II

12.3K 597 34
                                    

The Process

Walang ibang maririnig sa silid kung hindi iyak at hagulgol. Lahat ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang kaeskwela, kaibigan, at kapamilya. Lahat ay nakatanaw sa kabaong ng yumaong babae na si Afianna.

Si Mrs. Felicity Morris, ina ni Afianna, kanina pa nakatulala sa isang sulok habang hawak-hawak ang pabiritong stuffed toy ng anak at bigla-bigla na lang kung lalabas ang mga luha galing sa kanyang mga mata. Sobrang tamlay niya, ni ngumiti hindi niya magawa. Ilang araw na rin ang nagdaan noong huli siyang kumain ng maayos, ilang araw na ring patay si Afianna. She lost someone. AGAIN. She lost someone so dear to her again. Wala namang magagawa ang kanyang mga kaanak kung hindi ay maawa na lamang sa sinapit ng kanyang anak at sa nangyari sa kanya.

Afianna's best friend, Grace, has been crying nonstop since she visited her funeral.

"Bes, naman eh. Bakit mo ko iniwan? Sisters forever diba?" Pumipiyok nitong bigkas na hindi binabalingan ng tingin ang kanyang mga magulang na nag-aalalang tumingin sa kanya. "Bes, ayos lang naman talaga sa akin na kani-kaninong pangalan ang bigkasin mo eh. Basta bumalik ka lang, Bes. Mag-isa na lang ako. Wala na akong matatawagan, Bessy." Patuloy lang siya sa pagsasalita ng kung ano-ano at walang tigil ang mga luha na tila wala itong katapusan. Hindi rin kumakain ng maayos si Grace simula ng mabalitaan ang sinapit ng kanyang matalik na kaibigan. Napapakiusapan naman siyang kumain pero agad ding napapatulala at titigil na sa pagkain.

Lahat ay naawa sa lagay ng mga malalapit sa buhay ni Afianna. Kung hindi umiiyak, nakatulala. Minsan lang kung sila ay magsalita kaya hinahayaan lang sila. Everyone is mourning, the place is gloomy despite of the bright place due to the lights. Everyone have similar moods these past few days, pity, worry and sympathy are written all over their faces.

Habang nasa sala silang lahat, wala silang kaalam-alam sa kakaibang nangyayari sa loob ng kwarto ni Afianna.

Umilaw ng sobrang liwanag ang buong kwarto nito sabay ng pagkabukas ng unang pahina sa itim na libro ni Afianna, ang libro kung saan naka lagay ang isang pangarap niya.

Sa unang pahina, umilaw ang mga nakasulat na mga salita ng ilang segundo bago napunta sa susunod na pahina kung saan ang nakasulat na pangarap at ito ay paunti-unting umilaw, patindi nang patindi. Para namang nagkaboses ang libro at binasa ang nakasulat.

"To be reincarnated having all of the magic powers out there except dark magic."

Mahina lang ang pagkakabigkas nito. Malalim, magaspang, at nakakakilabot na boses ang maririnig at tiyak na matatakot ang kung sino mang nilalang ang nakarinig non.

Paulit-ulit na binasa ng libro ang nakasulat sa loob ng isang minuto bago nawala ang ilaw at sumarado ang libro. At balik sa dati ang kwarto na tila walang kakaibang nangyari rito.

Sa isang lugar naman, nagising si Afianna sa isang napakalambot na kama na tila ito'y gawa sa mga ulap. Nagmulat siya ng mga mata at nasilawan sa kanyang nakitang kalangitan. Pumikit siya ulit upang masanay sa liwanag bago ulit nagmulat.

"Nasaan ako?" Unang mga salita na lumabas sa kanyang nanghihinang boses bago hinawakan ang kanyang ulo dahil sa biglaang pagkirot at pag kahilo. Nang mawala ang sakit at pagkahilo, dahan-dahan siyang bumangon at tiningnan ang paligid.

Isang hardin ang kanyang nakikita, puno ng mga bulaklak sa paligid at mga paru-parung masayang lumilipad sa paligid. Iba't ibang mga kulay ang pwedeng makita sa hardin.

Linibot niya ang kanyang paningin sa paligid at isang salita lang ang pumasok sa kanyang isip.

'Wow.'

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon