Chapter 2

40.8K 1.3K 978
                                    

Chapter 2

Embarrassment

I parked my car inside their school. Medyo malayo 'to sa building nila dahil hindi ako makapasok sa loob. Labasan na nila at kumpulan ang mga estudyante. Now I don't know how to fucking find him and shove to his face and everyone else that he's mine. Na dapat hindi na siya nag-e-entertain pa ng iba!

I am really fuming mad now.

With my uniform on, I leaned my back on the door of my car. Students from this school are staring at me and some of them are whispering with each other. Iyong iba ay masama ang tinginan, ang iba naman ay namamangha, siguro sa kagandahan ko.

Yes! Ako 'to! Nagbabalik. The witch of Zoren's admirers. The thunder of their dreamy illusions! Iyong pag nakita mo, mapapasabi ka na lang ng, ay, nananaginip lang pala ako. May nagmamay-ari na pala kay Zoren.

Pinatulan ko ang ibang nagyaya magpapicture. Kahit saan talaga ako pumunta. Tss. Okay lang naman, naaliw ako habang naghihintay. Naghintay pa ako ng ilang minuto, akala ko nga ay nakalabas na si Zoren.

Sa malayo ay nakita ko si Zoren kasama si Ashi at ang dalawang madalas niya rin na kasama. I think their names are Fin and Dane.

Dahil nga iba ang uniform ko at pinagtitinginan pa, mabilis kong nakuha ang atensyon niya. Nakita na rin ako ng mga kaibigan niya at nakita ko kung paano siya pinagtutulak ng mga 'to papunta sa akin. But he didn't move. Kaya ako na ang naglakad papunta sa kanya.

Pabebe.

My eyebrows are like waves while I'm walking towards him. Malamig lang ang titig niya sa akin habang naghihintay. Yes. He fucking stopped. He's just waiting! Nalagpasan ko na sila Ashi at hindi ko sila pinansin.

"I know why you're here. Long time no see, Captain," he smirked and placed his hands inside his pockets.

Kahit naiinis ay namangha pa rin ako sa kagwapuhan niya. What would I give for you to be mine officially?

"Was it planned? Was it bait so I'd go here?" I crossed my arms. This is not the right time to fantasize about him!

Nagtaas siya ng kilay at hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog nang paulit ulit.

"No. Why would I want you here, anyway? You just scare my admirers," ngisi niya.

Ouch. That stings a little. Madalas talaga napakasakit nitong magsalita. No filter! He doesn't care about others' feelings at all. But I feel like he's lying. I feel like he's doing these things on purpose. I feel like he wants to attract me to him like a magnet.

"So, it's true, then? You're entertaining that fucking dimple?" I burst out with my pissed tone.

"What if I am?" hamon niya. Buong buo ang kanyang boses, walang halong pagdadalawang isip.

I breathe out. Unbelievable.

"I told you, you can't!" Tumaas na ang boses ko.

"When was the last time I heard that?" kunot noong tanong niya, his face was arrogantly seducing me.

Hindi ko siya sinagot. Medyo matagal na rin. Noong practice match namin dito. 'Yon ang naalala kong huling beses na sinabi ko 'to? Ano naman ngayon, 'di ba? Kailangan ba araw araw sabihin? I-set ko kayang ringtone niya?

Nagpatuloy na siya sa paglalakad dahil pinagpapawisan na siya. Kahit naman ako. Ang init init kaya rito sa gitna at ibaba ng araw!

"So, you like that girl? Huh?" Sinundan ko siya.

No way! No way he'd like that daughter of a bitch! Ang daya-daya naman kung sakali!

"Zoren naman! Pwede bang sagutin mo ako?"

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon