mga kagrupo niya. Hindi pwedeng mabulilyaso ang meeting nila ngayon.

Una niyang tinawagan ang pinaka reliable na kagrupo niya. Baka nalate lang ito dahil sa part-time nito.

Ilang ring pa bago nito sinagot ang tawag.

"Mina, nasaan ka na? Matatapos ka na ba sa shift mo?" She asked.

"Via?" Confuse na tanong ni Mina sa kabilang niya. Mukhang hindi ata nito namalayan na siya ang tumawag

"Oo, si Via 'to. Yung ka-group mo sa Lit." Sagot niya.

"Bakit ka na patawag? Hindi ba naging maganda ang kinalabasan ng meeting?" Bigla siyang napakunot ng noo sa tinanong ni Mina.

"HIndi pa nagsisimula—actually wala pang dumarating kahit na isang member." Hindi niya naitago ang magkadismaya.

"Wala pa? Anong oras na thirty minutes na lang matatapos na ang vacant. Wait? Hindi mo ba natandaan na nagpaalam ako sayo?"

"Nagpaalam?"

"Oo, nalipat ang shift ko sa part-time. Nag message ako sayo na hindi ako makakadating sa meeting at sinend ko na rin ang task report para sa meeting." Dahil sa sinabi ni Mina, nagmamadaling hinalughog niya ang inbox niya.

10:33 pm, pa ang message na iyon. Ibig sabihin kagabi pa sinend iyon ni Mina. Nang mga oras na iyon ay babad siya sa paboritong Movie na pinapanood nya. Marahil ay hindi niya napansin.

Binatukan niya ang sarili niya dahil sa katangahan.

"Mukhang hindi ko na check kagabi." Awkward na tawa niya.

"You want me to come over?" Bigla namang lumambot ang puso niya sa tinanong ni Mina.

"No, It's okay. You need that Job. I'll handle this."

"You sure?"

"Yup! see you." Paalam niya saka ibinaba ang tawag.

Napabuga siya ng hangin. At least Mina send already her task report.

It's okay we still have three remaining members. She was about to call Jasmine, one of the members nang nagmessage ito.

'Via. I know late na akong nagpaalam. Pero kasi kailangan ako ni Lola sa hospital ngayon. Don't worry tapos ko naman na iyong pinapagawa mo. Pasensiya na talaga.' Basa niya sa message ni Jasmine. Alam naman niya na may sakit ang lola nito, alam din niya kung gaano ito kasipag sa pagaaral. Pero bakit ngayon pa! kung kailan pa sa araw ng meeting nila.

Her Submissive ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon